Chapter 19

26.5K 448 5
                                    

Chapter 19




"Ibuhos niyo na yan!" Sigaw ni Amanda. Napatingin ako sa likod ko at doon nakita ko ang dalawang lalaki na may dalang timba.


Binuhos nila sakin ang laman ng timbang dala nila. Hindi ito tubig. Para bang pinaghalo halong inumin dahil may mga lata at plastic pa ng inumin ang tumama sa balat ko. Bakit ba nila to ginagawa sakin. Nagagalit siya sakin dahil kay River? Kanya na! kanyang kanya na! sabi pa nilandi ko lang si Rj kaya ako nakapasok sa Franco? aalis na ko sa Franco! Kanya na yung contrata ko! Hindi ko kaylangan ng mga yan!. Narinig ko ang tawanan ng mga taong nasa paligid yumuko nalang ako at kinuyom ang kamao ko. Wag kang iiyak Aileen dont let them see you cry. Be Strong!.


"Ano masaya ba? Thats what you get-" Habang tinatarayan ako ni Amanda biglang may lalaking sumigaw.


"TUMABI KAYO!" Nagsialisan ang ibang estudyante sa paligid at pati rin si Amanda at ang dalawa pang babae ay napaatras sa lalaking lumapit sakin.


"Tahan na" Pinunasan niya ng hinlalaki niya ang luha kong patuloy na tumutulo. Doon ko lang nalaman na umiiyak na pala ako. Hindi ako matapang, Mahina ako sa mg ganitong bagay kaya ayaw ko sa gulo. Sa totoo lang iyakin ako mababaw man o malalim ang dahilan madalas akong umiyak.


"Ri...River wag mo siyang lapitan, Malandi ang babaeng yan" Nauutal pa si Amanda habang sinasabi yon. Nakita ko sa mga mata niya ang gulat sa ginawa ng lalaking to.


"Tumigil ka na!! Anong karapatan mo gawin to sakaniya?!" Nagulat silang tatlo dahil sa lakas ng sigaw niya. Bakas sa boses niya ang galit.


"pe..pero nilalandi niya si..si Rj!" Singit pa ng isang babaeng maiksi ang buhok.


"Isa ka pa Tiffany!! Kahit sino sainyo walang may karapatan gawin to kay Aileen! Naiintindihan niyo ba?!" Natahimik lang ako habang tinitignan si River na nakatalikod sakin at nakaharap sakanilang tatlo.


Mga kaibigan niya ang mga yon at dati nakikita kong magkakalapit sila at mukang matagal nang magkakakilala. Pero ngayon kung taasan niya lang ito ng boses para bang hindi niya ito kilala. Ano ba tong ginagawa ko. Sisirain ko nanaman ba ang mga kaibigan niya? Una si Rj ngayon ang tatlong babaeng ito? Aalis na sana ako nang biglang dumating ang head ng university.


"What's happening here??" Tanong niya sakin. Wala pa ko sa tuliro kaya wala akong maisagot. Nilapitan ako ni River at hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ang pagdating ni Rj. Hinihingal siya at gulat na gulat sa nadatnan niya.Napatingin rin siya sakin at sa kamay ni River na nakahawak sa kamay ko. Bakas sa mata niya ang pagkadismaya.


"Tignan mo anong ginawa ng ng yan! Ayokong makita ang pagmumuka ng mga yan dito! Gawan mo ng paraan yan Jethro!" Sigaw ni River sa Head ng university. hindi pwedeng tanggalin nalang silang tatlo dito. Ayoko ng ganun. Mas lalo lang silang magagalit pag ganun.


"Wag" Mahinang sabat ko.


"Anong wag? Tignan mo nga ginawa nila sayo" Mahinahong sabi ni River. Tinignan niya pa ko ng mabuti.


"Wag na ok lang naman ako" Hindi na siya ulit nagsalita at tinignan lang ako ulit.


"Ganito nalang. Kayong tatlo sumama kayo sakin sa office" Naglakad na palayo si Sir Jethro pati narin sila Amanda.


"Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Pagaalang tanong niya sakin. Umiling lang ako at yumuko. Naramdaman kong nilagay niya sakin ang coat ng uniporme niya at inayos ang buhok ko.


"River" Unti unti kong tinignan si Rj na ngayon ay papalapit samin.


"Ikaw ang may kasalanan nito ehh!" Sigaw ni Rj at umambang susuntukin si River. Agad naman nakailag si River. Pagod na ang utak ko sa mga away away na to. Pwede ba tama na?!


"Tumigil na nga kayo" Hindi ko na mapigilan umiyak. Nanghihina na ko dahil sa mga pinagsasabi at ginawa sakin kanina tapos ito pa ipapakita nila sakin??


"Ano bang kaylangan mo Rj?" Mahinahong tanong ni River pero halatang naiirita na siya.


"Kund dahil sayo hindi mangyayari kay Aileen yan" Mariin na sagot ni Rj.


"Panong ako? Hindi ko hawak ang utak ng mga babaeng yon! Tsaka ang importante nandito ako para iligtas siya pero ikaw nasan ka? Nasa babae mo nanaman???" Kinuyom ni Rj ang kamao niya at nagpipigil ng galit. Hinawakan ko na ang braso ni River at hinila na siya palayo kay Rj.


"Aileen!" Hindi ko na nilingon si Rj at patuloy na naglakad palayo doon.

Nang makarating kami sa hallway.Wala masyadong dumadaan dito kaya dito na ko tumigil.


"Halika na. Kaylangan mong magpalit magkakasakit ka" Hinila pa ulit ako ni River papuntang parking lot. Dahil sa nanghihina ako sa dami ng nanghari at nahihiya ako sa mga tao dito wala na kong nagawa kundi magpatianod sa hila nitong lalaking to.


Nang makarating kami sa sasakyan niya tinanggal ko na ang coat niya at inabot sakaniya.


"Ito na yung coat mo. Nadumihan na." Kinuha niya ito at binalik ulit sa katawan ko.


"Wag mo muna tanggalin. Kita yung...Ki..kita kasi yung panloob mo" Pinaandar na niya yung sasakyan niya at tinignan ko ang sarili ko. FUDGE!! lalo ko pang tilakloban ang sarili ko. Shit.Kita yung bra ko.Itim pa naman. Aish! Talaga naman! Ang malas malas ko!


Nanlalagkit na ako at naramdaman kong hindi lang ako basta nabasa lang. Dahil napagtanto ko na mukang basurahan sa canteen ang ibinuhos sakin. May mga balat ng kendi at maliliit na basura ang nakadikit sa katawan ko. Ang baho ko na. Aish! Nakakainis naman. Bakit ba to nangyayari sakin! Wala naman akong ginagawa sakanila.


"Dito na tayo" Dahil busy ako sa kakatanggal ng mga maliliit na basura sa katawan ko hindi ko na napansin kung saan kami papunta.Ngayon ko lang nalaman na nandito kami sa  bahay nila.


"Bakit dito? Eh iyan lang naman ang bahay ko? Sana hinatid mo nalang ako samin" Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa ibang direksyon kaya di ko nakikita ang muka niya.


"Tama si Rj. Ako ang may kasalanan kaya ginawa nila Amanda sayo yan. Im sorry." Seryoso ang boses niya at mukang nag aalala talaga siya. Simula ng dumating ako sa university madami narin akong nakitang away, Pero kahit isang beses hindi ko nakitang nagkaron ng pakielam si River sa mga away na yon. Para siyang heartless at walang pake sa lahat kundi ang sarili lang niya. Pero ngayon. Nakita ko na nagaalala din pala siya.


"Tara na baka magkasakit ka pa" Bumaba na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.


Nilalapitan niya ko pero lumalayo ako. Para bang naiirita siya sa kakalayo ko habang papasok kami ng bahay nila.



"Bakit ka ba lumalayo?" Naiiritang tanong niya.


"Ehh ayokong lumapit" Ayoko lumapit ang baho ko. Amoy basura na ko hindi niya ba naaamoy??


"Tsk. Tara na" Hahawakan niya sana ako pero umilag ako. Ang kulit nitong lalaking to? ang baho ko nga ehh!


"Tara na sabi ehh!" Umikot pa kami sa sasakyan niya at para bang mga batang naghahabulan. Natigil nalang kami ng konting natawa ang guard. Tsk ayoko lumapit sakaniya nakakahiya ang baho kong dumi kaya ng binuhos nila sakin


"Bakit ba ang kulit mo?! Papasok lang tayo sa bahay! hindi ka naman mabubuntis pag hinawakan kita bakit takot na takot ka??" Naiiritang sabi niya. Namula ako sa sinabi niya. Ang slow mo ehh! Hindi naman sa mabubuntis ehh ayoko lang lumapit!


"ANO KA BA ANG BAHO KO! KAYA AYAW KO LUMAPIT KAYA PWEDE BA LUMAYO KA MUNA?!" Napasigaw na ko ang kulit niya kasi ehh! napatigil siya at natawa. Ayan kita niyo? Baliw diba? pinagtawanan pa ko. -_-


"Osige na tara na sumunod ka na sakin. Wala sila mama kaya wala makakaamoy sayo dito mga katulong lang" Sabi pa niya at nagpipigil ng tawa. ggrrrr!!! kainis talaga!  Sumunod na ko sakaniya at pumasok na sa bahay nila.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon