Chapter 5 ♥ Meet Raven

303K 4.2K 465
                                    

Janna POV

Kararating ko lang dito sa mansyon galing ospital. Ramdam ko pa yung mata ko na galing sa matinding pag-iyak. Grabe yung nangyari.

Si Adrian, kanina ilang beses tumatawag pero 'di ko nalang sinasagot. Wala ako sa mood na kausapin sya.

Nagpalit agad ako ng damit pagkapasok ko ng kwarto. May mantsa pa ng dugo yung pantalon ko dahil kanina kay Yumi.

Ilang minutes lang ang lumipas, natapos akong mag-shower. Nag-buzzer ang pinto ko.

Agad akong lumapit do'n at binuksan iyon. Si Butler. "Ma'am Janna hinuhintay napo kayo ng Papa nyo sa hapag."

O_O

Hala. Nalimutan ko. May dinner nga pala kami ni Papa ngayon. Umuwi nga pala sya. Dali-dali akong pumuntang dining area at doon naabutan ko si Papa.

Pero..

O______O

"Janna, iha. Halika, kumain kana. Kanina ka pa namin hinihintay."

"Janna." Sabi nung lalaking kaharap ni Papa sa hapag.

"RAVEN!?" Gulat na sabi ko. Ang Kuya ko. Si Raven? Andito sa Pilipinas? Umuwi sya kasama ni Papa?

"The one and only." Nakangiting sabi nya. Sabi ko naman. Di kami close pero magkasundo kami.

Agad akong lumapit sa kanya saka yumakap. "Raven, hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka kasama ni Papa?"

 

"Its a surprise. Little girl. I told you to call me Kuya." Nakangiting sabi nya.

Little girl talaga tawag nya sa'kin minsan. Isag taon lang naman tanda nya sa'kin kaya ayoko mag-Kuya. "I want Raven. Hindi ka pa naman ganon ka-tanda para mag-kuya ako sayo." Sabi ko. Napangiti ako. Pagkatapos ng nangyari kanina, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang kapatid ko. Mabait kasi sya sa'kin kahit yun nga, di kami ganon ka-close. At hindi sya suplado.

"Oo na nga. Sige na kumain ka na. May mga ibabalita ako sa'yo mamaya after."

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now