Chapter 28 ♥ Rejected

182K 3.5K 596

Janna POV

Hindi ko alam kung anong nagtulak saken para puntahan si Adrian ngayong umaga. Sa condo nya ako didiretso. I need to talk to him about sa nangyayari saken. 

Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Ayokong suwayin si Papa pero ayoko namng i-give-up si Adrian. Ang tagal ko syang minahal, tapos ngayong may chance ng maging kami, ngayon pako di pwede dahil sa engagement. 

Ang unfair lang. Basta, napapagod nakong maging mabait. Napapagod na din akong maging sunud-sunuran. 

Sa totoo lang ang tagal kong pinag-isipan 'to. Yayayain ko sa abroad si Adrian. Tatakas kami, I mean ako. Gusto kong lumayo sa pamilya ko pansamantala at si Adrian lang ang gusto kong makasama. 

Buong buhay ko, nasa mansyon lang ako. Hawak ako ng mga magulang ko. Kino-control nila ako. Ngayon, gusto ko munang kumawala dahil hangga't nasa poder nila ako, hindi ko sila kakayaning suwayin. 

Nakarating din ako dito sa building nila Adrian. Bumaba na ako saka dumiretso paakyat sa elevator. 

Then, nakarating na din ako dito sa floor kung saan narito ang unit nya. I press the buzzer. 

Kakausapin ko ng masinsinan si Adrian. Alam kong mahal nya ako. Sasamahan nya akong lumayo. Sigurado yun. 

--

Adrian POV

Kakatapos ko lang mag-breakfast. Galing kasi ako sa condo ni Shaina. Halos buong gabi ko syang binantayan. Naaawa ako sa sitwasyon nya. Bakit siya pa ang kailangang magkasakit ng ganon?

Napailing nalang ako at nahiga muna sa couch. Iidlip muna ako. 

*buzzzz*

Patulog nako eh. Sino naman 'to? Ang aga para mambulabog. 

Tumayo ako at pinagbuksan kung sino yun. 

"JANNA?"

Bigla ko syang niyakap pagkasara ng pinto. Na-miss ko siya, shit. 

"A-adrian.."

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang garalgal nyang boses kaya iniharap ko siya saken. She's crying. "Why? What happened?"

Sa halip na sumagot, yumakap ulit sya saken---mas mahigpit. "A-Adrian.."

"Hey. Tell me, anong nangyari?" Nag-aalala ako sa kanya. Ano ba kayang nangyari? 

"Adrian let's go to States."

O___O

States? "Sandali, bakit?"

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon