Chapter 3

42.4K 732 4
                                    

Chapter 3



Nagpalit na ko ng pants na binigay sakin ni Zen. Shirtless ako at pantalon lang ang suot. Franco ang tatak ng pantalon na ito ang kaylangan imodel ko itong pantalon.

Lumabas na ko ng dressing room at nakita kong nagsimula na sila. Nakita ko si Amanda na solo na nagpopose sa harap ng photographer. Nakabra lang siya at nakaskinny jeans. Sexy siya ang maganda ang hubog ng katawan kaya halos parehas kami na kinukuhang model para sa mga damit.

"Ok na. Magaganda na ang shots" Sabi ng photographer kay Amanda.

"Ready na tong si River!" Sigaw ni Zen na nasa tabi ko. Tinawag na ko ng photographer at ako naman ang magsosolo.


Habang nagpopose ako sa harap nakita ko si Aileen sa likod ng photographer at nanonood sakin. Ngumiti ako sakaniya at nagulat siya.

"Paki gulo pang konti yung buhok niya" Sabi ng photographer at agad na kinalabit ni Zen si Aileen.

Lumapit siya sakin at ginulo pa ng konti ang buhok ko. Malapit ang muka niya sa muka ko at nakatuong ang mga mata niya sa pagaayos sakin. Nang matapos siya ay nagkatitigan kami namula agad siya at mabilis na nagmadaling bumalik sa likuran ng photographer.

Nagpatuloy ang photoshoot hanggang sa matapos ang solo shot ko at pinagpares na kami ni Amanda. Sexy at daring ang poses na pinagawa samin. May isang pose na naka upo ako si Amanda sa taas ng sandalan ng puting sofa at nasa gitna ako ng mga binti niya at para bang hahalikan niya ang leeg ko habang ako maman ay seryosong nakatingin sa camera. Lahat sila boto na iyon ang ilagay sa magazine kung saan icocover ang picture namin.


"Thats a wrap! Thank you everyone for the good work!" Sigaw ng photographer. Nagligpit na sila ng gamit at nagpalit na kami ni Amanda.

Bumalik ako sa dressing room para magpalit at nakita ko si Aileen na nakayuko at para bang pagod na pagod na. Tumingin siya sakin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ngumiti ako at yumuko ulit siya. Ang taray talaga ng babaeng to? Buti nalang maganda siya kahit nagtataray.

"Taray mo" Sabi ko at kinuha ang phone ko sa bag ko.

"Pake mo ba?" Kinuha niya ang tali ng buhok at tinali niya ang buhok niya.

"Smile ka naman jan" tinuro ko ang labi ko na nakangiti pero tinignan niya lang ako at nagtaas ng kilay.

Habang inaayos niya ang gamit niya biglang pumasok si Amanda ng dressing room at handa nang umalis. Naka See through lang siyang sleeveless at itim na shorts. Tinignan siya ni Aileen nang lagpasan siya ni Amanda at tumingin sa soot niya. Naka simpleng Peach Vneck at white pants lang siya. Mas simple sa suot ni Amanda.

"Lets go? Nakakapagod grabe" Sabi ni Amanda habang yakap ako. Tinignan kami ni Aileen at mas nagmadali pang kinuha ang mga gamit niya.

Napatingin si Amanda sakaniya at ganun din si Aileen kay Amanda.


"Sorry. alis na ko" Yumuko si Aileen at binitbig ang bag at make up kit na dala niya.

"Then go. What are you waiting for?" Mataray na sagot ni Amanda. Umalis na si Aileen ng walang kibo.


Umuwi na ko at kasama si Amanda. Iniisip ko kung ano kayang pakulo ang gagawin ko para mapaikot si Aileen. Gusto ko bago naman ang gagawin ko ngayon hindi na tulad ng dating mga ginagawa ko para makuha ang babaeng gusto ko makuha.

----

Ilang araw ang lumipas at monday na. Ito na ang araw kung kelan dapat simulan ko na ang panguuto kay Aileen para mapatunayan kay Matthew na lahat ng babae ay kaya ko paibigin. At syempre papakita ko rin na panalo ako sa pustahan namin.


Pag pasok ko tumambay muna ako sa Canteen kasama ang barkada nagkukwentuhan pa kami ng tungkol sa pustan. Then nakita ko ang target na walang kamuang muang na pumasok ng canteen at bumili ng inumin.

Get ready Aileen Lim, i will melt your heart. ;)

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon