Chapter 28

3.4K 112 6
                                    

Kate's POV

"I said no."

"Pero paano ang kontrata?"

"I can handle that. Huwag mong intindihin yon."

"Pero-"

"Sinabi ko ng hindi! Bakit ba ayaw mong makinig saakin? Gusto mo bang makipag usap sa lalaking yon?"

Nagsimula na siyang magtaas ng boses. Hindi ko siya masisi kung bakit ayaw niya sa proposal ni Kiel. Pero ayoko namang mawala ang pinaghirapan namin dahil lang saakin.

Humingi ako ng tatlong araw para mag decide. Pinagbigyan naman ako ni Kiel. At ngayon nagtatalo kami ni Lance dahil ayaw niyang makipag usap ako kay Kiel.

"Hindi ko naman sinabing gusto ko love. Alam kong malaki ang mawawala sa kompanya kapag hindi siya pumirma sa kontrata."

"Sinabi ko namang gagawa ako ng paraan diba? Hindi mo ba ako kayang paniwalaan don?"

"Anong paraan mo love? Sige nga? May naisip ka na ba?"

Hindi siya nakasagot agad.

Kung tutuusin okay lang saakin na makausap si Kiel. Wala naman akong nararamdaman sakanya. At kahit ano pa ang sabihin niya hindi naman yon mahalaga saakin.

"Alam kong capable ka sa lahat ng bagay. Pero this time pwede bang saakin ka muna magtiwala? Walang mangyayari kung iiwas lang ako ng iiwas kay Kiel. Soon-"

I was dumbfounded when he suddenly kissed me. Napaatras pa ako dahil sa lakas ng impact nito saakin.

"I told you not to say that name." sabi niya pagkatapos niya kong halikan.

"So-sorry." iyon lang ang nasabi ko. It was so sudden. Ni hindi ako handa doon.

"I know what you're thinking. Pero ayoko talaga sa gusto mong mangyari. Seeing him irritates me. And seeing him with you makes me angry. I trust you. Pero wala akong tiwala sa motibo ng taong yon. That's why I don't want you near him."

"Naiintindihan kita love. Hindi na ako makikipagtalo."

I get his point. For now I will listen to him. Pero kapag dumating sa punto na hindi na niya kontrolado ang sitwasyon ako na mismo ang gagawa ng aksyon.

**
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa meeting. Thanks to Miss G. Ang numero unong tsismosa sa loob ng opisina.

Kung dati duda sila sa kakayahan ko na makapasok sa kompanya na ito, ngayon naman itinuturing nila akong salot. Salot dahil ako daw ang magpapabagsak sa kompanyang pinagta trabauhan nila.

Hindi ko na lang pinansin ang mga taong tsismosa dahil wala akong magagawa sa makakati nilang dila. Kaya hinayaan ko na lang. Pero isang bagay ang hindi ko kayang palampasin.

"Mr. Mike tama ba ang narinig ko?"

Gulat na napalingon saakin ang secretary ni Lance.

"Nagtatalo si Sir Lance at Sir Mezzo? Dahil ba to sa project na hawak niya?"

Hindi siya agad nakasagot saakin. Narinig ko siya dahil may kausap siya sa telepono kanina. Hindi lang ako sigurado kung sino.

"Miss Kate sana hindi na ito makarating kay Sir Lance. Siguradong mapapahamak ako pag nangyari yon." halatang kinabahan siya dahil sa nalaman ko.

I know something like this will happen. I still have one day left to decide. Sana hindi ako magkamali ng desisyon.

Nagpunta ako sa department namin. Kinausap ko si Miss Celine tungkol sa gusto kong mangyari. Pagkatapos ko siyang makausap agad akong nagtungo sa office ni Mr. Mezzo.

The Dare Where stories live. Discover now