Chapter 8

32.5K 597 8
                                    

Chapter 8

Nang tuluyan kaming nakalapit wala silang imik dahil narin siguro sa gulat na nandito si Aileen. Nagkatinginan sila bago sila natauhan. Binati nila si Aileen at tinignan ang kamay namin na magkahawak. Binitawan ko ang kamay niya at hinarap siya sakanila.

"Girlfriend ko na siya sinagot niya ko kagabi" Diretso ang tingin ko kay Matthew na ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari.

"Hahaha! ok ok you win River, ill give it-" Pasimple siyang kinurot ni Saffarah, Shit that was close. Wait...bakit ba ko nagaalala kung malaman niya na pinagpustahan lang namin siya? Who cares.

"Well you're lucky to have him Aileen" Pagbabago ni Saffarah ng usapan. 

"I really do feel lucky to have him" Tumingin sakin si Aileen at ngumiti. Shit. Ano ba tong isip ko. No River it cant be. This cant be. Damn! naguguilty ako sa bawat ngiti niya sakin! Controll yourself River!

Nagkwentuhan sila at kinilala ng husto si Aileen, May mga tanong pa sila na hindi ko minsan man natanong kay Aileen. Tahimik lang ako at nakikinig sakanila. Tinapik ako ni Matthew at sinenyasan na umalis muna kami doon. Nakita iyon ni Aileen kaya sumenyas ako na aalis muna ako saglit.

Nagpunta kami ni Matthew sa open field kung saan wala masyadong tao ngayon dahil mainit.

"You win, How can i pay you" Nakangisi pero seryoso niyang tanong sakin.

"Let's stop dont pay or anything just stop this" Natawa si Matthew sa sagot ko sakaniya pero tinignan ko parin siya ng matalim kong tingin.

"Pabor sakin na di ka bayaran pero bakit all of the suddent bigla kang bumait sa Aileen na yan? did you fall in your own trap mr. Casanova?"  Tumawa siya ng konti at tinignan ako ng seryoso.

"Hindi sa ganon...aish! dont ask any questions, Lets just stop this bet!" Tinaas ni Matthew ang kamay na para bang suko siya sakin,

"Chill River. Ikaw nga tong nakipag deal sakin na pagpustahan siya at paibigan siya sayo tapos ikaw tong ganyan? wow Who are you and what did you do to the real River Dela Vega?" Nainis ako sa sinabi niya, Anong tingin niya sakin? Basta nalang nawala sa sarili dahil sa isang bet? psh i wont waste my name and dignity to a woman.

Magsasalita sana ako nang marinig kong may humikbi sa likuran ko. Bigla akong kinabahan at nanlamig. Dahan dahan akong tumingin sa likod ko at iyon nakita ko si Aileen na nakatakip ang kanyang mga bibig at nagpipigil na umiyak pero patuloy ang kanyang pagluha. Shit! obviously narinig niya ang pinagusapan namin ni Matthew kaya siya umiiyak ngayon. Para bang tinutusok ang dibdib ko sa bawat patak ng luha niya.

Dahan dahan siyang lumapit sakin at tumingin sa mga mata ko.

"Totoo ba? na kaya mo lang ako niligawan dahil sa pustahan niyo?" Mariin niyang tanong sakin at seryosong nakatingin sa mga mata ko. Ramdam ko palang sa tingin niya sakin ang sakit na nararamdaman niya.

"SUMAGOT KA!" Sigaw niya at nagdatingan sina Saffarah at Tiffany. Tamihik lang sila at tinitignan si Aileen na umiiyak. Para bang nagiguilty rin sila sa nangyari kay Aileen.

"O...o OO pinagpustahan ka namin" I Cant lie. huling huli na kami narinig niya mismo samin ang lahat kaya wala nang sense kung magsisinungaling pa. Hindi ko maiwasan na maawa sakaniya.


Sinampal niya ko at tinignan kami isa isa. Bakit parang mas masakit ang loob ko kesa sa sampal natamo ko. Para bang mas napansin ko pa ang bigat ng dibdib ko kesa sa malakas na sampal niya sakin.

Pull yourself together River! Ikaw si River Dela Vega! Hari ka sa sarili mo at lahat ng babae ay nagkakagusto sayo. Hindi lang si Aileen ang umiyak sayo kaya wag ka maawa sakaniya dahil isa lang siyang normal na babae at ngayon ay kabilang na siya sa mga babaeng umiiyak at nagkakandarapa sayo. Yang ang tumatakbo sa utak ko kaya hindi ko nalang pinansin si Aileen.

"Pay up Matthew" Madiin na sabi ko kay Matthew at agad niya naman kinuha ang phone niya at may tinawagan.

------

Lumipas ang ilang oras at habang nasa klase ako kanina  ay napansin kong wala siya. Kahit saan ay hindi ko siya makita. Gusto ko siyang hanapin pero ayoko naman magabala para sa isang normal na babae lang. Nagaalala lang ako dahil baka sineryoso niya ang nangyari at kung ano gawin niya. At ano bang mapapala ko sa babae kung hanapin ko man siya? sampal ulit?

"AW..you look worried hun" Bigla nalang sumulpot si Amanda sa harap ko. At mukang bumalik na siya sa dating siya noong hindi niya pa gusto ang lalaking pera lang ang habol sa lahat.

"Amanda im not in the mood to play with you ok" Tinignan niya lang ako gamit ang nakakapang akit niyang mata. Tumingin siya sa paligid at walang tao dito sa rooftop.

Bahagya niyang hinawakan ang binti ko diretso parin ang tingin niya sakin. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng patagilid. Naramdaman ko ang mabango niyang hininga sa leeg ko at ang nakakaakit na haplos niya sa dibdib ko pababa sa abs ko at pababa sa gitna ng hita ko.

Hindi ko napigilan ang sarili at naakit na ko sa mga ginagawa ni Amanda kaya't sinakyan ko nalang ang gusto niya.

This is me. This is River Dela Vega. A casanova, and no girl can change that. 

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon