Chapter 26

22.3K 368 2
                                    

Chapter 26



Aileen's Point of View.


Natapos nadin kami makipag meeting sa CEO ng CAST. Hay g bait niya at mukang mataas nga ang standards nila. Nakakakaba nga na mag model sakanil kasi nakita ko ang ibang model ng CAST ang gaganda ang ang sisexy.


"Aileen" Tinawag ako ni Charity at binigay ng isang malaking peach na box. kumunot ang noo ko. Ano ba to?

"Ay ano to?" tanong ko kay Charity.

"Box yan tapos kakainin mo. Ayaw nalang buksan" Sarkastikong sagot niya sakin. Tinignan ko nalang siya ng masama at binuksan na ang box.


Nalaglag ang panga ko sa laman ng box. Isang Mint colored na dress, Tinaas ko ang dress at nakita ang magandang disenyo nito. Ang ganda favorite ko pa naman tong kulay na to. Tinignan ko pa ang box at nakita kong may isang pares ng Mint and black colored na heels at isang maliit na card. Kinuha ko ang card at binasa ang nakasulat.


Wear this. I hope you like it. See you tonight.
-River
-----

Napangiti nalang ako sa kawalan. Pakiramdam ko mukang kamatis na ko ngayon. Tinignan ko ang labas ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan ni Matthew. Nakita ko nasa tapat kami ng Dela Vega Hotel.

"Suotin mo yan ha! Good luck" Nginitian ako ni Charity bago ako bumaba. Kumaway naman si Matthew pag baba ko.

Dala dala ko ang box habang papasok ng hotel. Agad akong sinalubong ng isang magandang babae. Mukang dito siya sa hotel nag tatrabaho. Nginitian niya ko at nilapitan.

"Good evening miss Aileen,This way please" Sumunod ako sa babae at dinala niya ko sa isang magandang kwarto.

"Get changed miss Aileen." Tumango nalang ako at pumasok sa comfort room ng kwarto.


Sinuot ko ang dress  at saktong sakto ito sakin. Mas lumitaw ang kulay ng kutis ko at mas nakita ang hubog ng katawan ko. Si River ba namili nito? Mukang mamahalin dahil sobrang ganda talaga. Simple lang ang disenyo pero elegante tignan. Sinuot ko rin ang sapatos at tumingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago lumabas.


Paglabas ko ng kwarto nakita ko ulit ang babae at pinasunod niya ulit ako. Pagkasakay ko ng Elevator doon na ko kinabahan. Hayy ang bilis ng pintig ng puso ko. Ano kaya tong plano ni River. Hindi ko alam na may ganito ang alam ko nga ay may meeting sila.


Pagbukas ng elevator naglakad kami papalabas sa building. Nakita ko na may isang magandang garden house at may magagandang disenyo. May mga masisiglang bulaklak din na sumasayaw kasabay ng hangin. Nang makalapit ako nakita ko si River na nakatayo at nakatingin sakin.

"Ano to?" I giggled and asked him. Kinikilig ako sa mga nakikita ko para kaming nasa isang romantic movie.

"Surprise?" He smiled and held my hand. Mabilis na tumibok ang puso ko.

Tinignan ko siya at nakita kong naka grey suit siya. Ang gwapo niya. Ngayon ko lang siya nakitang nakaganitong ayos. He really look like a man. Dinala niya ko sa loob ng garden house at nakita kong may isang puting lamesa at may mga kandila. candle light dinner? Grabe hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pintig nh puso ko.

Lumapit si River sa isang upuan at bahagyang inusog ito para makaupo ako. Gentleman niya ngayon ah hehe. Ang romantic ng dinner na to grabe na talaga siya. This really shows his affection.

Umupo siya sa katapat na upuan ko at parehas kaming natawa. Para bang parehas kami ng iniisip. Ang sweet nito. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa at tinignan ako ng mabuti.


"You always look amazing" Sigurado ako namumula na ko ngayon sa sinabi niya grabe nakakahiya.

"Tigilan mo nga ko" I giggled. Biglang may dumating na lalaki at nag play ng violin. Tumayo si River at naglahad ng kamay sakin.

"May i have this dance?" Tumango ako at ngumiti. Speechless ako!


The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon