Chapter 2

5.5K 179 5
                                    

Kate's POV

"Bakit hindi ako pwede dito?"

Nandito kami sa entrance ng auditorium.  May stage play sila Charm ngayon at nandito kami ni Lex para manood.  Pero hindi daw ako pwedeng pumasok sabi ng student na naka-assign sa entrance.

"Utos ni Lance." sagot niya. 

Biglang nag init ang ulo ko ng marinig ang pangalang Lance.  Wala talaga siyang alam gawin kundi sirain ang araw ko. 

"Nasan siya? Nasa loob ba siya? Papasukin mo nga ako diyan!"

Wala akong pake kung pagtinginan nila ako. Ang mahalaga ay masapak ko yang si Lance. 

"Nasa gym siya.  May laro sila ngayon." sabi niya. 

"Lex ikaw na bahalang magpaliwanag kay Charm ah.  Pupuntahan ko lang si Lance."

"Sige.  Akong bahala kay Charm."

Pagkasabi niya non nagmadali na akong pumunta sa gym.  Humanda ka talaga sakin Lance.  Sisirain ko yang laro mo. 

Pagdating ko sa gym hindi pa nagsisimula ang laban.  Pumunta ako sa bench nila Lance. 

"You're late." bungad niya saakin ng makita niya ako. 

"Late mo mukha mo! Bakit bawal akong manood sa play nila Charm ha?"

Nakatingin ako sakanya ng masama. He is just staring at me as if it was nothing.  Ganyan na ba talaga siya kasama?

"Dito ka manood.  Maglalaro ako."

"Nasaakin ba ang bola? Hindi ka makalaro ng wala ako?"

Narinig kong tumawa ang mga teammates niya.  Pero hindi namin yon inintindi. Tahimik lang siya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. 

He is giving me that kind of look again. Yung tingin na hindi nakakainis pero nakakakaba. Para kasing may ibig sabihin yung mga tingin niya ngayon e.

Prittt!

"Start na ng game. Mamaya na ang lovers quarrel niyo Lance." sigaw ng captain nila. 

Hinila niya ako papunta sa upuan ng bench nila. 

"Stay here. And don't go anywhere." iyon lang ang sinabi niya bago siya pumasok sa court. 

Ano bang nangyayari Lance? Pakiramdam ko nag iba siya.  Dahil ba sa ginawa ko? Hindi pa ba siya nakaka move on sa ex niya?

The Dare Where stories live. Discover now