Chapter 7 ♥ What the..

284K 3.9K 539

Adrian POV

"You looked frustrated."

Napatingin ako kay Shaina nang magsalita sya. We're on our way to mall. Niyaya kasi ako. May mahalaga daw syang bibilhin.

Tae. Di talaga mawala sa isip ko yung Raven na yun. Gago ba sya. Akala mo kung sino. Fiance lang sya. Ako ang gusto ni Janna. Tch.

"Don't mind me." Sabi ko.

"But I hate seeing you like that." She said.

I heaved a sigh and take a look at her. "I'm okay. Stop asking okay?" Iritadong sabi ko. Wala talaga ako sa mood dahil sa gagong Raven na yun. Makakasuntok na talaga ako.

Hindi na nagsalita si Shaina. Mabuti naman. Ilang saglit lang nakarating na din kami ng mall.

Pagbaba namin, pumasok agad kaming mall at dumiretso sa boutique ng mga damit pambabae. Magsshopping yata.

Nakatayo lang ako dito sa may malapit sa entrance. Hinayaan ko lang si Shaina na magtingin ng magtingin. Pero ilang saglit lang ay hindi ko nagustuhan ang nasagip ng mata ko.

Sina Janna at Raven. Naglalakad. Nagtatawanan pa habang kumakain ng cone icecream. Badtrip yun ah. Lapitan ko nga.

Tch.

--

Janna POV

"...tapos yung bata ka pa, iyak ka ng iyak kasi inagaw ko ice cream mo. Hahahaha."

Sa halip na mainis sa pang-aasar ni Raven, natatawa nalang din ako. Haha. Kung anu-ano kasing kinu-kwento about childhood days namin. Nung mga bata naman kasi kami, magkasama pa kami sa mansyon. Nung magsimula lang kaming mag-aral kami nagkahiwalay.

"Tapos eto pa, galit na galit ka sa'kin kasi inubos ko yung strawberry ice cream mo. Eh gustung-gusto mo yun kasi kulay pink. Hahaha. Alam mo ginawa mo n'on? Kinuha mo spongebob brief ko sa closet ko at pinakita mo sa crush ko. Hiyang hiya kaya ako non. Hahaha."

=_=

Tandang-tanda talaga nya ang mga happenings nung bata kami. Tuwang-tuwa talaga. Haha. Sarap din pala kasama 'tong Kuya ko kahit 'di kami magkasamang lumaki. Parang ang close na nga namin bigla eh.

"Ang saya nyo ah."

O____O

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang boses ni Adrian. Kakalapit nya lang sa'min. Si Raven tumatawa pa din. Baliw talaga.

"Oo brad. Hahaha. Ang saya saya namin." Sabi ni Raven.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon