Chapter 20

28.6K 511 5
                                    

Chapter 20



River's Point of View.

Pagpasok ko sa bahay huminga ako ng malalim. Grabe tong babaeng to ang lakas ng tama hahaha! Napangiti nalang ako sa kawalan habang naglalakad paakyat sa kwarto ko. Tinignan ko siya na maingat na umaakyat sa hagdanan namin. Damn kahit buhusan siya ng basura kahit ang baho niya kahit maga ang mata niya sa kakaiyak maganda parin siya.


"Bakit ganyan ka makatingin?" Tinaasan niya ko ng kilay ng makalapit siya sakin.


"Wala. Bagal mo kasi." Tumalikod na ko at pumasok sa kwarto ko. Humanda sakin yan sila Amanda. Ano bang trip nila bakit nila inaaway si Aileen? alam ko totoo yung sinasabi ni Rj na ako may dahilan pero anong dahilan?


"Pasok na dito ka sa banyo ko maliligo" Ayaw niya pa pumasok ng kwarto ko eh nakapasok naman na siya dito nung nalasing ako. Pero ngayon malinis na ang kwarto ko. Simula kasi nung nangyari yon lagi ko na pinapalinis ang kwarto ko tuwing aalis ako para pumasok.


"Bakit sa kwarto mo pa? Wala na ba kayong ibang banyo dito?" Namili pa. Hindi ko naman siya pagsasamantalahan ehh. Hindi PA. Mwahahhah! biro lang.


"Gusto mo sa maid's bathroom o sa kwarto nila mama? Yung banyo sa baba inaayos kaya no choice ka" Tinignan niya lang ako ng masama habang papasok ng banyo ko. Haha! Baliw talaga.



Habang nasa cr siya tumunog ang phone ko at nakita kong si Jethro to. Ang head ng university.


"Oh bakit ka tumawag?"


[Master River nagawan ko na ng paraan ang kaso nila Amanda, Tiffany at Saffarah]


"Anong ginawa mo?"


[2Weeks suspended dahil sa bullying case nila and a week of community service dahil sa pagkakalat nila sa campus]


"Good. Make sure na magagawa nila lahat ng yan"


[i will sir]


Binaba ko na ang tawag at nakahinga na ko ng malalim. Hindi nila pwedeng ganunin nalang si Aileen. Ayokong may gumagambala sakaniya hanggat kaya ko babantayan ko siya. Geez that gives me goosebumps. Hindi ako ganito dati. I was a heartless jerk to everyone pero ngayon ayoko ng ginagago ang babaeng to. Aish. I cant lose myself. Pwede naman magkaron ng gusto sa babae pero hindi nagbabago ah?


"Um..River." Humarap ako at nakita ko si Aileen na basa ang buhok at suot suot ang kulay blue kong twalya. Maliit ito dahil ibaba lang naman ang tinatakpan ko.


Ang ganda niya. Maganda ang katawan, Makinis ang kutis at ang labi niyang natural na mapula. Damn im crazy. Maiksi sakaniya ang twalya ko kaya hawak hawak niya ang ang twalya para hindi malaglag. Imagine, Wala siyang panloob. Nasa kwarto ko siya at bagong ligo. Wth?! Wake up River! This is Aileen youre thinking about! Respect dude respect! Napailing nalang ako.


"Bakit?" Tanong ko sakaniya. Damn. Buti nalang nakakapag pigil ako.


"Wala akong damit nabasa lahat" Yumuko siya at namula. Shit.


"Sandali lang" Agad akong lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe mahihimatay na ata ako ang bilis ng tibok ng puso ko. Normal ba to? kaylangan ko na nga magpacheck up.


"Manang!" Tawag ko sa katulong na may dalang mga damit na nakatiklop.


"Ano po yon sir?" Tumigil siya sa harap ko. Agad kong tinignan ang damit na hawak niya. Mga damit iyon ni papa.


"Manang paki kuha naman ako ng pares ng bagong underwear sa kwarto ni Renivee" Tumango lang si manang at mabilis na pumunta sa kwarto ng kapatid ko. Wala si Renivee dito dahil nasa States sila.


"Ito na po sir" Inabot sakin ang isang pares ng bagong underwear. Tinanggal ko agad ang tag price at bumalik na sa kwarto ko.


Pagpasok ko ng kwarto nakita kong nakatingin sa bintana si Aileen. Nakatwalya parin siya at nakalaglag lang ang buhok niya. Kumatok ako at humarap na siya sakin. Namumula ang pisngi niya at para bang kinakabahan.


"Ito muna suotin mo bago yan" Napatingin siya sa hawak ko at tumaas nanaman ang isang kilay niya.


"Bakit meron ka nito?" Tinignan niya ko. Shit. Alam ko na iniisip nito. Bakla ako o sa ibang babae ko to. Shit shit shit!


"Ka..kay Renivee yan sa kapatid ko. Hindi niya yan ginagamit nasa States kasi siya" nautal pa ko sa sagot ko pero thank god mukang naniwala na siya.


Kinuha niya ang hawak ko at pumasok ulit sa banyo. Wala pa siyang damit. Basa rin pala yung uniform niya. Binuksan ko ang kabinet ko at kumuha ng white vneck at boxers ko na hindi ginagamit. Maliit kasi sakin. Siguro naman kasya na to sakaniya nasisikipan naman ehh.


"Aileen ito muna damit mo oh" Kumatok ako at binuksan niya ito ng konti. Inabot ko ang damit at sinarado niya na ulit.


Hayy. Aileen in my room? Damn. Nagwawala nanaman ang kung anong hayop sa tiyan ko. Iba talaga siya sa ibang babaeng nakilala ko. Para bang siya ang kahinaan ko. Yung para pag pag nawala siya wala narin ako. Pag wala siya gugunaw na ang mundo ko. Deep.


Paglabas niya pinupunasan niya ang buhok niya. Medyo maluwag yung damit ko sakaniya pero ok narin. Kaya lang ang haba. Hindi halatang may short siya.


"Gusto mo mag lunch?" Tanong ko sakaniya habang pinupunasan niya ang buhok niya.


"Nakakahiya na, Sa bahay nalang ako kakain" Sagot niya at sinampay sa upuan ang basang twalya.


"Nahiya ka pa dito ka nga naligo eh nahiya ka pa na dito kumain?" I smirked at pinaghahampas niya ang braso ko. Natawa nalang ako sakaniya. Hehe shes so cute nag blush pa.


"Ayoko nga ehh" Ngumuso nanaman siya. Damn that lips! Ayoko ng ngumunguso siya ng ganyan nagwawala talaga ang sistema ko.


Agad kong hinawakan ang balikat niya at pinatalikod siya sakin. Pheew! That was close! Kung hindi ako nakapag pigil mahahalikan ko siya. Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko at inakbayan ko siya at naglakad na kami papuntang kusina.Sakto may nakahanda nang tanghalian kaya kumain na kami. Nung una nahihiya pa siya pero food is her weakness kaya kumain na din siya.



Pagtapos namin kumain tumawag ang mommy niya at nagaalala dahil sinabi daw ni Charity ang ginawa nila Amanda sakaniya sa school.


"Ok na ko mommy...opo si River po...Pauwi na rin ako mommy kumain lang kami...Sige po...opo..bye" Binaba niya na ang tawag at huminga ng malalim.


"Nagalit mommy mo?" Tumango siya at bumuntong hininga.


"Thank you. at Thank you din daw sabi ni mommy" Ngumiti siya kaya nginitian ko rin.


"Uwi na ko nagaalala na kasi siya eh" Kinuha niya ang bag niya at inayos na ang sarili niya.


"Hatid na kita" Umiling siya at tumawa.

"Tatawid lang naman ako. I can manage. Thank you ulit River" Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. Naestatwa ako at wala nang nasabi. Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko pakiramdam ko naputulan na ko ng hininga.


Nagising nalang ako sa katotohanan ng marinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko. Nakita kong wala na siya.Nakahinga na ko ng maluwag.  Phew. Grabe i really need a doctor. Ikamamatay ko ata ang babaeng yon.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon