Chapter 11

4.6K 146 1
                                    

Kate's POV

Two days na ang lumipas ng magtapat saakin si Lance. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.

Last friday night sinabi niyang mahal niya ako. 

Totoo kaya yon?

Simula ng umalis kami sa bahay nila Bea ay hindi na kami nag usap. Hindi siya nagsalita hanggang sa maihatid niya ako sa dorm namin. At ang tanging nasabi ko lang sakanya bago siya umalis ay ang salitang salamat.

"Kate sabihin mo nga saamin ang totoo. May nangyari ba sa party?" tanong ni Lex.

Nakatingin saakin ngayon si Lex at Charm. Nasa mesa kami at kumakain. 

"Wa-wala naman." sagot ko. 

Napayuko ako. Nahihiya ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nangyari sa party. 

Hinalikan ako ni Lance sa harap ng maraming tao. At ang masaklap don tinugon ko rin ang halik niya. 

"Palagi ka na lang tulala. Parang lumilipad yang utak mo. Ikaw ba talaga si Kate? Baka naiwan mo yung kaluluwa mo sa bahay nila Bea. Sabihin mo yung address para mapuntahan namin ngayon na mismo." sabi ni Charm. 

"Ka-kasi... "

Alam kong hindi nila ako titigilan kapag hindi ako nagsalita. Kaya sinabi ko sakanila ang nangyari. Naikwento ko sakanila ang lahat ng nangyari mula ng dumating ako sa party hanggang sa makauwi ako sa dorm namin.

"OMG! I'm so happy for you Kate!"

Agad akong niyakap ni Lex pagkatapos kong magkwento.

"Lex ayoko munang mag assume. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Lance."

"Sinabi niyang mahal ka niya. Anong hindi totoo ron?"

"Malay mo joke lang yon. O kaya pinagtitripan niya lang ako. Baka ano baka ginagamit niya lang ako kasi nandoon yung ex niya."

Isa yon sa gumugulo sa isip ko. Nasa party din si Samantha ng gabing yon. At alam kong gusto ni Lance na magkabalikan sila. Iniisip kong baka ginamit niya ako para pagselosin ang ex niya.

"Kung gusto mong malaman ang totoo bakit di mo siya tanungin? Siya lang naman ang makakasagot sa mga katungan mo Kate."

Tama si Charm. Naisip ko na ring gawin yon. Kaya lang sa huli nauunahan ako ng kaba. Paano ko naman siya tatanungin? Kung ngayon pa lang hindi ko na alam kung paano siya haharapin?

Magdamag akong hindi nakatulog. Iniisip ko kasi kung paano kakausapin si Lance. Nagdesisyon na lang akong pumasok ng maaga. Sigurado kasi ako na dudumugin ako ng mga fans niya ngayon.

Mabilis akong naglakad sa hallway. Palinga linga ako habang nakatakip ng libro ang kalahati ng mukha ko. 

Agad akong nagtago ng makita kong papalapit saakin ang grupo ng mga babaeng baliw na baliw kay Lance. Kilala ko sila dahil pumupunta pa sila sa room para lang makita siya. 
Akala ko susugurin na nila ako. Pero bigla na lang silang nag iba ng direksyon. Parang hindi nila ako nakita.

Dumiretso na lang ako papunta sa room. At sa paglalakad ko wala ni isang sumugod saakin. Dati alam kong hindi nila ako kayang awayin dahil kasama ko si Lance.  Pero ngayon kahit wala si Lance parang wala silang pakialam. Ang alam ko kasi galit sila saakin e.

"Aray!"

Sa sobrang pag iisip ko hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. 

"Pasensya ka.."

Nagulat ako ng makita ko ang tao sa harap ko ngayon.

"Kate ayos ka lang?"

Tugdug! Tugdug!

The Dare Where stories live. Discover now