Chapter 9

33K 618 5
                                    

Chapter 9

Aileen's Point of View.

Ano bang tingin nila sakin? laruan ako? Ang kapal ng muka nila para paglaruan ako. Pinagpustahan pa? ano ba ko cheap lang na babae?. Kinuha ko ang gamit ko at dirediretsong lumabas ng school. Ang bigat ng dibdib ko gusto kong sumigaw gusto kong magwala gusto kong manapak!

Nakayuko ako habang mabilis na naglalakad dahil patuloy parin akong umiiyak. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko pero mapangahas ang luha ko at hindi tumitigil. Naglalakad lang ako papuntang sakayan ng taxi nang may mabangga akong isang lalaki. Nalaglag ang librong dala ko kaya kinuha ko ito agad. 

"Miss ok ka lang ba...Aileen?" Napatingin ako sa alaking nasa harap ko, Si Rj pala.

"Ha?..ay oo ok lang ako." Tumayo ako nang makuha ko ang libro ko at nakita kong nagulat si Rj nang tignan niya ko sa mata.

"Teka lang!" Sigaw niya habang mabilis akong naglalakad palayo sakaniya.

"Teka lang Aileen!" Sigaw niya pa at ilang saglit pa ay naabutan niya ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako papalapit sakaniya kaya napayakap nalang ako sakaniya.

Tinignan ko kung nasaan kami napadpad at nakita kong nasa park kami ngayon. Wala masyadong tao dahil magtatanghali na at mainit dito. Nasa lilim kami ng isang puno at tahimik dito. Kinulog niya ko sa mga bisig niya at naramdaman ko ang init ng katawan niya. Malambot ang yakap niya kaya nakaramdam ako na komportable ako sa yakap niya. Hindi ko na napigilan ang maiyak habang yakap niya ko.

Umiyak ako ng umiyak binuhos ko lahat ng sakit at galit kay River. Gago siya! gago silang lahat! Pinagpustahan nila ko pinaglaruan ang damdamin ko! Masaydo akong nagtiwala sakaniya sabi na nga ba't lolokohin niya lang ako. Alam ko na iyon noong una palang pero nagtiwala parin ako. Bakit ba kasi pinagkatiwalaan ko ang Kapreng yon eh! ang tanga tanga ko!

"Ok ka na ba?" Tanong ni Rj sakin nang napansin niya na tumigil na ko sa pag iyak.

"O..ok na ko..salamat Rj" Nagising ako sa katotohanan at nabuhay ang kahihiyan ko. Marahan kong tinanggal ang braso niya na nakayakap sakin.

Dahil mainit sa park hinawakan ulit ni Rj ang kamay ko at kinaladkad papunta sa pinakamalapit na coffee shop. Nakita kong nasa starbucks kami. Pinaupo niya ko sa isang lamesa na malapit sa aircon para daw hindi ako mainitan. Nagorder na siya ng inumin namin at makakain dahil lunch na

"Ano bang nangyari sayo bakit ka umiiyak?" Tanong niya sakin nang makabalik siya sa table namin.

"Diba kaibigan ka rin nil River?" Tanong ko sakaniya, Baka sama ako ng sama sakaniya tapos pati rin pala nilaro ang damdamin ko di man lang niya sinabi na may ganung balak pala sila.

"Oo kaibigan nila ako pero bihira ako makisama dahil busy ako. Nagtatrabaho kasi ako sa Franco. Kaylangan kasi namin ng mga modelo para sa bangong collection na ilalabas ngayon at ako ang nautusan ni mom na maghanap ng modelo" Tinignan  niya ko ng mabuti.

"Oh wag ako ha, other than that. Alam mo bang pinagpustahan ako nila River at nung isa pang lalaki?" Halos naluwa niya ang iniinom niya nang marinig ang sinabi ko.

"Tinotoo ba nila? Grabe akala ko nagbibiro sila dahil ang sabi pag napaibig ka ni River ay bibigyan siya ni Matthew ng 100 thousand pesos!" Ako na ang nabilaukan sa sinabi niya. WTF? Para lang sa 100 thousand pesos ginago na niya ang damdamin ko!? sino ngayon ang cheap samin!

"Ang kakapal din talaga ng mga muka nila. At bakit hindi mo sinabi sakin? alam mo naman pala na may ganung pangyayari!" Sabi ko kay Rj. Nakakainis wala na ba kong makakapagkatiwalaan dito??


"Calm down Aileen, Oo alam ko pero akala ko biro biro lang nila yon dahil 100thousand? para lang sa bet? hindi makatotohanan right? kaya nanahimik nalang ako. Im sorry kung hindi ko sinabi. Kung sinabi ko lang sana wala sigurong mangyayaring ganito." Yumuko siya at pansin ko ang pagsisisi sakaniya. Mukang totoo ang sinasabi niya pero hindi na dapat ako magpaligoy ligoy sa mga desisyon ko masyado akong nagtitiwala kaya ito ang nangyayari sakin.


------


Hindi na ko tuluyang pumasok dahil hindi ko pa kayang makita ang pagmumuka ng lalaking yon. Hinatid ako ni Rj pauwi at hindi rin siya nagtagal. Pumasok ako ng bahay at nakita ko si mommy.


"Oh bakit ang aga mo? anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?" Nagaalalang tanong ni mommy.


"Mommy...niloko niya ko..Laro lang pala ang lahat." Hindi ko na napigilan ang luha ko.


Sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa niya sakin. Naaalala ko rin ang mga sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko maiwasan ang umiyak. Kahit na alam kong sasaktan niya ko kahit alam ko kung anong klaseng lalaki siya nagtiwala parin ako. Pero ito ang nangyari...Sana sumunod nalang ako sa sinasabi ng utak ko. Nagpaalipin ako sa nararamdaman ko hindi ko na naisip ang mga pwedeng mangyari naging pabaya ako. Kaya ngayon nasaktan ako.



Mahal ko siya. Napamahal niya ko sa mga bagay na pinlano niya, napamahal niya ko sa mga panguuto niya sakin. Hindi na pwede tong nararamdaman ko. Tama na. I have to forget everything about him.


Kinuwento ko kay mommy ang lahat ng nangyari. Siya lang ang meron ako ngayon. Si daddy kasi nasa Korea para asikasuhin ang kumpanya namin.


"Anak, alam mo ba..naranasan ko narin yan noong kabataan ko. Lahat tayo naranasan masaktan ng taong mahal natin" Hinahaplos ni mommy ang likod ko para pakalmahin ako.

"Ang sabi ng lola mo sakin noon. Walang kahit sino man ang may karapatan para paiyakin ka dahil inalagaan ka at iningatan kita. Tama siya Aileen. No one is worth your tears not me not your dad and not River" Kumalma na ako sa sinabi ni mommy.


Niyakap ko si mommy at nagpasalamat. Tama si mommy kaylangan maging matatag ako dahil no one is worth my tears. Not even him.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon