Chapter 36

149K 2.9K 383

Janna POV

I need to do this. Kaya ko 'to. Walang mangyayari kung wala akong gagawin. 

Huminga ako ng malalim. Hininhintay ko si Ace dito sa coffee shop. Tinawagan ko siya. Inaya ko siyang makipag-usap sa'ken. Good thing, hindi siya tumanggi. 

Napatingin ako sa pinto nung bumakas iyon. Si Ace na..

Paano ba ako magsisimula? Paano ko sasabihin sa kanya na i-give-up na'ko? Magiging selfish ba ako? Magiging masama ba ako kung gagawin ko 'yon?

"Hey." Bati nya sa'ken saka ako hinalikan sa pisngi bago naupo sa upuan sa tapat ko. "You missed me?"

Asus. "A-Ace."

"May idea na ako kung bakit gusto mong makipagkita sa'ken. So, I think this is not the right place to talk about it. Let's go somewhere."

He looked serious. Mukha ngang alam na niya ang dahilan ko. Sabagay, ito ang unang pagkakataon na tumawag ako sa kanya para makipagkita lang. 

"Saan?" Tanong ko. 

"Malalaman mo din mamaya. Basta, sumama ka lang sa'ken."

He's safe. I know. Kahit gangster siya, alam kong mabuti siya. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa'ken 'di ba? Saka may point naman siya, hindi ito ang tamang lugar sa pag-uusap. We need privacy. 

"O-Okay."

"Let's go." Nauna siyang tumayo bago ako tumayo. 

Sumunod ako sa kanya palabas ng coffee shop. Dala ko ang kotse ko pero iiwan ko nalang. Itatawag ko nalang sa mansyon para ipakuha. Lahat naman ng sasakyan may duplicate key na hawak ng driver namin. 

Sumakay na ako sa kotse ni Ace. He's still serious hanggang parehong kaming makasakay dito sa loob ng kotse. 

"Janna.."

Tumingin ako kay Ace. Hinihintay ang sasabihin niya. 

"I love you."

Ano ba yan. Wag naman siyang maging ganito. Ire-reject ko na siya eh. Sasabihan ko na siyang tigilan na ako, na wala ng pag-asa pa sa pagitan namin dahil may mahal akong iba. 

Wala akong maisagot. Naiintindihan naman niya yata kaya pinaandar na niya ang kotse. Saan kaya kami pupunta? Ang tahimik. Di ko din naman kasi alam kung anong sasabihin ko kay Ace. Ang hirap eh. 

Sumandal nalang ako saka nag-isip ng malalim. Hanggang sa makaramdam ako ng pagka-antok. Geez. Makatulog kaya muna? Inaantok ako. Mukhang malayo ang pupuntahan namin ni Ace. Ayos lang naman sa'ken basta ibabalik niya ako ng safe sa mansyon namin. I trust him. Di niya ako gagawan ng kalokohan. 

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon