Chapter 43

20.7K 318 4
                                    

Chapter 43


Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko agad ang abot tenga nilang mga ngiti, Si daddy napapalakpak pa talaga habang pababa ako ng hagdanan. Nang makalapit ako sakaniya at hinawakan niya ang kamay ko at inabot sakin ang isang kulay pink na corsage. Rose ito at mas simple sa corsage na pinagawa ko.

"Pink rose?" Tanong ko kay daddy, ang alam ko kasi may meaning ang mga kulay ng roses lalo na pag corsage at ngayon pink rose tong inabot ni daddy sakin ano meaning nito?

"symbol of grace and elegance, the pink rose is often given as a token of admiration and appreciation"  Tumango nalang ako kahit hindi ko magets si daddy.

"Hindi ang daddy mo ang nagbigay niyan, You have to find your date at the dance, he's wearing the same yellow rose" Kinindatan pa ko ni mommy pagtapos niyang sabihin yon, Si daddy naman ay ganun din ang ngiti, pati nadin si Charity! Para bang may tinatago sila na hindi ko alam! :/ Tsaka sinong date? wala kaya nagtanong sakin! :/

Nang nakasakay na kami sa sasakyan namin at papunta na sa university naging malaking question mark ang laman ng utak ko. Sinong date ba yon? kinakabahan tuloy ako -_- baka mapahiya ako sa dance.

Ang theme ng event ngayon ay colorful rainbow. Colorfull na nga rainbow pa? -_- so ang nangyari pagdating namin sa tapat ng event hall ng campus tumambag agad ang naglalakihang mga ilaw at malakas na trance music. Naisip ko party ata to mali yung suot namin shit! Pero si Charity ay tuloy tuloy lang sa pag pasok sa hall kaya sumunod lang ako. Naka dim ang lights ng hall at may mga spot lights pa. party ang itsura pero mga naka evening gown kami.

"Yan hindi pa nagsisimula ang program." Sabi ni Charity nang mahanap namin ang table kung saan nakalagay ang pangalan namin. Maliit lang at table at pang apat na tao lang. Eh wala naman kaming date so dalawa lang kami. Ang alam ko wala talaga akong date eh!

"Good evening ladies and gentlemen!" humina ang trance music at may lalaking naka white na tux ang lumabas sa stage.

"I am Bryan De Guzman your emcee for this lovely evening" Nagtilian ang mga babae dahil sa gwapo ang lalaking emcee narinig ko sa bulung bulungan na alumni na siya dito at graduate siya ng culinary.

"I love you Bryan!!" Sigaw ng mga grupo ng babae sa likuran namin. Kinikilig sila at halos magkasakitan na. Grabe naman.

"Hi girls" Sagot ng emcee na naging dahilan ng tilian sa buong hall.

"Hahaha! ok calm down girls im engage haha!" Napa "aaww" Naman ang mga kanina ay nag titilian. Ayan kasi. Pero ang sweet ng ganun. Yung ipinagmamalaki mong nabihag ka na ng isang babae at mahal mo ito. Sa ilang linggo namin ni River wala siyg ginagawang ganun. :(

"Ok lets start the program. Once again im Bryan. ...." Hindi na ko nakinig sa mga susunod niya pang sinabi at ininom nalang ang champagne na sinalin ng waiter sa glass ko kanina.

"But before all that! May i call all the gentlemen in this room to go back stage for our little surprise for the girls" Kumindat pa si Bryan at nagulat nalang ako nang halos limang minutong pinatay ang lahat ng ilaw at wala kaming makita.

"Ano bang nangyayari?" Bulong ko kay Charity.

"Ewan ko, Exciting to!" Alam kong may ideya siya dahil last year pa siya dito sa Dela Vega university at alam niya na ang mga ginagawa dito pero pakiramdam ko may nililihim talaga siya! Kanina pa sila :(

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon