Chapter 22 ❤ Rule

214K 3.1K 494

Janna POV

Hindi ko maialis yung ngiti sa labi ko mula pa nang maihatid ako ni Adrian kanina dito sa mansyon.

Feeling ko nasa cloud nine ako. Lutang na lutang yung isip at kaluluwa ko. Yung puso ko, kung may bibig lang, paniguradong ang lapad ng pagkakangiti.

I love this feeling. The feeling of being in love.

Yung mga sinabi ni Adrian kanina, hindi mawala sa isip ko. Shemay, nakakakilig lang talaga. Di ko yun in-expect.

*phone rings*

Mabilis kong dinukot yung phone ko sa bag ko. Baka si Adrian ang tumatawag. Ayan na naman ang kilig ko.

Ace calling..

Hindi naman sa pag-aano pero parang na-disappoint ako. Mas in-expect ko kasi na baka si Adrian.

"Hello Ace?"

[J-Janna..]

Huh? Parang ang groggy ng boses ni Ace. "Why?"

[Pwede kabang pumunta dito sa mansyon..]

Hala? Bakit naman kaya? Anong gagawin ko don? May okasyon ba? "Anong meron?"

[I need someone who can take care of me. I'm sorry for disturbing you but I'm sick.]

O_O

May sakit si Ace? "Sinong kasama mo dyan sa mansyon nyo?"

[Maids.]

Kawawa naman si Ace. Mukhang kailangan niya ako. As his fiance, I should be responsible to him. Aalagaan ko siya. Tama.

"Okay. Pupunta na ako dyan."

[Thanks, Janna.]

I ended the call and do my things. Pupunta na ako agad doon.

--

Jung's Mansion..


Nandito ako sa salas nina Ace. Kakapa-pasok lang saken ng katulong. Dumaan pa ako ng supermarket para bilhan siya ng prutas at gamot sa mercury drug.

"Miss Janna, pinaaakyat po kayo ni Sir Ace sa kwarto niya." Sabi ng sa tingin ko ay mayordoma rito.

Ngumiti ako saka tumayo na. Sumunod lang ako sa kanya pa-akyat. Tumigil kami rito sa malaking pinto. Mukhang ang laki-laki ng kwarto ni Ace. Kung sabagay parang sa pagkakatanda ko, nag-iisang anak si Ace? Nag-iisa nga ba? Di ko masyadong matandaan. Medyo lutang pa rin ang utak ko dahil kay Adrian.

"Pumasok na po kayo Miss Janna. Hinihintay na po kayo ni Sir Ace."

"Okay. Thanks."

Iniwan na ako ng katulong. Kumatok muna ako bago binuksan yung pinto. Hindi naman naka-lock.

Pagpasok ko, naabutan ko si Ace na nanonood ng NBA. Nakasandal sya sa couch nya.

"Ace.."

Lumingon naman sya agad saka tumayo. "Janna. Buti nakapunta ka."

Mukha nga syang may sakit. Parang pula ng mukha niya. Ang puti pa naman niya kaya kitang-kita. "Yeah. Kumusta ang pakiramdam mo? May dala akong fruits saka gamot."

Kinuha nya yung dala kong prutas saka ipinatong sa center table. "Thanks. Have a seat."

Umupo ako sa couch. Si Ace, nanatiling nakatayo.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon