Chapter 26 ❤ News

Mulai dari awal
                                    

Nangagalaiti ako ngayon dahil nakita ko lang naman ang fiance ko na galing sa unit ni Buenavista. Gagong yun. Anong ginawa nya kay Janna?

Bakit alam kong kay Adrian sya galing? Dahil alam kong pag-aari nila ang building na yan.

Pinaandar ko na ang kotse ko saka sinundan ang taxi na sinakyan ni Janna. Nababadtrip ako. Si Janna muna, mamaya ka saken Buenavista.

Patago kang lumalaban ha? Tch. Tingnan lang natin kung makalaban kapa pagkatapos ng engagement party namin.


--

Janna POV

Nakarating naman ako ng matiwasay dito sa mansyon namin. Pagkababa ko, papasok na sana ako ng gate nang makarinig ako ng busina ng kotse kaya lumingon ako.

Dug, dug..

Bigla akong kinabahan nang makita ko si Ace na pababa ng kotse nya. Halos sabay lang kami ah? Baka mamaya nakasunod pala sya saken. Baka nalaman nya na galing ako sa condo ni Adrian, hala!

Pero think positive. Hindi naman siguro kase nakangiting papalapit saken si Ace.

"Ace.."

"Janna, hi." He said then gave me a peck on my cheek. "Kakauwi mo lang? Where have you been?"

O_O

Napalunok ako. Hindi pa naman ako talaga magaling magsinungaling. "Ah, dinalaw ko lang ang friend ko." Nakangiting sabi ko. Pero deep inside, kabado ako.

Knowing Ace? Siguradong magagalit sya pag nalaman nyang galing ako kay Adrian.

"Ganon ba? Okay. Let's go. Baka naghihintay na ang Papa mo sa loob." Yaya nya.

Siya na ang nagyaya saken papasok sa sarili naming mansyon. Natataranta kase ako. Ni hindi man lang ako nakakapagbihis pa. Bat kase medyo maaga yata si Ace?

"Iha! Iho!"

Sinalubong kami ni Papa. Humalik ako sa pisngi nya. "I miss you Papa."

"Namiss ko din ang dalaga ko. Malaki ka na talaga at bagay na bagay kayong nitong si Ace."

*cough cough*

Si Papa talaga.

"Thank you Tito." Sabi ni Ace.

"Janna, iha. Magpalit ka na ng damit then sumunod ka nalang sa dining area. May pag-uusapan lang kami saglit ni Ace sa library." Paalam ni Papa.

Siya ang anak? Psh. Ano naman kayang pag-uusapan nila?

"Okay 'Pa. Ace, akyat muna ako." Nakangiting paalam ko.

"Sure. See you later."

Tumalikod na ako sa kanila. Ang weird. Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila.

Pagpasok ko sa kwarto, diretso agad ako sa dresser ko at naghanap ng mini dress na isusuot ko.

Mukhang pormal na dinner ang mangyayari mamaya dahil kasama si Papa. Kumusta nga pala kaya si Raven? Aish. Naaawa ako sa kapatid ko.

Ako kaya? Masyado ba akong mabait para pumayag sa arranged marriage? Iniisip ko lang naman ang kalagayan ni Papa. Ayokong may mangyaring masama sa kanya nang dahil lang saken.

Hay.

--


Kuntento na ako sa itsura ko kaya nag-ready nakong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa baba, sa dining area.

I'm wearing this red mini tube dress paired with red stilettos. Okay na'to. Itinali ko pataas ang buhok ko. Parang buns style then may maliit na red na ribbon yung ginamit kong tali. Nag-apply lang ako ng light make-up.

Pababa nako sa hagdan nang makasalubong ko si Raven.

"Ganda ng little sister ko. Pa-hug nga."

He's acting weird. Pero niyakap ko din naman sya.

"Whatever happens, sundin mo yung puso mo." Bulong nya saka ako nilampasan na at dumiretso na pa-akyat. Ano bang sinasabi nya?

Napailing nalang ako saka bumaba na papunta sa dining area. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nina Papa at Ace.

"Janna."

>,<

Nagba-blush ako. I can feel it. Yung tingin kase ni Ace eh. From head to toe.

"Baby, you're stunning." Sabi ni Papa.

Tumayo si Ace para alalayan akong umupo sa tabi nya. Kaharap namin si Papa.

"You're wonderful tonight. Fvcking gorgeous." Bulong ni Ace.

>,<

Nakaka-flatter pero nahihiya pa din ako. Ayoko kase ng masyado akong pinupuri.

"Looking at the two of you, wala akong masabi. I can't wait to see you with my grandchildren."

*cough cough*

Ano bang sinasabi ni Papa?!

"Okay kalang?" Agad na tanong ni Ace. Maagap nya akong inabutan ng glass of water.

Uminom ako ng kaunti saka muling tumingin kay Papa. "Wag nga kayong magbiro ng ganyan 'Pa."

"Haha. Ang anak ko, apektado agad. Di bale, dadating din kayo dyan."

Bigla akong kinabahan. Parang biglang naging seryoso ang ambiance naming tatlo.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ace sa kamay ko. Hinayaan ko lang sya.

"Umuwi ako para sa isang bagay. Una na kaming nag-usap ni Ace at ngayon, sasabihin ko sayo iha, gusto kong maghanda kayo ni Ace. Tomorrow night will be your engagement party."

O____O

Agad-agad?

"And your wedding will be next week."

O_________O

Kasunod niyon ang mahigpit na paghawak ni Ace sa nanlalamig kong kamay.

I almost fainted with what I've heard. Shocks! Ito ba yung ibig sabihin ng sinabi ni Raven kanina?

Natulala ako and....speechless.

*
A/N : Kanino kayo? Hashtag #SLYAceOrAdrian

Secretly Loving YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang