Chapter 10

35.4K 626 16
                                    

Chapter 10





River's point of view.



"Goodmorning hun" Bati ni Trina at hinalikan ako sa pisngi.


Nakahiga pa ko at kakagising lang. Medyo masakit pang ulo ko dahil sa dami ng ininom ko kagabi. Geez. halos tatlong araw na kaming party ng party dahil sa pagkapanalo ko sa pustahan namin. Tatlong araw ko naring hindi nakikita sa school si Aileen. Tumayo si Trina at pumunta na ng banyo dito sa kwarto ko. Siya yung nakilala ko sa bar kagabi. Hindi ko talaga maiwasan hindi maguwi ng babae pag nalalasing ako. Sila naman tong sumasama.


"Kanina pala ring ng ring yung phone mo you should check it out" Sigaw ni Trina habang nasa banyo.


Umupo ako at kinuha ang phone ko. Si Rj naka 15 na miss calls? grabe naman. Anong trip niya? Tinext ko si RJ at agad naman siyang nagreply.


Rj:

Malelate ako pre. Kayo nalang muna pumunta sa office.


Tss..Kaylangan pala namin pumunta sa office sa school dahil pinapatawag kami ng prof. May papagawa daw at nakasalalay ang grade namin. WTF. ako na anak ng university na yon pinagbabantaan niya? baka tanggalin ko siya.

"Alis na ko ha. Thanks for last night" Kinindatan ako ni Trina at lumabas na ng kwarto ko.


Naginat ako at nag sit ups bago maligo. Kamusta na kaya si Aileen. Naguguilty ako x_x. Nang matapos ako mag ayos ng sarili ko para pumasok bumaba na ko at pumunta ng kusina para kumain.


" Kain na anak" Alok ni mama sakin habang tinutulungan ang katulong namin ilagay sa mesa ang ilang ulam pang agahan.

"River umupo ka muna at may kaylangan tayo pagusapan" Mahinahong sabi ni papa at nilapag sa mesa ang dyaryong hawak niya.


Umupo ako at kumuha ng tinapay. Ano naman kaya ang sasabihin nitong matandang to.

"Ilang araw ka nang lasing. Lumalabas sa mga balita ang kabalastugan na ginagawa mo. Nadadamay sa pagkasira mo ang kumpanya. Pwede bang magpahupa ka muna ng masamang balita bago ka lumarga? tandaan mo hawak mo ang pangalang Dela Vega" Mahinahon pero mariin na sabi sakin ni papa.

"So ano grounded ako?" Umiling si papa at uminom ng kape.


" Kahit naman igrounded ka umaalis ka parin diba? wala ka naman sinusunod eh kaya ang gagawin ko at puputulin ko lahat ng credit cards mo at allowance mo pag gumawa ka ng kabalastugan ka sa loob ng isang buwan" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Damn! pera na nga lang ang tulong nila sakin bilang mga magulang tatanggalin pa nila? anong gusto nila mangyari sakin?!

"Ano ba gusto niyong gawin ko diretsuhin niyo na ko ang dami pang paligoy ligoy" Tinignan ko si papa na tila a nagpipigil ng galit at pilit kumakalma.

" ayokong makakatanggap ng kahit anong balita na negative galing sayo. Madaming media ang nakaantabay sayo." Tumayo ako at hindi na kinaya ang kalokohang sinasabi niya. Edi parang ginrounded niya rin ako sa ginagawa niya -__- i hate them!


Kinuha ko ang gamit ko at lumabas na. Nasa garahe palang ako nang matanaw ko ang motor ni Rj sa labas ng bahay nila Aileen. Nang buksan ng gwardya namin ang gate agad akong pumasok sa sasakyan ko. Lumabas si Aileen at Rj. Nagtatawanan sila at inabot ni Rj ang helmet kay Aileen. Umangkas si Aileen kay Rj at kinuha ni Rj ang kamay ni Aileen para iyakap sakaniya. Biglang kumulo ang dugo ko sa nakikita ko. Wtf?! Anong ginagawa nila? Ano ba tong kalokohan na to? Para bang gusto ko nalang suntukin si Rj ngayon.


Pinaharurot ko ang sasakyan ko at inunahan sila. Dumiretso ako sa school. Ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing naaalala ko yon. Bakit ba ganito? gusto ko nalang manapak sa nakita ko.


---

Hindi ako pumasok sa dalawang subject. Nakaupo lang ako dito sa rooftop magisa. Hindi rin ako pumunta ng office dahil baka sa prof ko pa mabunton ang init ng ulo ko. Biglang bumukas ang pinto ng rooftop at nakita ko si Matthew na palapit sakin.


"Hey. Bakit mukang stressed ka" Sabi niya at inabutan ako ng juice.

"Tss. Ewan ko ba naiinis lang talaga ako ngayon" Sagot ko at ininom ang juice na binigay niya.

"Bakit naman? something happened?"

"Si papa kasi tatanggalan ako ng allowance pag may nasagap na masamang ginawa ko" Hinagis ko sa kawalan ang lalagyan ng juice sa inis ko.

"pare mahirap nga yan. Iwas nalang muna sa gimik haha!" Tinapik niya ang balikat ko at tumawa.

"Asan nga pala si Rj? kanina nakita ko ngayon wala nanaman" Tanong niya na kinakulo nanaman ng dugo ko.

"Isa pa yan si Rj! ang sarap niya sapakin eh!" kinuyom ko ang kamao ko sa galit. Ewan ko ba bakit ako nagagalit kay Rj ng ganito ehh

"Oh bakit?"

"Nakita ko siya kanina. Nandun sa bahay nila Aileen. Magkasama sila sa motor sinundo niya si Aileen! Tapos may payakap yakap pa siya!" Sinuntok ko na ang sahig sa gigil ko. At natawa naman si Matthew. Anong nakakatawa?!

"is it true? Nagseselos ka sakanila?" tanong niya at tinitigan ako ng maigi.

"Hindi ako nagseselos!" Tumayo na ko at nag walk out.

Bakit naman ako magseselos? Eh sigurado akong mahal pa ko ni Aileen tatlong araw palang ang nakakalipas imposible naman na wala na agad siyang nararamdaman sakin. At hindi ako makakapayag na ipalit niya si Rj sakin! Si Rj? eh mas hamak na mas angat at mas gwapo ako sa lalaking yon!


----

Lunch na kaya pumunta na ko ng canteen. Pagpasok ko ng canteen nakita ko agad sika Tiffany, Saffarah at Amanda na magkakasama sa isang table. Pupuntahan ko sana sila ng may isang babaeng humagip sa paningin ko. Nakita ko si Aileen. Nandito na siya. Nasa isang table siya at magisa. Hindi ko alam bakit pero naglakad ako papunta sakaniya. Hindi pa ko nakakalapit napatigil agad ako dahil sa pagdating ni Rj. May dala dala siyang pagkain. Shit. Naalala ko ako ang madalas na gumagawa nun kay Aileen,  ako yung laging nagdadala ng pagkain para sakaniya. Lumalagabog sa inis ang puso ko para pag puro galit ang nararamdaman ko habang pinapanuod silang masayang naguusap.


"Hey River! tara dun oh nandun si Amanda at si Saff-" Hindi ko na pinatapos si Tiffany at hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Dumiretso ako sa lugar kung nasaan sina Aileen at Rj. Napatingin sila sakin nang makalapit ako. Mas lalong napuno ng inis ang sistema ko ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero hindi ko makaya na ganito ang nakikita ko.


"Oh River. Anong ginagawa mo dito" Tanong ni Rj sakin at naka ngisi siya. Agad ko siyang kinuwelyuhan at nabigla siya sa ginawa ko.

"Oh chill pre. ano bang problema mo?" Napaisip ako sa tanong niya dahil hindi ko rin alam bakit ako nagagalit ng ganito habang kasama niya si Aileen. One thing is for sure. hindi ko gusto na umaaligid siya kay Aileen.

"Layuan mo siya kung ayaw mong masira ko ang muka mo ngayon" mahina pero mariin kong bulong sakaniya.

"Ano ba River! Bitawan mo nga si Rj!" Napatingin ako kay Aileen na nakatingin ng diretso sakin.


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamao ko na nakakapit sa kwelyo ng uniporme ni Rj at nanlambot ang kamay ko sa hawak niya kaya napakawalan ko si Rj.

"Ano bang kaylangan mo River? pwede ba wag ka naman manggulo" Mahinahong pakiusap ni Aileen sakin. Kinuha niya ang gamit niya at hinila na si Rj palabas ng canteen.


Naestatwa ako sa nangyari. Unang beses lang tong nangyari sakin na may tumalikod na babae sakin. Hindi ko pwedeng hayaan siya kay Rj. Hindi pwede na mas piliin niya si Rj kesa sakin. Hindi ako makakapayag na umaaligid si Rj sakaniya dahil sakin lang si Aileen! Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko matitiis na makitang may ibang lalaking may umaaligid sakaniya.


Akin lang si Aileen.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon