"Teka! Saan ka pupunta!."

"Basta. Magkikita naman tayo mamaya kaya huwag kang mag alala." Sagot ko kay Zed. At tumakbo na ako pabalik doon sa kweba.

Ilang nasdali pa ay nandoon na ako. Nakaupo sa gilid at nagtatago dahil baka makita ako ng mga kalaban. Dahan dahan kong sinilip ang pwesto ng dalawang Spirits para makita ang kalagayan ng dalawa.

Napansin kong hinang- hina na ang dalawa sa pakikipaglaban pero ayaw nilang sumuko.

"Kailan ka ba titigil!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi kita natatalo!"

"Hindi ko sayo ibibigay ang lugar na ito! Tahimik kaning naninirahan dito. Huwag mo kaing guluhin! Atsaka ano nang binabalak mo!?"

"Ha! Hanggang ngayon ba, hindi mo parin nakukuha ang gusto kong mangyari? Iyon ay ang talunin ka! Kapag nakuha ko na ang buong lugar na ito, lalagyan ko ng pader ang buong bundok na ito para hindi makapasok ang mga taong iyon! At kapag dumating na ang tamang panahon, lulusubin namin sila! Hahaha!"

Hindi ko maisip na iyon pala anh binabalak ng dragon na ito. Kung sakaling mangyari pala iyon, maaaring ang bayan namin ang unang mapahamak.

"Iniisip mo lang ang kapakanan mo! Paano ang iba? Paano ang ibang Spirit na masasaktan? Paano ang buhay ng mga tao?"

"Iniisip mo parin ba iyon? Tandaan mo Centaur, mas malakas tayo kaysa sa kanila. Hindi nila tayo kayang talunin!" Sabi nito atsaka nilusob ang Centaur.

Patuloy silang naglalaban. Napansin ko na mahina na at hinihingal na ang Dragon. Madami na itong sugat at hindi na rin ito makalipad dahil ang isa niyang pakpak ay malubhang nasugatan. Marami ring sugat ang Centaur pero hindi katulad ng Dragon. Halata sa Dragon na pagod na ito pero hindi ito sumusuko.

Tumingin ako sa pwesto ng mga Bloodfist at nagulat ako nang Makita ko na parang may nakaharap sa akin na lalaki. Agad akong nagtago sa likod ng malaking bato. Sinilip ko siya kung saan siya pupunta. Bigla akong kinabahan nang nakita ko siyang tumatakbo papunta sa malaking lalaki.

'Kid! Takbo!' sigaw ni Master sa akin na ikinatkbo ko.

'Kahit naman hindi mo sabihin, tatakbo ako eh!' sabi ko.

Mabilisan akong umakyat palabas ng Kweba. Kinakabahan na baka hulihin nila ako. Sasabihan ko narin sila Scarlet tungkol ditto para makaalis na kami. Baka madaming mapahamak dahil sa akin. Nang makalabas ako sa Kweba ay agad akong tumakbo papunta sa Pwesto nila. Pero sa kasamaang palad, nandoon na sila, ang mga Bloodfist. Nagsisimula silang mag laban. Nakita ko sila Zed, Fred, Scarlet at ang iba na nagMorph sa kani kanilang Spirit at kinakalaban ang mga Bloodfist.

May mga nakita na akong sugatan kaya agad kong inilabas ang aking mga potion at ibinigay sa kanila para gumaling sila.

"Anong nangyari?!" Tanong ko.

"May Traydor sa atin!" sabi niya.

"Ha?!"

"May nagsabi sa kanila kung nasaan tao nakapwesto-uugghh!!" sabi niya habang hawak ang kanyang kanang braso dahil may sugat ito.

Andaming tumatakbo sa isip ko. May traydor sa amin? Sino!? Akala ko dahil sa akin kaya kami nakita. Pero hindi ko muna iisipin iyon. Madami nang nasugatan at nangangailangan ng tulong. Madami silang naglalaban at madami ring nasususgatan kaya inilabas ko na ang isaa kong Potion.

'Master. Pwede ko na bang gamitin ang Potion na iyon?'

'Huwag. Kasi maaapektuhan din ang mga kalaban kaya huwag muna. Mamaya na kapag sama sama na tayo.'

Sabi niya at tumango ako bilang pagsang ayn. Napansin kong papalapit sa akin si Scarlet. Mayroon siyang sugat sa kamay at tumutulo ang dugo doon.

"Lumapit ka dito, gagamutin kita." Sabi ko.

"Bilisan mo!" ma-otoridad niyang sabi.

Tahimik ko siyang ginamot pero hindi ko mapigilan ang sarili ko at tinanong na siya.

"Kilala mo ba yung traydor?"

"........ Hindi" sabi niya.

"umiwas na muna tayo ditto sa lugar na ito. Magtago muna tayo para hindi na dumami ang mga masusugatan." Sabi ko.

"Pero sinira nila ang Bayan natin! Unti unti nilang sinisira!"

"Alam ko pero hindi natin kailangang itaya ang mga buhay natin at mapunta lang sa wala. Wala tayong laban sa kanila. Ginulat nila tayo ng atake. Hindi tayo nakapaghanda ng mabuti." Sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya. "Huwag kang mag alala, may alam akong lugar na pwedeng pagtaguan."

Tumahimik siya at mukhang tinitimbang ang mga bagay bagay. Sumagot na siya sa sinabi ko. " sige."

Natapos ko nang gamutin ang kanyang sugat at at lumipad nasula papunta sa iba pa naming kasama.

"Umatras na tayo!" sigaw niya at napatingin sa kanya ang lahat ng kasama naming. "umatras na tayo! Hindi natin sila kaya!" sabi niya sabay lipad papunta sa pwesto ko. "Ituro mo sa akin ang lugar nasinasabi mo."

SpiritsWhere stories live. Discover now