Chapter 45

29.8K 591 97
                                    

Chapter 45


Hindi parin ako makapaniwala na nandito si River. Nakwento niya sakin kanina na sinabi ni mommy sakaniya na bukas ang birthday ko. Medyo nagtampo pa siya dahil hindi ko sinabi yung totoong birthday ko nagalala pa naman daw siya na namiss niya yung birthday ko. Nandito padin kami sa Vega University para sa celebration ng aniversary nitong school na to.

Yung iba nagpaparty party na ako inaantok na. Yung iba nagsiuwian na din dahil medyo papalalim na din naman ang gabi. Kinusot ko ng konti ang mata ko at hindi na naiwasan ang pag hikab. Napatingin si River sakin na ngayon at nakaupo at nakahawak sa kamay ko.

"Are you tired?" Tanong niya sakin.

"Geez it's 12:47am already? Come on alis na tayo" Tumayo siya at hinila ako papalabas ng hall.

Si Matthew at Charity nalang ang natira sa table namin at mukang nagugustuhan niya yung ganun. Ewan ko kung ok na sila kasi hindi ko sila maistorbo ehh nagusap parin sila eh. Pero mukang ok na man na sila at sa message lalang ni Matthew? ewan ko nalang din talaga kunh hindi pa yon mapansin ni Charity.

Nagpaalam kami sa dalawa at nung una ay ayaw pa ko paalisin ni Charity pero parang may naalala siya kaya umoo na din siya.Nang makalabas kami ng hall at papunta na sa parking lot niyakap ko ang aking sarili dahil sobrang lamig na. Malapit na din ang BER months dahil August na ngayon talagang magtataglamig na.

Hindi pa kami nakakalayo sa hall at tumigil si River at hinubad ang suit niya. Ipinatong niya iyon sa balikat ko at ngumiti sakin. I still cant believe na makakarating siya dito. Pinaliwanag niya sakin na busy siya sa pagtapos ng mga trabaho kaya hindi siya nakakatawag. Tapos kahapon flight niya naman pabalik ng Manila kaya hindi din nakatawag dahil madami pa daw siyang kaylangan asikasuhin dahil isusurpresa ako.

Nagdrive si River habang bakas ang nararamdamang saya. Ako din masaya ako na kasama ko siya ngayon at hindi niya rin nalagpasan ang birthday ko :)

"Kinausap pala ako ng daddy mo kahapon bago ang flight niya pauwi dito." Sabi niya habang nakatingin parin sa daan. Nagulat naman ako. Wala akong alam na kinausap siya ni Daddy? hindi ko alam na may ganun dahil wala naman sila sinasabi sakin. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Si daddy maluwag sakin yan pero strikto parin namab ng konti syemre babae ako at nagiisa lang akong anak nila.

"Ano napagusapan niyo?" Tanong ko. Nagaalala ako na baka hindi siya nagustuhan ni daddy o kaya may sinabing nakakahiya si daddy x.x

"Wala naman..Pinakilala lang ako ni Tita Aira sa dad mo. Sabi ni tita boyfriend mo daw ako." Napanganga na ko at napatingin sakaniya.Wow? Si mommy pa nag sabi kay daddy non? Samantalang nagaalala din si mommy kay daddy tungkol sa relasyon namin ni River.

"Nagalit ba si daddy?"

"Haha! Hindi. Natutuwa nga at mabuting lalaki daw ang napili mo" tumingin pa siya sakin at kumindat sabay ngiting aso. Loko? Mabuting lalaki? Kung alam lang talaga ni daddy kalokohan niya ewan ko nalang! xD

Natahimik nalang kami habang nasa byahe. Napansin ko kanina pa siya drive ng drive pero wala pa kami sa bahay at mukang nasa Antipolo na kami. Ano ginagawa namin dito?

"River san tayo pupunta? Ang layo na natin sa bahay" Hindi niya ko sinagot at ngumiti nalang ng hindi ako tinitignan.

"Uy River??"

"Baby relax ok?  Your dad told me not take you home tonight because theyre doing something for your birthday tomorrow" Mariin na sagot niya sakin. Natahimik nalang ako at kinuha amg phone ko.May 3 message.

Mommy:

Anak take care ok? Dont go home tonight we talked to River already so dont worry ok? We love you :)
----

Rj:

Ang sweet niyo daw? trending kayo sa Fb :) Sayang hindi ako nakapunta :/

----


Charity:

Hey happy birthday :) 1am na :) pakain naman!

---

Biglang tumigil ang sasakyan ni River at nakita kong nasa isang malaking bahay kami. Kaninong bahay ito? Habang nasa loob ng sasakyan at narinig ko pa ang pag hikab ni River, Siguro pagod na talaga siya. Isipin ba naman na tapusin lahat ng trabaho tapos humabol sa flight para makauwi at makadalo ng dance ay talagang nakakapagod talaga.

"River kaninong bahay to?"

"Kay ate to. Rest house ni ate to dito and she said we can stay here" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Me and him? Alone in that house? Biglang kumalabog ang puso ko at para bang hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi? Natutuwa ako na kasama ko siya pero nahihiya, kinakabahan at naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Dont worry i wont do anything you wont like" Ngumisi siya. Pinaghahampas ko na. Alam ko na ang mga ngising yan ehh. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya. Agad ko naman binuhat ang dulong bahagi ng akin gown para makakilos ng mas madali.

"Tsk. Ang hirap naman nito ang haba" Pag rereklamo ko nang sumabit sa heels ko ang ilang tela sa gown ko. Napatingin at napailing nalang si River sakin at inayos ang damit na sumabit.

"Wag ka na mainit ulo, May binili akong damit jan sa loob magpalit nalang tayo." Aniya at pinadausdos pa ulit ang kamay sa baywang ko. Para bang kuryente ang mga kamay niya at parang nakikiliti ako sa bawat dulo ng kanyang daliri na dumadapi sa katawan ko.

Napanganga ako nang tuluyan kaming makapasok sa bahay. Binuksan ni River ang mga ilaw at agad kong nakita ang mamahalin at nag gagandahang mga kagamitan. Flat screen tv, magagarbong sofa at center tables, mga cabinet na mukang vintage at mamahalin, mga vase at kung ano ano pa. Mukang malinit ito at hindi ito ang unang beses na pasok ni River dito dahil nakita ko ang mga maleta at iba pang gamit niya sa labas ng isang kwarto.

"Dito ka dumiretso?"  Tanong ko at tumango lang siya.

"Ito yung mga damit mo oh, palit ka na" Inabot niya sakin ang isang paper bag at tinuro ang kwarto kaya pumasok na ko at makapag palit na.

"Punta muna ako sa kitchen, gutom ka pa ba?"

"Busog na ko, Inaantok nalanga ko" Tumango ulit siya at tumalikod para pumuntang kitchen kaya nagbihis na ko.

[a/n: Hello guys! The next chapter will be PRIVATE, it means only my followers can read :) since SPG din naman siya so its better that way :) Sa mga gusto po mabasa iyon ay FOLLOW niyo lang po ako :) At sa mga ayaw naman its ok :) hindi po kayo mawawala sa story kahit lagpasan niyo po iyon. :) Thank you po sa mga nagvovote at nag fo-follow sakin ^^ thanks for all your support kahit na ito lang ako XD lol wow ang deep XD <3 

Para po sa mga gusto bumasa ng chapter 46 click niyo lang po yung external link or irefresh niyo po yung story ko thank you :)  ]

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon