Chapter 17 ♥ In Love

247K 3.4K 486

Adrian POV

Badtrip na badtrip dahil sa tang*nang Ace na 'yun. Masyadong ma-papel porke fiance siya. At bakit ba siya naging fiance ni Janna? Siya pa? Siya pang gangster na wala yatang patutunguhan ang buhay. 

Tch. Kilala ko si Ace Xander Jung dahil aware ako sa grupo ng gangster na XBang. 

Dahil kay Kyle kaya ko sila nakilala. Si Kyle, hindi siya miyembro nun. Tinuturing lang siyang mataas dahil sa utang na loob ng leader nila kay Kyle. Kaya ang tawag nila kay Kyle ay XSupremo. Pero hindi ibig sabihin nun, member na din si Kyle. Hindi siya member. Tapos. 

Si Lance, naging member siya ng XBang nong mga panahong hindi pa niya nakikilala si Yumiko. Matagal na 'yun. Highschool palang kami, hilig na talaga makipag-away si Lance kaya nga 'di na na nakakapagtaka kung bakit ganun ang ugali niya ngayon. Ugaling gangster. Buti nga tumiwalag na siya. Nalaman kasi ng Papa niya kaya itinigil na niya. Pero sa pagkakaalam ko, close pa rin niya ang mga 'yun. 

Damn it. Sa dinami-daming karibal, si Ace pa. Tch. Hindi siya fair lumaban. Baka mamaya tirahin akong patalikod. Tch. 

Alam ba ni Janna na gangster 'yung gagong Ace na 'yun? 

Nakarating na ako dito sa SWU. Sa court. Andito tigers eh. Nagpa-practice. 

Sa halip na nadalaw ko ng maayos si Janna dahil may sakit siya, nagalit pa tuloy sa'kin. Samin pala. Kanina ko lang nakitang ganon kagalit si Janna maliban dun sa nung inaway niya si Lance dahil sa nangyari kay Yumiko. Langya kasing gagong Ace na 'yun hinamon ako ng suntukan. Papatalo ba ako? 

"Badtrip brad?" Salubong sa'kin ni Oliver. 

"Medyo." Sagot ko saka naupo muna sa isa sa bleacher. 

"Sino namang naka-away mo brad?" Tanong ni Kit.

"Isa sa myembro ng XBang."

O____O

Mga itsura nila. Naglalakihan ang mga mata. Sabagay. Kilala kasi ang XBang na kinatatakutan ng lahat dahil pumapatay talaga sila ng tao. Wala silang puso at lalong wala silang awa. 

"Sa dami ng makakaaway mo, bakit isa pa sa XBang?" Tanong ni Luke. 

"Damn it! Fiance siya ni Janna! Fvck."

O______O

Mga mata nila, naglalakihan na naman. 

"Fvck brad. Kung ako sa'yo, leave Janna alone. Hayaan mo na siya." Sabi ni Ken. 

"Gago ka ba? Hindi ako weak para isuko si Janna dahil lang sa lintik na gangster na 'yun." Sabi ko. 

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon