CHAPTER SIXTEEN: Missing this

11.3K 328 33
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Missing this

SATURDAY

11:00 AM

Nashock sya nung nakita nya ako, alam ko yun dahil kitang kita ko yun sa mukha nya.

Yung kaninang itsura nya na may pagkainis dahil sa pag higit ni Ate Sally ng Earphone nya ay napalitan ng pagkalungkot at pagkairita.

Naiirita ba sya dahil sa ginawa ni Ate Sally o naiirita sya dahil nandito ako?

"Ugh, Hi!" Sabi ko at alanganing ngumiti.

Ewan ko ba pero there's something sa tyan ko na parang gumagalaw, yung tipong kapag nanginig ka kase malamig o dahil naiihi ka na tapos gutom ka, yung ganun. Hay Buhay!

"Anong ginagawa mo dito Sally? Di ka welcome dito!" Sabi nya na parang hindi nya narinig na nandito ako.

Ouch.

"Ako di welcome pero si Shin welcome?! Ganun ba gusto mong iparating huh?! Aba'y ptangina naman!" Sabi ni Ate Sally habang nakacrossed arms.

Hindi na muling nagsalita si Spruce, dahil ba ako ang pinag uusapan?

"Hey! Why natahimik ka?"

"Pakealam mo ba? Umalis ka na nga!"

Sa mga panahong ganito yung tipong hindi sya gumagalang sa mga mas nakakatanda sa kanya malamang sa malamang eh nabatukan ko na sya! Kaso iba ngayon eh.

"AHA! Gusto mong umalis na ako para makapagsolo kayo ni Shin? Ganun ba yon? Yiiee!"

Wala parin syang reaction.

"Ggo ka din no? Pansin ko pag binabanggit ko pangalan ni Shin Dear eh natatahimik ka? What's your problem Bstard?" Sabi ni Ate at sulyap sakin tapos balik ulit kay Spruce. Napatigil naman sa pagluluto si Spruce.

Teka? Galit ba sya sakin dahil sa nangyari nung nagsuntukan sila ni Seraige at si Seraige ang nilapitan ko at hindi sya?

Tinignan ko yung wallclock at 11:05 AM na pala, nagugutom na din ako.

"Ah Ate u-uwi nalang ak--"

"NO!" Sigaw bigla ni Spruce, pati yung spoon na hawak nya nahulog na.

Nabigla naman ako sa inakto nya. Tapos si Spruce naman napasabi nalang sya ng 'sht' tapos ginulo nya yung buhok nya.

"Kapag gusto ng umalis tsaka mo kakausapin at papansinin? Gags ka talaga Bro! Alright, ipaghanda mo muna kami ng Lunch tapos gogora na ako para ihatid kila Shin yung pinamili nya at ng sa ganon, masolo mo na sya Dude!" Sabi ni Ate Sally at dali daling umupo dun sa sofa sa sala at in-open nya yung malaking flat screen t.v, nagawa nya pang ipatong yung paa nyang nakaekis sa ibabaw ng glass table dun.

Ako naman nanigas na ata sa kinatatayuan ko. Nakaharap din sakin ngayon si Spruce pero nakatungo sya.

"Uy gusto mo ba t-tulungan na kita sa paghanda ng pagkain?" Pagayaya ko sakanya.

"Tss." Sabi nya tapos tumalikod na at kumuha ng mga pinggan.

Parang nasaktan naman ako dun at the same time napahiya na din. Ikaw ba naman mag alok ng tulong tapos ang isasagot nya lang 'Tss' ewan ko pero medyo nalungkot din ako dahil sa inaakto nya.

He's not the Spruce Swardson that I used to know, sa ngayon.

Nilapitan ko sya at tinulungang kumuha ng mga spoons eh saktong kumuha din sya ng forks which is magkatabi lang kaya nagkadikit yung mga kamay namin.

BACK OFF SHE'S MINE!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora