Chapter 13

33.9K 584 4
                                    

Chapter 13



River's Point of View.


"River stop this. Hindi ko na alam kung pagkakatiwalaan pa kita pagtapos ng mga ginawa mo sakin. You cant blame me if i dont believe in you. You did this, Ikaw ang may dahilan bakit ayaw ko na sayo. So please let me go. I wanna move on"Nanghina ako sa sinabi niya.Unti unti siyang kumawala sa yakap ko at umalis ng hindi ako tinitignan.


Tss..Whats happening to me? Hindi ko na alam para bang nababaliw na ko. This isnt me. This isnt you River! Pero kahit anong baliktad ko sa pangyayari ayoko talaga na may ibang umaaligid kay Aileen.


Gusto ko ako lang yung lapitan niya. Gusto ko ako lang yung mahalin niya. Ayokong nakikitang may kasama siyang iba! Pumasok na ko ng sasakyan ko at aalis na sana nang harangin ako ng motor ni Rj. Tinaas niya ang salamin ng motor niya at sinenyasan ako na sumunod sakaniya. Tama to kaylangan ko siya kausapin tungkol kaya Aileen.


Damnit! Bakit ba pag tungkol sa babaeng yon nanghihina ako. Nagiging possesive ako. Samantalang sa ibang babae hindi naman ako ganon. Theres something in her that makes me crazy. Psh this is so gay.


Nakarating kami sa isang park. Madilim dito at wala na masyadong tao dahil gabi na. Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi ng motor niya. Umupo ako sa bench kung saan siya nakaupo. Galit ako sakaniya pero ngayon parang nawalan ako ng enerhiya magalit dahil sa sinabi Aileen na ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko.



"Pare.." Inabutan niya ko ng San Miguel in can. Binuksan ko ito at ininom.

"Ano bang problema?" Tanong niya sakin. Hindi ko parin siya tinitignan baka kasi magkaron ako ng inerhiya at masapak ko siya dito.

"Dahil ba kay Aileen?" Napatingin ako sakaniya at uminom ulit.

"Layuan mo siya Rj" Kinuyom ko ang kamay ko at pinigilan ang inis ko. Kahit papano kaibigan ko parin naman siya.

"Tss. Ano ka ba niya para sabihan ako na lumayo?" Ngumisi siya at para bang hindi magpapatalo.

"Tigilan mo ang kakaaligid kay Aileen, Rj kung ayaw mong magkagulo tayo" seryosong sagot ko sakaniya. Ayaw ko na may ibang umaaligid kay Aileen.

"Nagseselos ka ba?" Mariin na tanong niya. Psh. Bobo ka ba o nagbobo bobohan lang? bakit ba iniiba niya ang usapan?


Pero..Napaisip ako sa sinabi niya. Nagseselos ba ko? OO nagseselos ako dahil napagtanto ko na mahal ko si Aileen. Hinahanap hanap ko siya. Gusto ko ako lang ang mahal niya gusto ko mapasakin siya. Pero pano? Anong gagawin ko. Bakit sa dami ng babae si Aileen pa? Anong meron sakaniya at bakit ganito ang nararamdaman ko?.



"Pwede ba Rj. Wag mo nang palakihin pa to! Basta lumayo ka kay Aileen!"

"Obviously you like her. And....I like her too River. Pinaglaruan, niloko at sinaktan mo siya. Your chance is over River. It my chance now" Binato ko ang latang hawak ko sa inis at tumayo.

"Madaming ibang babae Rj. Wag si Aileen" Iyon lang ang nasabi ko at tumayo rin siya.

"River. Hindi mo pagaari si Aileen. If you want her. You have to fight. And lets just say. May the best man win" Tinalikuran niya ko at sumakay na sa motor niya. Mabilis niyang pinaharurot ang motor niya. Ngayon lang kami nagkaganito. Sa tagal namin magkakilala ni Rj ngayon lang kami nagkatalo sa isang babae.



Napailing nalang ako. Sumakay ako sa sasakyan ko at kinuha sa phone ko. Kaylangan ko kumalma ngayon.


"Hello Matthew? Nasan ka" tanong ko kay Matthew na nasa kabilang linya.

[paalis ako pare. im off to the club]

"Saan? Punta ako my treat" Natawa siya sa sinabi ko.

[HAHAHA! akala ko ba bawal ka ngayon?]

"Wala akong pake. Tara na!"

[Hahaha! ok ok. Lets meet up in XO club in 10 minutes]


binaba ko ang linya at pumunta na sa club. Gusto ko lang magpakasaya ngayon dahil parang nababaliw na ko. Shit. Dont lose yourself River.



----

@XO Club.


"Hi River"

"River!"

"Omg si River nandito!"

"Hey River wanna dance?"


Psh. Yan agad ang narinig ko sa mga nalalagpasan at nakakasalubong kong tao dito sa club. Nasan na ba kasi si Matthew? Sabi 10Minutes eh wala pa siya dito. Dumiretso ako sa bar at tinawag ang babaeng bartender.


"Hey Mr. Dela Vega. Do you want the usual?" Malanding tanong niya. Medyo yumuko pa siya sa harapan ko at bumalandra ang cleavage niya.


"Dont call me that. Mr. Dela Vega is my Father. Im River" Kinuha ko ang inumin na binigay niya at pumunta na sa isang table na walang naka pwesto.

Bakit ba ko naiirita? Samantalang dati pag lumalandi sakin ang mg babae hindi ko pinaplagpas. Siguro dahil kay Aileen. Geez. Hindi niya ko pinagbabago pero ako tong kusang nagbabago dahil sakaniya. Kahit ako nagugulat sa kinikilos ko.

"Hey dude. Sorry im late" Napatingin ako sa kakadating lang na si Matthew. May dalawang babae siyang kasama na halos kasing nipis ng hibla ng buhok ang mga damit.

"Tara sa VIP. i dont feel good here" Sabi ko at naglakad papuntang VIP lounge. Sinundan nila ako.

Madaming nakapila sa VIP Lounge pero ako dirediretso lang na pinapasok ng mga bouncer na nagbantay. Perks of being a Dela Vega. Agad pinaalis ng isang bouncer ang grupo na nakapwesto sa lagi kong pinupwestuhan dito. Mabilis nilang nilinis ang VIP table at pinaupo kami.


"Alam mo, Bilib talaga ako sa pagiging Dela Vega mo hahaha!" Natatawang sabi ni Matthew at inakbayan ang kasama niyang babae.

"This is the first time i met you in person River" Naglahad ng kamay ang isang blond na kasama ni Matthew. Tinignan ko lang ang kamay niya at uminom ng Martini na sinerve sa table namin.

"Well well well...totoo nga na masungit ka. I like that" Lumapit siya sakin at diniin ang dibdib sa braso ko.

"This is Ciara Martin. The heirs of  Martin Empire" Pagpapakilala ni Matthew sa babae.

"Nice to meet you River Dela Vega" Hinalikan niya ko sa pisngi. Geez. ano ba tong babaeng to? She wants the D? -_- Medyo umusog ako at nilayo ang katawan niya sakin. Nauurat ako wala ako sa mood makipag landian. Lalo na ngayon.


Nagsayaw sila at naging wild. Samantalang ako inom lang ng inom dito kaya na bored ako. Medyo tipsy na ko kaya naisipan ko nang umuwi. Umiikot na ang paningin ko at hirap narin ako maglakad. Hindi na ko nagpaalam kay Matthew dahil nasa dance floor sila.

Habang nag dadrive ako medyo nahihilo na ko pero i managed to survive. Tumigil ako sa tapat ng bahay nila Aileen. Tinignan ko ang bintana ng kwarto niya.


What did you do to me Aileen? Bakit sa simpleng pag alon ng buhok mo ay nagwawala na ang sistema ko. Bakit sa maiksing panahon natunaw mo ang pride ko. Pano mo ko natalo, Natalo mo ko sa sarili kong laro..Dahil..






Dahil gusto na ata kita

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon