Chapter 6

34.8K 615 6
                                    

Chapter 6

Simula noon ay medyo naging close na kami ni Aileen, Minsan nagtataray parin pero hindi na tulad nung una na stranger ang turing niya sakin. Actually she's not that bad. Masaya siya kasama at ang sarap niya lang asarin.

"Hoy kung hindi sana ako nagising ng maaga edi sana late tayo parehas"  Pagtataray niya habang nasa loob kami ng sasakyan at nasa byahe papuntang school.

"Oo na ikaw na una nagising malay ko ba kasi na hindi pala nag alarm" Sabi ko at napabuntong hininga lang siya.

Pagdating namin ng school at bumaba agad siya at hinintay ako bago tulyan pumasok ng school. Ngayon ay na fufrustrate na si Matthew sa nakikita niya haha! para bang hindi niya tanggap na makukuha ko ang loob ng koreanang ito. Nang makapunta kami ng canteen nanlaki nanaman ang mga mata ng mga kaibigan ko dahil halos araw araw na kami sabay ni Aileen pumasok. Nagpaalam si Aileen sakin na mauuna na sa room at umalis na samantalang ako ay tumambay muna sa canteen kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"Pare pautang na 100 thousand!" Biro ni Matthew kay Rj. Nagtawanan kami at kinotongan ko siya.

"Handa mo na panalo ko Matthew" Tumawa ako at napakamot nalang siya sa ulo. Lakas mo maka 100thousand ha. Mayaman ang pamilya ni Matthew dahil sila ang may ari ng malalaking mall dito sa pilipinas.

"Mukang napasubo ako ah! naunderestimate ko ata ang kapangyarihan ng ating hari" Nagtawanan kami sa konting pagtanggap ng talo ni Matthew.

Oras na para pumasok ako kay nagpaalam na ko sakanila pero bago pa man ako makalayo ay nakita ko si Amanda papalapit sakin at parang mainit ang ulo.

"Hey Amanda whats up-" Bigla niya akong sinampal. WTF? bakit niya ko sinampal?? Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong lumapit sakin ang mga kaibigan ko.

"Napakawalang hiya mo River Dela Vega!" Sigaw niya sakin, Huh? ano to?

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo Amanda? ano bang ginawa ni River sayo?!" Pasigaw na tanong ni Tiffany kay Amanda.

"Sinabi sakin ni David na pinagbantaan daw ni River ang kumpanya nila pag hindi ako iniwan! ngayon iniiwasan na ko ni David!" Sigaw na sagot ni Amanda. WTF? ! ano? anong pinagbantaan bakit ko naman gagawin yon?

"Ano bang sinasabi mo? sino ka ba sa tingin mo Amanda? Ano ba kita para pagbantaan ko yung lalaking yon pag hindi ka iniwan? Shit naman Amanda ive know you for 3 years! at hindi ka pa sakin maniniwala? Wala akong ginawang pagbabanta at bakit ko iyon gagawin? wala akong pakielam kung makipaglampungan ka sa kung sino sino dahil wala ka lang naman sakin!" Sabi ko kay Amanda at napatahimik siya. Tumalikod siya at umalis na. Buti nalang at kami nalang ang estudyante dito sa canteen dahil ang lahat ay nasa klase na.

Sabi na nga ba at pera lang ang habol ng David na yon. Nabalitaan niya siguro na bumababa ang sales ng kumapanya nila Amanda kaya ganyan siya.

Hindi na ko nakapasok dahil late na ko. Hindi rin ako pumasok sa mga sumunod pang subject roon at hinintay nalang ulit mag lunch. Inabangan ko ulit si Aileen sa labas ng room para sabay kami mag lunch at nang lumabas siya ay may kausap siya sa phone niya.

"Oo sige ako na bahala. Ok ...Ok sige bye" Then binaba niya ang tawag. 

"Sino yon" Tanong ko

"Si mommy, nagpadala daw ng bagahe at darating bukas, mga make up daw yon para sa trabaho ko." sagot niya sakin. Kinuha ko ang bag at libro niya at pumunta nang canteen para kumain. 

Habang tahimik kaming kumakain biglang lumapit sakin ang isang babae at namumula siya, Mukang nahihiya dahil nakayuko lang siya habang nilalapit sakin ng mga kasama niya.

"Gi..ginawan kita ng cake River" Dahan dahan niyang inabot sakin ang isang maliit na box na may laman na puting cake at may nakasulat na River.

Napatingin ako kay Aileen na nakatingin din sa babaeng nagbibigay sakin ng cake. Medyo kumunot ang noo niya at para pang nagtataka sa mga pangyayari. Tumayo ako at kinuha ang cake sa babae. Nakita kong nagulat siya at lalong namula ang muka niya.

"Salamat"  Mahinang sabi ko at sabay naestatwa na siya sa kinatatayuan niya. Nakatitig lang siya sakin at parang naasiwa naman ako.

"You can go, kumakain kami naiistorbo ako" Hinila na siya ng mga kaibigan niya at nilapag ko sa lamesa ang cake.

"Ang harsh mo" Nagtataray nanaman tong si Aileen.

"Bakit anong harsh don? buti nga tinanggap ko yung cake eh" 

"Hay nako basta. Alam mo hindi ka magugustuhan ng babae kung ganyan ka. Narinig ko nga sa usap usapan kanina na sinagot sagot mo daw si Amanda at sinabihan ng masasakit na salita." Sabi niya at kumain na ulit.

"Psh. Hindi ko naman sila kaylangan paibigin sakin sila mismo ang nahuhulog at si Amanda niloko lang siya nung David ginawa pa kong dahilan para may excuse siya na makipaghiwalay kay Amanda" Nalaglag ang panga ni Aileen sa sinabi ko. Bakit mukang shocked na shocked siya eh totoo naman.

Umiling nalang siya at umirap. Damn this girl is really something. Bakit may kung anong kuryente akong nararamdaman tuwing nagtataray siya.

Magtatalong linggo na akong umaaligid at sumasama kay Aileen, I know i can win this bet lalo na at medyo napapansin kong medyo nagkakaron na siya ng interes sakin. Minsan pa hinahanap niya ko pag wala ako at nakakaramdam ako na nagseselos siya pag kasama ko sina Tiffany at Saffarah.

Nangihatid ko siya sakanila ito na ang timing na kaylangan ko. at isang linggo nalang ay tapos na ang isang buwan para sa bet na to kaya kaylangan gawin ko na ito ngayon.

"Aileen wait" Mahinahong sabi ko nang pababa na sana siya ng sasakyan ko.

"Bakit?" Humarap siya sakin at tumingin sa mga mata ko. Shit bakit ganito kinakabahan ako? -_-

"Alam kong ilang linggo palang tayo nagkasama at masyadong mabilis ang panahon na yon pero may gusto talaga akong sabihin at hindi ko na kayang patagalin pa" Sabi ko, sana hindi niya mapansin na kinakabahan ako. Shit kunwari lang to pero kinakabahan ako.

"Ano ba yun?"  Tanong niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinignan siya sa mata. Let's get this over with!

"Will you be my girlfriend?"  

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon