Chapter 39

221K 3.6K 528

Adrian POV

Janna..

"FVCK YOU JUNG!" Sigaw ko saka siya sinugod. 

Alam na ng tigers ang gagawin nila. Napaghandaan namin 'to kung sakaling magka-rambulan. 

Isa lang ang mahalaga sa'ken. Si Janna. 

"Akin siya Buenavista!"

Hawak niya si Janna. Walang malay. Anong ginawa niya? Gagong Jung na 'to, mapapatay ko talaga!

"Fvck you to death!" Sigaw ko saka siya sinuntok. 

Hindi niya napaghandaan ang suntok ko kaya natumba siya. Nabitawan niya si Janna. Bago pa man matumba, nasalo ko na siya. 

"SHE'S MINE." Sigaw ko. 

I know Janna is safe. Hindi ko lang talaga alam kung bakit wala siyang malay. 

Ang tigers abala sa pakikipagbugbugan sa natirang bodyguard dito. 

Susugurin pa sana ako ni Jung nang biglang may magdatingan. 

"JUNG, STOP THIS SHIT!"

Napalingon ako sa sumigaw. Si XKing kasama ang iba pang XBang. Nandito sila. 

"Fvck! XKing wag nyo akong pakialamanan!" Sigaw ni Ace. 

"ALAM NYO NA ANG GAGAWIN NYO." Ma-awtoridad na utos ni XKing sa ibang myembro ng XBang. 

Lumapit naman agad yung apat at hinawakan si Jung. Wala akong ideya kung anong gagawin sa kanya. Ang mahalaga, matigil na siya. Nababaliw na siya. 

"Fvck! Bitawan nyo ako!" Sigaw ni Jung. 

Lumapit saken si XKing. 

"Ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ni Jung. Sisiguraduhin kong hindi na siya manggugulo pa sa inyo. Mabuti pang umalis na kayo." Seryosong sabi niya. 

"Salamat brad." Sabi ko lang saka inayos ang pagkakabuhat kay Janna na wala pa ring malay. 

"Tara na, tara na!" Sabi ni Drei. 

"FVCK YOU BUENAVISTA!" Hindi ko na pinansin ang sigaw ni Jung. 

Sabay-sabay kaming lumabas ng malaking gate na 'yon. Kasama ko ang tigers at ang prinsesa ko. Fvck! Nakuha ko rin siya. 

Kung hindi dumating ang XBang, hindi ko alam ang mangyayari. Dahil handa akong makipagpatayan kay Jung, makuha lang si Janna. 

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon