Chapter 14

32.1K 550 3
                                    

Chapter 14



I woke up with a painful head ache. Aish. I need milk. Dahan dahan akong bumangon at naghilamos. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang muka kong nakakapanibago. Ano bang meron? What day is it today? Saturday? Papagupit nga ako. But first things first kaylangan ko ng gatas -_-


Bago pumunta ng kusina kinuha ko ang phone ko. Nakita kong may 12 missed calls at 6 texts. May isang text si Aileen at yon lang ang binuksan ko.


Aileen:

Nakita kitang natutulog sa sasakyan mo kaninang madaling araw kaya tinawag ko yung guard niyo para tulungan ka makapasok sa kwarto mo. Mukang nakainom ka kaya binigyan kita ng gamot tignan mo nalang sa ibabaw ng lamesa malapit sa bintana ng kwarto mo.




Teka nga....Oo nga pano ako nakauwi? last thing i know nasa tapat ako ng bahay nila Aileen then wala na. Shit. Napatakbo ako papunta sa lamesang tinutukoy ni Aileen at nandoon nga ang gamot na sinasabi niya. Ibig sabihin pumasok siya dito sa kwarto ko??? 0_0


Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto ko. FHM magazines nakabalandra sa ibabaw ng kabinet. Mga boxers ko na nakapatong lang sa laundry box. Ang gulo ng kwarto ko! shit nakakahiya -_-

Kinuha ko ang gamot at bumaba na papuntang kusina. Nakita ko si mama na ang laki ng ngiti sakin ganun din si papa ang laki ng ngiti sakin. Creepy.

"Whats wrong?" Tanong ko sakanila.

"Hindi mo naman sinasabi na kilala mo pala yung anak ni Aira" Nakangisi si mommy ng sagutin ang tanong ko. Kilala niya si tita Aira?

"Anak mabait at maganda ang anak niyang si Aileen bakit di mo itry n ligawan? Mas maayos yon kesa sa mga inuuwi mong babae dito" Nakangiting sabi ni papa. Wtf. Bakit kilalang kilala nila sila Aileen?

"Bakit niyo sila kilala?" Seryosong tanong ko sakanila at nagkatinginan lang silang dalawa.

"Syempre dalawang beses na natin silang naging kapit bahay. Pero ngayon ko lang nakita ang anak niya. Kakagaling lang pala niya ng korea" sagot ni mama.


Oo nga. Kaya pala pamilyar si tita Aira.Hindi ko naman kasi kilala kung sino ang mgkaibigan ng magulang ko kaya hindi ko agad napansin. Kumain kami ng agahan at ininom ko ang gamot.


"Anak nandito si Aileen kaninang umaga. Sabi niya nakatulog ka daw habang nasa byahe kayo pauwi galing school at mall. Bakit naman siya ang pinag drive mo? So ano nagdate ba kayo?" Tanong ni mama. Ano? Yun ba ang sinabi niya sakanila? Bakit yun? Pinagtakpan niya ba ko?

"Hindi galing lang kaming mall eh nabusog ako kaya inantok ako" Sabi ko nalang kay mama.


That girl is really something. Well i should thank her for covering for me. Pero bakit di niya sinabi na uminom ako? hindi ko naman sinabi sakaniya yung tungkol sa sinabi sakin ni papa. Hmm..Kinuha ko ang phone ko at tinext siya.


Me:

Thanks. Bakit hindi mo sinabi yung totoo? kung ano ano pang sinabi mo?



Hindi na siya nagreply kaya naligo na ko at inayos ang sarili nang biglang may tumawag. Sinagot ko agad ito baka si Aileen.


"Hello? Aileen?"

[Anong Aileen? si Zen to! Late ka na sa next photoshoot River!Ano ba yan tuwing weekend na nga lang to ehh nalelate pa]

"Geez oo nga pala. Sorry nawala sa isip ko. Im on my way. Ill be there in 10Minutes."


Nakalimutan ko may photoshoot pala ngayon. Wait. This means nandon si Aileen, Siya ang magaayos sakin. Bigla nanaman kumalabog ang pintig ng puso ko. Damn. Tuwing naiisip ko kung gano siya kalapit sakin sa tuwing inaayusan ako ay tila ba nagwawala ang sistema ko. Geez. Bakit ganito.


-----

@Franco Studio.


Pagpasok ko ng studio nakita ko agad si Aileen na naghihintay sa tapat ng elevator. Naka Skater skirt, sando na elegante ang disenyo at wedge na itim ang sapatos. Nilagay niya sa isang side ang kanyang kinulot na buhok at para bang nag slow motion ang lahat. Ano ba tong nararamdaman ko. Kumakalabog nanaman ang damdamin ko. Geez this is so gay.


Nang bumukas ang elevator agad siyang pumasok. Nagising ako sa kawalan at hinabol ang pinto ng elevator at luck is on my side naabutan ko. Nanlaki ang mata ni Aileen nang makita niya ko. Ako naman parang na estatwa sa kinatatayuan ko.


"Pa...papasok ka ba?" Nauutal na tanong niya sakin. Shit shes so beautiful today.

Hindi lang ngayon maganda talaga siya pero iba ang itsura niya ngayon para bang nagayos talaga siya. Araw araw nakikita ko siya sa school pero simple lang siya ganun din pag siya ang nagaayos sakin pag photoshoot kaya naninibago ako sa itsura niya ngayon.

"Oo." Sagot ko sakaniya at pumasok na sa elevator. Kami lang dalawa dito kaya kinulong ng katahimikan ang elevator.

"Salamat pala" Mahinang sabi ko sakaniya tumango lang siya at yumuko.


Nang bumukas ang elevator nauna siya sa paglalakad papuntang studio kung saan ang photoshoot namin. Nagulat ako nang salubungin siya ni Rj at ni Mr.Kujo. Ang papa ni Rj na may ari ng Franco.


"River!! Halika na nga at mag ayos ka na! Nandito si boss kaya dapat umayos ka." Hinila ako ni Zen papuntang dressing room. Nagulat ako nang makita ko na iba ang nag aayos.


"Wait Zen. Asan si Aileen? Sa babae na ba siya mag aayos?" Tanong ko kay Zen. Tinignan niya ko na para bang nagtatanong at umiling siya.


"Hindi na siya mag aayos sainyo dahil kinuha siya ni Boss Rj at Mr. Kujo na model. Pinalit siya kay Amanda. Tinanggal na si Amanda kasi ang dami na daw negative na natatanggap si boss Kujo tungkol sakaniya kaya tinanggal na siya dito sa Franco" Nilapit ako ni Zen sa bagong mag aayos sakin kaya hindi na ko nakasagot.

"Malay mo maging partners din kayo. Well siya ang pinalit sa partner mo diba?" Kumindat si Zen sakin.

"Ganun ba. Bahala na" Sabi ko at humarap na sa nag ayos sakin.

"Bad boy ang look para sa mga lalaki ha! konting ayos nalang yan Be! Wag na kapalan ang foundation" Sigaw ni Zen sa nag aayos sakin at tuluyan na siyang umalis.


Si Aileen? Model na rin? At pwedeng ipartner sakin? nagwala nanaman at lumilipad na hayop sa tiyan ko at sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kaba. Matagal na ko nagmomodel pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito.Damn!

The Bet. [COMPLETE]Where stories live. Discover now