Chapter 10 ♥ Worst

279K 3.9K 639

Janna POV

Hindi ko alam kung bakit ako sumama kay Jerome. Basta ang alam ko, safe naman siya dahil bukod sa miyembro siya ng Tigers, kilala ko na siya.

"Buti naman tumigil ka na sa pag-iyak. Ang panget mo pa naman 'pag umiiyak."

 

=__=

Tiningnan ko ng masama si Jerome na nagda-drive. "Anong sabi mo!?" Sabihan ba'kong panget. Psh.

"Kaya sa susunod, 'wag na 'wag ka ng iiyak para 'di ka magmukhang panget, okay?"

=_=

Ulit-ulitin ba ang salitang panget. Psh. "Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"Itutuloy 'yung date na dapat kayo ni Adrian. I can make you happy more than what he can."

O_O

Bakit ba'tong si Jerome, 'yung mga words niya..basta! "A-Ah.."

"Oh nauutal ka na agad. Ibig sabihin ba niyan, kinikilig ka na sa'kin? Whoah!"

=_=

Seriously? Napaka-straight-forward ng lalaking 'to. "Shut up." Pagtataray ko.

 

"Bakit? Lalo ka bang kinikilig 'pag nagsasalita ako? Oh com'on Janna. Boses ko palang 'yan ha. Paano nalang 'pag natitigan mo'ko? E'di wala na, sasagutin mo na ako agad-agad kahit hindi pa ako nanliligaw? Haha."

=_=

Push mo 'yan Jerome. Napaka-feeler mo talaga. Halatang-halatang playboy dahil sa mga moves at salita eh. Lawak ng imagination.

Hindi na'ko nagsalita. Masyado ng mahangin eh. Pero I admit, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga biro niya. Kalilimutan ko muna ngayong gabi 'yung ginawa ni Adrian. Pagkatapos ng sinabi niya kanina, sa tingin ko kailangan ko na ngang ilugar ang sarili ko. Walang kami, so dapat 'di ko na siya kausapin o lapitan man. Hindi na rin ako sasama sa kaniyang kumain sa labas o mag-mall. Mas mabuti ng umiwas dahil alam ko, masasaktan lang ako kasi..WALANG KAMI.

Kahit alam kong pinagselosan niya si Raven, hindi 'yun sapat para mag-assume ako. Tama na 'yung isang beses akong masaktan sa pinakita niya. Hindi ko na hahayaang maulit pa iyon.

"We're here." Sabi ni Jerome nang itigil ang kotse sa gilid ng isang restaurant.

Tinanggal ko ang seatbelt ko saka bumaba ng kotse. Pinagmasdan ko ang paligid. "Ang jolly tingnan.." Puna ko.

"Oo, pang-family na restaurant kasi ito at hindi para sa mga date kaya masaya ang ambiance. Let's go inside." Yaya niya saka kinuha niya ang kamay ko para ikawit sa braso niya.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon