Chapter 12

4.4K 139 1
                                    

Kate's POV

Mabilis akong lumabas sa gym. Sapat na lahat ng narinig ko. Kanina sobrang saya ko dahil sa sinabi ni Charm. Pero ngayon halos isumpa ko na si Lance dahil sa nalaman ko. 

"Kate sandali lang!"

Hinawakan ni Lance ang braso ko. Hindi naman ako nagpatinag at nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya. 

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla niyang hinarangan ang daraanan ko. 

"Tumabi ka diyan." sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Kate makinig ka muna saakin."

Napatingin ako ng masama sakanya.

"Ano pa bang sasabihin mo ha? Alam ko na lahat. Narinig ko lahat ng sinabi ng mga kaibigan mo. Bakit may idadagdag ka pa? Anong kasinungalingan pa ba ang sasabihin mo?" inis na sabi ko. 

Sa totoo lang gusto ko na siyang sampalin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang frustration ko. Alam kong mag kaaway na kami noon pa. Pero ewan ko ba. Hindi ko matanggap na nagsinungaling siya saakin. Hindi ko matanggap na kasinungalingan lang pala ang lahat. 

"Let me explain. Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari."

"Sino yung taong kausap mo noon sa food court? Yung ex mo o yung kaibigan mo?"

Hinihiling kong sana mali lang ako ng dinig. Na sana hindi totoo ang lahat ng sinabi nila kanina.

"Si Migz ang kausap ko Kate. Totoo ang sinabi niya kanina."

Pero nagkamali ako. Mas lalo akong nasaktan dahil sa pag amin niya. 

"Totoo bang wala kang injury?" tanong ko. 

"It's true. Hindi totoong may injury ako." sagot niya. 

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang tanga ko.  Ang tanga tanga ko dahil naniwala ako sa lahat ng sinabi niya saakin.

"Masaya ka ba? Dahil nagmukha akong tanga? Ang sama mo. I really hate you Lance!" sigaw ko. 

I had enough. Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung mga taong sinungaling. I hate liars. I hate them all!

"Kate listen. Hindi yon gaya ng iniisip mo. I have my reasons. At gusto kong malaman mo na hindi kita pinaglalaruan. Hindi ko gustong magsinungaling sayo. Maniwala ka sakin please."

"Maniwala? Pagkatapos mong magsinungaling tingin mo may maniniwala pa sayo?"

"I told you it's not what you think. I did that because I like you! Yon ang totoo Kate."

Nagkatinginan kaming dalawa. Sandali akong hindi nakapagsalita. Pakiramdam ko naglalaban ngayon ang puso at isip ko. 

"I like you. No. I love you Kate. At sana maniwala ka sa sinasabi ko."

Hindi ako nagsalita. Nararamdaman ko ang sincerity niya. Pero parang ayaw makinig ng utak ko. May kung anong kumikirot sa dibdib ko. 

"Hindi yan totoo. Dahil kung mahal mo ako hindi mo ko kayang saktan. Hindi ka sana nagsinungaling saakin."

Pagkasabi ko non agad ko siyang tinalikuran. I really want to have some time alone. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit magkaiba ang sinasabi ng isip at puso ko. Gusto kong maniwala sakanya pero parang sinasabi ng utak ko na huwag muna.

Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Dahil litong lito na ako sa nararamdan ko para sakanya.

Lance's POV

The Dare Where stories live. Discover now