PROLOGUE

2.1K 26 7
                                    



Prologue






"Lapit mga suki presyong divisoria sampu sampu bente bente at iba pa!!"





Panay lang ang kanta niya habang nagbubugaw nang mga langaw sa kanyang tinitindang isda.




"O bili bili na kayo nang isda mga suki kong magaganda at pogi!" sigaw niya sa mga nadaang mamimili.




Marami naman huminto sa sigaw niyang yun.



O diba dami talaga niyang naloloko minsan.



"Fresh ba yan?" tanong nang isang matandang babae habang tinuturo ang isdang tinitinda niya.



"Oo naman nay P-R-E-S-H! yan! Presh na presh, bagong huli pa ang mga yan nay!" masiglang sabi niya rito.




O diba may pa spelling pa siya kay Nanay.




"Tangna te mali yata spelling mo." rinig niyang bulong na nasa likuran niya.



Hindi naman niya pinansin yun, inasikaso na niya si Nanay dahil bibili na ito nang isda niya.



Mamaya ka sakin tombs!



Nagpasalamat siya kay Nanay matapos nito bumili sa kanya.




Inis naman niyang hinarap ang kaibigan niyang si Serena aka tombs!




Tombs dahil tomboy si Ate gurl.



"Ano naman bakit ganyan ka makatingin sakin." reklamo nito sa kanya.




Kasa-kasama niya ito nagtitinda nang isda dito sa palengke.



"Pinuna mo na naman ang pag spelling ko." naiinis niyang sabi rito.




"Mali naman kasi yung ini-spelling mo kanina." nang aasar na sabi nito.



"Eh kung mali ako, ano ang tamang spelling ng presh ha?!" paghahamon niya rito.




Tumigil naman ito sa ginagawa at mataimtim siyang tiningnan.




"P—R—E—S—S—" dahan dahan pa ito habang nagsasalita.



"Tangna niyong dalawa, pareho lang kayong mali! Magtinda na nga lang kayo diyan!"




Napalingon silang pareho sa nagsalitang yun.


Wala nang iba kundi ang isa pa naming kasama rito si Juan aka Juana ang bekla naming kaibigan.




"Ang init naman nang ulo mo baks!" sigaw niya rito.



"Paano naman kasi may nakasagutan na naman akong tindera diyan sa may labas."



Natawa siya sa hitsura nang bakla.



Normal na lang kasi na lagi itong may nakaka away na tindera dito.


Sanay na sila.


Maghuhugas na sana siya nang kamay nang bigla siyang nakarinig nang isang komosiyon sa labas nang palengke.




"Naku pang ilan na yan sa dadaan?" rinig niyang tanong ni Serena.


Sinabayan nang ingay na nagtatambol at tili nang mga kababaihan sa loob nang palengke.


Nairita naman siya, bakit pa kasi sa palengke pa dumadaan ang mga to.


So Into YouWhere stories live. Discover now