Chapter 12

32.5K 586 6
                                    

Chapter 12






Napanganga nalang ako sa sinabi nitong si kapre. Ang bilis ng pintig ng puso ko na para bang mamaya maya lang ay parang bombang sasabog. Pakiramdam ko umakyat sa muka ko lahat ng dugo ko.Sigurado ako muka na kong mansanas ngayon yumuko nalang ako para di mahalata. Ano bang pinagsasasabi niya na sakaniya ako? Eto nanaman ba tayo? paglalaruan niya nanaman ako?!


"Ano bang pinagsasasabi mo?" Mariin kong sinabi ng hindi siya tinitignan.

"Hindi mo ba ko narinig Aileen? Akin ka" Lumapit siya sa tenga ko at binulong yon. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan at para bang may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang marinig ko yon.

"Ano bang balak mo? Kung paglalaruan mo nanaman ako tama na ayoko na" Hindi siya nagsalita at naglakad ako palayo sakaniya.


Hinila niya ang kamay ko papuntang parking lot nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. Tama na yung naloko niya ako noon hindi na pwedeng magpaloko pa ko ulit sakaniya. Hanggang ngayon ramdam ko parin yung sakit at ramdam ko rin na mahal ko parin siya. Damn you Dela Vega!


"Ano ba!" Hinablot ko ang kamay ko sakaniya pero hindi niya ito pinakawalan. tumingin lang siya sakin at nagpatuloy ng paglalakad. Nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya tsaka niya lang ako binitawan.


"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo Aileen?" Seryosong tanong niya sakin.

"Dela Vega wala akong alam sa sinasabi mo. Nananahimik na ko lumalayo na ko sayo. Ano pa bang kaylangan mo sakin? Diba pinaglaruan mo lang naman ako? so why bother dragging me here? ano ba talagang pumasok jan sa kokote mo?!" Nasigawan ko na siya sa inis ko. Hindi na kita pwede pagkatiwalaan ngayon dahil alam ko sasaktan mo nanaman ako.

"Wala kang alam?! Aileen tatlong araw palang ang nakakalipas nang mangyari yon. Tapos ngayon makikita ko agad na nag papasundo ka kay Rj?! Sabay kayo mag lunch?! Aileen ano bang nakita ko jan kay Rj bakit pag sakaniya ibang iba ang ugali mo, Ugali na hindi mo pinakita sakin!" Ginulo jiya ang buhok niya at kita kita ko ang galit sa mga mata niya. Ano bang kinagagalit niya? Kaibigan ko si Rj wala naman masama kung sunduin at sabay kami kumain. Ano bang pakielam niya??


"Wala kang pakielam kung magkasama kami ni Rj! Baka nakakalimutan mo hiwalay na tayo kaya wala kang karapatan mangielam sa buhay ko!" Napatingin ang iilang estudyante sa parking lot dahil nagsisigawan na kami. Yumuko nalang ako at hindi sila pinasin. Tsk! Nakakainis ka talaga Dela Vega!

"Oo alam ko wala akong karapatan pero F*ck! Hindi ko matiis na makita kang kasama ang lalaking yon!" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Narealize ko na kung bakit siya ganito..

"Nagseselos ka ba kay Rj?" Mahinahong tanong ko sakaniya. Nangatog ang buong sistema ko at sumisigaw ang puso ko n sabihin niyang OO! nagseselos siya.

"Tss.." Yun lang ang sagot niya. Para bang tumigil sa pagpintig ang puso ko. Tumalikod ako sakaniya dahil ramdam ko na babagsak na ang luha ko. Ayokong makita niya na umiiyak ako.


Habang dahan dahang papalayo sakaniya wala akong imik. Iniisip ko na Puro sakit nalang ba ibibigay sakin? Ayoko na eh ayoko na ng laro. Bigla nalang may maiinit na mga bisig ang pumulupot sakin at niyakap ako galing likuran. Nakatalikod man ako pero alam ko na siya yon. Ang mabangong amoy at init ng aura niya ang batayan ko. Napatigil ako at gusto ko man pumiglas pero naninikip ang dibdib ko dahil sa pag pigil ko sa mga luha ko. Binaon niya sa balikat ko ang ulo niya at bumulong.


"Im sorry..." Ramdam ko ang sinseridad niya. Kilala ko na si River..Kasing taas ng langit ang pride niya. Kasing tigas ng bato ang damdamin niya. Hari kung umasal at siya ang lalaking hindi ko inaasahang magsosorry.

"River wag mo na kong paglaruan. Kung paglalaruan mo nanaman ako please wag na. Ang sakit na. Mahal kita pero hindi ko matanggap na laro lang pala lahat lahat. Nahulog ako sayo. Nahulog ako sa mga laro mo. Ngayon ayoko na" Sabi ko at dahan dahan tinatanggal ang yakap niya sakin pero hindi niya ito tinanggal at hinigpitan niya pa. Kumakalabog na ang puso ko. Para bang may kung anong lumilipad na hayop ang ngayon'y ng aaway sa tiyan  ko.


"Aileen.. Wag mo naman akong iwasan" Naestatwa ako sa sinabi niya. Totoo ba to? Please kung panaginip to wag niyo na kong gisingin. Pero ayoko na magtiwala ng basta basta. Iyon nga ang dahilan bakit ako nasaktan. Kung mahal mo ko patunayan mo. Ipunin mo ulit yung tiwala ko.

"River stop this. Hindi ko na alam kung pagkakatiwalaan pa kita pagtapos ng mga ginawa mo sakin. You cant blame me if i dont believe in you. You did this, Ikaw ang may dahilan bakit ayaw ko na sayo. So please let me go. I wanna move on" Nilakasan ko ang loob ko at kumawala sa yakap niya.


Sabi ng puso ko magtiwala ako sakaniya. Pero sabi ng utak ko wag ako magpaka tanga. Nasaktan niya na ko at kaya niya pang ulit ulitin yon. Ayoko nang makinig sa puso ko. Nakinig ako noon at nagtiwala sakaniya kahit alam kong paglalaruan niya ko kaya ako nasaktan eh nagpaalipin ako sa puso ko. Hindi ko na inintindi ang sinasabi ng utak ko.


Tahimik akong nakalayo at nakalabas sa school hindi ko narin siya naramdaman kaya nakahinga narin ako ng maluwag. Ayoko na ng paglalaro. Wag niyo nang paglaruan ang puso ko.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon