Chapter 38

151K 2.9K 291

Janna POV

Di ako mapakali. Sa dinami-dami naman ng pagkakataon, bakit ngayon pa? Bat ngayon pa may lock code ang phone ni Ace?

Oh. Emergency call kaya? Ah, shems. Di ko memorize ang number ni Adrian or ni Raven! Ano ba 'yan. Sayang lang ang effort ko. Akala ko pa naman..

O_____O

Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapatingin ako sa malaking glass door na daan sa terrace. I saw a shadow. It's Adrian! I know, it's him! 

Makapigil-hininga akong nakatitig lang sa malaking bulto na 'yun sa terrace. Sarado ang glass door na gawa pa sa fiber glass kaya hindi siya basta basta mababasag lang. 

Gusto kong buksan pero nakalocked nga pala 'yon. Sabagay, kung hindi 'yun naka-locked, e'di sana nakatakas na ako dito. 

Nagmwestra si Adrian sa labas na 'wag maingay. So steady lang ako dito sa kama kahit lumalakas na ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako nananaginip diba? Nandito talaga si Adrian para iligtas ako! Nahanap niya ako. 

Napatingin ako kay Ace. Mahimbing syang natutulog. Kung alam ko lang na pupunta si Adrian, e'di sana di ko na pala hinayaang mag-stay dito sa kwarto si Ace. E'di sana ang dali akong maitatakas ni Adrian. Kaso wala eh, konting ingay, siguradong malaki ang possibility na magising si Ace--na wag naman sana. Patakasin mo muna ako, Lord! 

Napansin kong..

O_____o

Hanla! Hindi lang si Adrian ang nasa terrace ngayon. Dumami sila? Sino ba yung mga 'yun. Parang nag-uusap-usap sila paano sila papasok sa kwartong 'to. Hindi naman rinig ang pinag-uusapan nila sa labas. Base lang sa mga kinikilos nila. 

"Hmm.."

O_____O

Hanla, hanla! Si Ace, napapagalaw. Ano--ah, wag sana siya magising. Jusko naman. Gusto ko ng makatakas dito. 'Pag nagising si Ace, lagot na. Lalo akong 'di makakaalis dito sa poder niya. 

Napatingin ako kina Adrian at sa kung sinumang mga kasama niya. Halatang nagtatry tumago sa gilid pero kita pa rin naman. Wag lang talaga magigising si Ace. Ano bang dapat kong gawin? Nasaan kaya ang susi? Para mabuksan ko ang glass door. 

O_O

OHMY..

Bakit di ko agad naisip? Baka nasa bulsa niya. Oh, pano ko kaya kukunin? Maingay pa naman ang susi. Di tulad ng phone na makukuha nang walang nililikhang ingay eh. 

I-seduce ko ba ulit? Para free akong ilibot ang kamay ko sa katawan niya? Pero parang magiging awkward naman, eh jusko andyan lang sina Adrian! Baka maghysterical pa sila at akalaing nire-rape na ako ni Ace. Ano bang gagawin ko? Ang hirap namang mag-isip eh. Wala akong magawa. 

"Janna.."

O___O

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon