Chapter 27

3.5K 118 7
                                    

Kate's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakauwi na rin si Lance sa bahay nila. Hindi ko nga namalayan na isang taon na pala ang relasyon namin. Sa sobrang busy namin sa trabaho madalas hindi na kami nakakapag date. Pero hindi naman ako umaangal. Parati naman kaming magkasama at nagkikita sa opisina. Ang swerte lang namin kasi nasa iisang kompanya kami. At magkasama pa kami sa project na pinamumunuan niya ngayon. 

"Love hindi ka pa ba tapos diyan?"

"Sandali na lang to love. Malapit na."

5:30pm na. Nakaalis na ang ibang tao dito sa opisina. Ako na lang ang naiwan sa department namin ng pumasok dito si Lance. 

"Alam mo ba kung anong meron ngayon love? Baka nakalimutan mong may usapan tayo."

"Syempre alam ko. Grabe ka ha. Sandali na lang talaga to. Five minutes." sabi ko. 

Gusto ko munang matapos lahat ng ginagawa ko bago ako umuwi. Dahil sa lunes tiyak na tambak na naman ang mga dokumentong dapat kong asikasuhin.

Lumipas ang limang minuto pero hindi ko siya nagawang matapos. Bumalik si Lance dito para sunduin ako.

"Love times up. Let's go." sabi niya. Halatang gustong gusto na niyang umalis. 

"Pwede tumawad love? Five more minutes? May natira pa kasi e."

Sumama naman yung itsura niya. Pero pumayag siyang maghintay ulit.

"Love tawad ulit?" sabi ko ng pagkatapos ng limang minuto ay hindi pa rin ako tapos. 

Hindi siya nagsalita. Naglakad siya palapit saakin at bigla akong binuhat. Pang bridal style. 

"Te-teka love. Ibaba mo nga ako." gulat na sabi ko. 

"I can't wait any longer. Let's go love." sabi niya habang buhat buhat pa rin ako. 

Kahit ilang beses ko siyang sabihan na ibaba ako hindi siya marunong makinig. At kahit may iilan ng tao dito ang nakakita saamin wala pa rin siyang pakialam. Tinakpan ko na lang ang mukha ko sa sobrang hiya dahil buhat buhat niya ako hanggang sa marating namin ang parking lot.

"We should eat first." sabi niya habang kinakabit ang seat belt ko. 

"Love naman. Hindi na ako bata. Kaya ko na yan." sabi ko. Hindi naman sa ayaw ko. Pero parang sobrang spoiled na ako kay Lance. Sa lahat ng bagay kasi palagi siyang nakaalalay saakin. 

"Bakit love matanda ka na ba?"

"Ano?"

"Sabi mo hindi ka na bata. So tell me matanda ka na ba?"

"Oo. Matanda na ko." sagot ko.

"Then I should call you granny. Okay ba? My love granny?" nakangiting sabi niya.

Napairap naman ako sakanya.

"Siraulo ka. Nang aasar ka ba? Tse! Granny mo mukha mo." sabi ko. Lakas talaga mang asar ng isang to. 

"Haha. Seriously. You really look cute when your pissed."

"Cute? E kung sabihin ko sayong hindi ako natutuwa sa ginagawa mo? Ha?" pang aasar ko din sakanya. Magkukunwari lang naman akong galit para makabawi. Hehe. 

"Sorry na love. Ikaw naman. Di ka na mabiro."

"Wag mo kong kausapin." sabi ko. Nauna ka e. Kaya magdusa ka. Hehe. 

"Love naman. Sorry na. Hindi na kita aasarin."

Hindi ako kumibo. Pero sa loob loob ko gusto ko ng tumawa ng malakas.

The Dare Where stories live. Discover now