CHAPTER TWELVE: One Versus Six

12.6K 357 15
                                    

CHAPTER TWELVE: One Versus Six

Naglakad na kami papunta dun sa table. Umupo ako sa tabi ni Flame at Spruce na saktong katapat lang ng kila Seraige.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Seraige kaya napatingin din ako.

Tofu! Bakit ganun sya makatingin sakin? Parang kakainin naman nya ako ng buhay eh! Ibinaling ko nalang yung tingin ko dun sa mga spoon and fork na nasa table.

"Yah! Bakit nandito yang mga yan?" Sabi ni Harry tapos pinatunog nya yung mga daliri nya.

Ramdam ko ang malakas na tensyon sa dalawang grupo grabe! Pinagpapawisan na nga ako ng malamig eh.

"Pinagpapawisan ka MM ah. Teka punasan ko."

Shocks! Pinusan ni Sprikitek yung noo ko ng sariling hanky nya. Ewan ko ba kung kikiligin ako o ano. Pano ba naman kase kitang kita ko sa peripheral vision ko na mas lalong kumunot yung noo ni Seraige at napa close fist pa talaga sya.

"May I take your order?" Sabi nung waiter na nakatuxedo.

Nag order na silang anim pero ako nakatungo lang at hindi ko alam kung anong pagtutuunan ng pansin.

Ano ba naman kase yan Seraige eh! Naiilang na ako sa mga titig mo!

"Shin are you okey?"

"H-huh?" Inangat ko na ang ulo ko at nakita kong sakin pala lahat sila nakatingin.

"A-ano? Bakit?" Tanong ko sakanila na medyo kinakabahan.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil sobrang naa-awkward ako sa atmosphere and add the fact na ako lang ang girl dito a grupo nila, Hindi naman ako ganun kaclose sa mga classmates kong lalaki eh and I never had a bestfriend which is a boy, ngayon lang, si Spruce.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong naman ni Flame.

Nakatingin parin sila sakin na parang tinatanong kung ano ba talaga ang problema ko at kung ayos lang ba talaga ako.

Siguro kung nasa normal na sitwasyon ako baka nabatukan ko na sila isa isa dahil tinititigan nila ako pero dahil ganito, mananatili nalang akong tahimik.

"K-kahit ano nalang." I said. Tapos sila nadin ang nag order sakin.

After dumating nung food nagsimula na silang kumain at mag kwentuhan, kukuhanin ko na sana yung kutsara ko ng biglang may pumatong na kamay sa kamay ko, kay Spruce pala.

"B-bakit?" Tanong ko sabay tingin sakin, nagtama ang mga mata namin.

"Naiirita ako dito, labas muna tayo tiboom." Sabi nya ng nakatingin sa mga mata ko.

Okey. He called me 'Tiboom', ewan ko pero parang naramdaman kong tumalon ng bigla yung puso ko na hindi ko malaman kung bakit, siguro dahil namiss ko yung tawagan namin na yun.

"S-sige." Pumayag nalang din ako kase sa totoo lang sobrang nasasakal na ako sa tensyon ng dalawang grupo, alam ko at ramdam kong sa likod ng mga smiles ng mga yan ay galit na galit sila (grupo nila Seraige and Spruce) sa isa't isa.

The question is, Bakit? Bakit sila galit sa isa't isa?

"Ah mga bro labas muna kami ni Bestfriend." Paalam ni Spruce kila Flame, tumango naman sila at nagcontinue na sa mga businesses nila.

Before kaming makalabas ng glass door ng Restaurant, nahagip ng mata ko si Seraige matiim nya kaming pinagmamasdan ni Spruce. And to my shock, magkaholding hands pala kaming dalawa.

Nakarating kami sa labas ng The Goddess at napunta kami sa likod nito. May mga ilaw din naman at mga bench kaya dun kami umupo.

"A-arraaay." At ako naman si tanga na biglang napuwing tsk.

Kinusot kusot ko yung mata ko ng hawakan ni Pogay (I swear, I miss calling him like that, I just don't know the reason why) yung kamay ko at pinigilan ito.

"No, baka mainfection pa yan ako pa may kasalanan! Hahaha! Lika hipan ko nalang."

So yun hindi nalang ako umangal at unti unti palapit yung mukha nya sakin But to my surprise,










Seraige punched him hard.

"SPRIKITEK!" I don't know kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko sa kabila ng mga nangyare, maybe nasanay lang ako. At pansin nyo? I never called Spruce by his name.

Linapitan ko kaagad si Spruce na napaupo sa sahig.

"O-okay ka lang ba?" Alam kong ang lame ng tanong ko. Sino ba naman kaseng magiging okay kapag nasuntok ka ng pagkalakas lakas.

"BLLSHIT!" Sigaw ni Seraige kaya napatingin ako sa gawi nya at nakita kong kasama nya na yung mga kasama nya kanina tapos dumating nadin sila Flame na agad namang lumapit sa amin.

Nabigla ako ng biglang napatayo si Spruce kaya napatayo nadin ako.

"Ano nanaman ba to Manvard?!" Sigaw ni Fifth.

"Stop messing with me and my girl."

Is he referring to me?

Hindi naman sa naga-assume ako pero ako lang kase yung babae dito eh?

"Step aside Shin." Sabi naman sakin ni Zack.

"W-what? A-ano bang nangyayare?!" Nagtatakang tanong ko. Naguguluhan na talaga ako sa mga inaasal ng mga lalaking to!

Tumango si Harry kay Wade, tapos hinila na ako ni Wade. Pero bago yun nakita kong tumingin muna sakin si Spruce at Seraige ng sabay, what's wrong with them?!

Medyo further na yung pinagstayan ko kung saan hinila ako ni Wade, pero kitang kita ko parin sila, na parang sinusukat ang tingin sa bawat isa.

"Close your eyes Shin kung hindi mo na kayang manuod but if you can, watch the deadly live show. Hahaha! Sige stayput ka lang dyan ah? Baka magalit sakin si Bading na Spruce kapag napahamak ka! Ge!" Sabi nya tapos tumakbo na sya.

Nandito ako ngayon sa likod ng puno, ewan ko kung bakit ako kinakabahan. Parang nanunuod lang ako ng Korean novela tapos bigla nalang mangyayari sakin? What a life!

May mga sinabi sila sa isa't isa pero Hindi ko yun marinig dahil sa distansya ko sa kanila. Kaya medyo lumapit pa ako at narinig kong sabi ni Seraige na...

"This is my game. Care for One Versus Six?"

What the?! Ano bang problema nito ni Seraige at nagyabang pa?!

Bago pa bumalik ang senses ko nagsimula na silang magpalitan ng suntok at kagaya nga ng sinabi ni Seraige, Sya lang ang lumalaban.

Rinig na rinig at kitang kita ko ang bawat suntok na pinapakawala nila sa isa't isa. Parang yung mga sound effects na naririnig kong nagsusuntukan.

Napasandal nalang ako sa puno at napatakip ang kamay ko sa aking mukha.

Alam kong may rason kung bakit pumayag si Spruce kay Seraige ng One Versus Six, imposibleng wala! Baka may kung anong sinabi si Seraige na agad namang kinagalitan ni Spruce.

Kilalang kilala ko na si Spruce. Sa maigsing panahon na yun.

Ano bang pinaplano nila?!

NO!

SINO BA TALAGA SILA?!

At ano ba itong nararamdaman ko?

Eto nanaman.

I feel like burning in the middle of fire. I feel like there's something inside me wants to let out.

BACK OFF SHE'S MINE!Where stories live. Discover now