Chapter 2 ♥ Childhood Friend

386K 4.3K 233

Janna POV

I'm here on our mansion. I have nothing to do since walang pasok kasi saturday. Hindi ko rin alam kung may date kami ngayon ng ka-MU ko na si Adrian Buenavista.

Kung iisipin ko, napaka-swerte ko na maka-MU ko sya kasi matagal ko na syang gusto. Since childhood. Nakaka-overwhelmed din talaga na malaman na he likes me. After so many years, nagkalapit ulit kami. Sana magtuluy-tuloy na.

Bzzzt..

"Come in!" Sigaw ko nang marinig ko ang pagtunog ng door buzzer.

Si butler. "Ma'am Janna, tumawag po ang Papa nyo. Uuwi daw po sya tonight. Kelangan po daw ay dito kayo magdinner."

I smiled at him. "Okay. Thanks." Sabi ko. Ganito na'ko. Kung mapapansin nyo, mabait ako. Oo, mabait naman talaga ako. Mataray lang ako sa mga taong dapat tarayan.

Bakit kaya uuwi si Papa? Na-miss nya siguro ako. Si Mama kayta kelan uuwi? Aish. Hirap din ng mag-isa ako dito sa mansyon. I have one brother nga pala pero dun na sya lumaki sa States. Dun kasi nag-aaral.

His name is Raven Ruiz. He's one year older at hindi kami gano'n ka-close since hiwalay kaming lumaki. Si Mama kasi sa States na talaga nakatira dahil sa business namin dun. Si Papa naman pabalik-balik sa iba't ibang bansa pati dito para dalawin naman ako.

Ang saklap ng buhay ko 'no? Parang alone. Wala ngang may alam sa mga kaibigan ko na may Kuya ako. Eh kasi naman, di naman yun umuuwi dito. Siguro isang beses palang, nung elementary pa'ko non sa SWU din. Yun lang. Wala pa nga syang two weeks nun dati dito.

Nagkaka-chat naman kami minsa pero simpleng kumustahan lang. Minsan, ako yung pumupuntang States para makasama sila ni Papa. Kung iniisip nyo broken family ako, nagkakamali kayo. Talagang magkakahiwalay lang kami.

I am more like a loner princess. Nabubuhay ako sa luho. I can get what I want. Pero minsan, iba pa rin yung saya na kasama mo yung pamilya mo. Kaya nga masaya ako na naging kaibigan ko sina Chelsea, Adrian, James at Yumiko. They are my real friends. At masaya ako na nakilala ko sila. 

Krinnnng..

Nawala ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. I immediately grab it from the side table.

"Hello?" I answered without looking at the phone screen.

[Janna.]

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon