Chapter 13 ♥ Soon To Be Husband

268K 3.4K 467

Janna POV

"Anak, Janna. Meet your soon to be husband."

 

O_O

Seriously? Kelan pa ako nagkaroon ng fiance? Omg.

"Hi Janna. It was nice meeting you again."

The well-knowned owner of the well-knowned toy factory. Sikat sila sa ibang bansa dahil sa kakaibang kalidad ng mga laruang ginagawa sa factories nila. Ilang chains of factories na ang meron sila. Hindi lang yun, sila rin ang may-ari ng sikat na sikat na Toy stores sa malls even in abroad -- si Mr. Jung.

Ilang beses ko na siyang nakikita sa company. Ang anak niya. Nakasama ko na siya sa isang conference meeting nung tine-training ako ni Papa. Nakilala ko na rin siya pero twice palang. Mabait naman sya at gwapo. Sa pagkakaalam ko, singer siya sa sarili niyang bar.

Nakipag-shake-hands ako. "Janna Ruiz." Sabi ko.

"Ace Xander Jung." He's smiling at me.

"Maupo na tayo. Iho, iha let's have our dinner." Sabi ni Papa. Si Raven napansin ko iba ang tingin kay Ace. Ewan ko kung bakit.

Pero teka nga, sabi nga pala ni Papa soon to be husband ko si Ace? Hanla. Pano nangyari yun!?

--

Natapos na ang dinner. Nandito kami sa salas ni Ace at Raven. Si Mr. Jung ka-kwentuhan pa ni Papa dun sa library sa taas.

Kanina sa dinner, sinabi na nga nila. It's official. Ipagkakasundo pala kami ni Ace. Ako naman, nagulat ako pero yung mga ganitong sitwasyon, pinaghandaan ko na. In a world of business kasi hindi talaga mawawala ang arranged marriage.

Okay naman si Ace eh. Yun nga lang, si Adrian pa rin ang gusto ko. Parang diko naman yata kayang gustuhin si Ace gayong si Adrian talaga ang gusto at mahal ko.

"Anong ginagawa mo sa buhay?" Seryosong tanong ni Raven kay Ace. Kanina ko pa napansin yung kakaibang tingin niya kay Ace eh.

"May sarili na'kong bar. Singer din ako at the same time pinapatakbo ang toy factory namin since nag-iisang anak lang ako." Mabilis na sagot ni Ace.

"Oh talaga? Baka magaling pakong kumanta sayo ha?"

=_=

Seriously Raven? Baliw talaga. Tumawa lang si Ace.

"Anytime pwede kang pumunta sa bar ko. You can sing along with me there." Nakangiting sabi ni Ace.

"Ha-ha. Ge lang. Baka kasi pag kumanta ako sa bar mo, hanap-hanapin na nila. Alam mo na. I'm a busy person. Di ako nagsa-sideline sa mga ganyan."

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon