CHAPTER FIFTEEN: A piece of Cake

11.9K 318 9
                                    

CHAPTER FIFTEEN: A piece of Cake

"Well, I am A Tough Guy."

Wala na, natuluyan na akong nabaliw dahil sa sinabi nya. After nun, hinatid na nya ako sa bahay namin. Sabi pa nga nya gusto nya pa daw sana makita yung mga kapatid ko kaso tulog na sila.

"Haaaay." Humiga ako agad agad sa kama ko.

Buti nga at tulog na sila Mama nung dumating ako kundi baka dinagsa nanaman kami ni Seraige ng mga tanong.

Nag iwan pa nga si Mama ng note sa ref na bakit daw late na ako nakauwi, dahil dyan ako daw ang mamimili sa supermarket sa saturday. Tsk.

San ko naman kaya ilalagay tong mga iba't ibang uri ng sapatos, blouses, dresses, shorts, pants at marami pang iba?

Baka dun nalang sa cabinet ko sa gilid, wala na kaseng ibang space eh.

Muli kong kinalikot ang mga pinamili namin. Sobra talagang dami nito, Ano kayang pwede kong gawin para pampalit manlang sa lahat ng naibigay nya sakin?

Ano kaya kung Chocolate Cake? Strawberry Cake? Black Forest? Carrot Cake? Hmm...bahala na siguro kung ano yung nasa kusina.

Yes, Tama. Marunong po akong magbake, nung bata kase ako nangalikot lang ako ng kung ano ano sa kitchen namin tapos BOOM! Nakapagbake na ako ng Chocolate Cake. Yun nga lang pinagalitan ako ni Mama kase daw parang minassacre ang kusina! Wahahahahaha!

Pagkababa ko sa kitchen binuksan ko na yung ilaw, sinuot ko yung apron at nagsimula ng mangalikot ng mga kailangan kong baking tools.

Bowl √

Wire Whisk √

Spoon √

Paring Knife √

Cooking Pan √

Oven √

Cinnamon √

Sugar √

Etc. √

Nung nakompleto ko na ang dapat gamitin pati narin ang kakaibang ingredients ay binuksan ko na yung ref, Labanos at Melon lang ang nandito so Melon & Labanos Cake nalang ang gagawin ko.

Sinimulan ko na ang pag pepeal ng melon at radish, paghihiwa nito, pagmimixed ng mga ingredients hinalo sa bowl gamit ang wire whisk. Tapos nilagay ko na sya dun sa lalagyan na circle ang shape. Then nilagay ko na sa oven.

Pinihit ko na yung oven at iintayin nalang nating maluto.

Habang nagiintay ako naisipan kong tawagan si Spruce.

Calling Sprikitek…

The subscriber cannot be reach. Please try your call later. The subscriber cannot be reach. Please try your call later.

Paulit ulit na sinasabi nung babae.

Ano na ba nangyayari sa mokong na yun? Bakit di ko sya mareach? Nag around the world na ba ang peg nya? Hindi parin kase sya pumapasok eh.

Naamoy ko na ang mabangong amoy ng cake senyales na naluto na. Nilagyan ko ng icing sa gilid bale kulay orange yung cake tapos white yung icing, medium size yung ginawa kong cake. Nilagay ko na sya sa isang round black box na may silver design tapos nilagyan ko ng pink ribbon.

Bukas ko nalang siguro ibibigay sakanya to, Waaaah! First time kong magbibigay ng regalo sa isang lalaki! Syempre except ang mga kapatid ko.

Nilagay ko muna sa ref at nagwish na sana ay hindi ito kainin ng matakaw na si Xiu-Xiu.

BACK OFF SHE'S MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon