CHAPTER FOUR: The President

21.8K 601 17
                                    

CHAPTER FOUR: The President

 

DAY NINE 5:40 AM

Yung kiss. Yung BOSS thingy.

Yan ang tumatakbo sa isip ko. Haay! Nakapikit nga ako at nakahiga ngayon sa kama ko, eh yung diwa ko naman buhay na buhay!

"ATE GUMITHING KA NA!!!" Si Xiu-xiu (read as shu-shu)  ang alarm clock ko tuwing umaga paano?

"ATEEEE!!!"

Dinadaganan ba naman ako! Tapos sinisigawan pa! Eh chubby pa naman sya, tapos ang tinis tinis ng boses! kaya ang ending... palaging ang sakit ng katawan ko pati nadin ng tenga ko!

"Xiu namaaaan! Ingay ingay."

"Tsk. Bala ka ate! Thi Channie nalang papauntahin ko dito lelelele."

HUH? Si Ch-channie?





Hinila ko yung kwelyo ng uniform ni Xiu, sa Royal Kindergarten din sila nagaaral. Cute cute nga eh. May coat din kase yung uniform  nila.

"Hayaan mo na si Channie...eto na nga oh babangon na ko!"

"Eh. tatawagin ko na nga thi Cha--" Hinila ko ulit yung kwelyo nya.

"Aish! Gising na nga ako eh!"

"HEHEHE!" Tawa pa. Takot ko lang pag yung Channing na yun ang gumising sakin. Baka magmukha nanaman akong bakla pagkagising.

"LABAAS NA NGAAAA XIU! CHUPI CHUPI!" Sabi ko habang tinutulak tulak sya palabas ng kwarto ko.

"HEHEHE!" Sinarado ko na yung pinto.

May kumatok.

"SUNDAE! Ano nanaman ba?!" Si Xiu pala yung kumatok. Imaginin nyo, may maliit na batang matabang nakasilip sa pinto.

Naiisip mo na? Ang cute noh?

Sarap lang tadyakan!

"Thathabay pala kami nila kotha (kosa) thayo tha pagpathok tha ithcool ah!"

"Opo na. Opo na. ALITH-- este ALIS ALIS!!" Nakakabulol kumausap ng bulol.

Umalis na sya sa wakas, tumalikod na ko ng may kumatok nanaman!

Binuksan ko ang pinto at iniluwa nito ang batang mataba.

"AH! Thi ate bulol!" Kahiyaaa. Di kase sya bulol eh noh?!

"XIUUUUU!" ABA! Tumakbo sya agad. Natalbog talbog pa eh.

6:20 AM

Tapos na kong maligo at mag bihis. Kaya bumaba na ko para magbreakfast.

Nung malapit nako sa dulo ng hagdan...

"HAHAHAHA!"

"HEHEHEHE!"

"HIHIHIHI!"

"HOHOHOHO!"



"HUHUHUHU!"

Mga batang to! Pinuno ng tennis ball yung hagdanan. Ang sakit ng balakang ko!

"Mga kutong lupa...." Sabi ko ng mahina pero may pagbabanta.




Unti unti ko silang nilapitan.

"Breakfast is ready!" EPIC FAILED.

Yun, nagsitakbuhan na sila. Nakuuu. Mauubusan nanaman ako ng almusal nito!

Tumakbo na rin ako sa dining area at as usual... ubos na yung bacon, pancake, wheat bread pati waffle. Sila na matakaw. Pati yung Cococrunch dipa pinatakas



May kumalabit sakin pagtingin ko sa ibaba, si Dee Oh pala. May hawak hawak syang isang bacon..

"Para sakin ba yan Dee? How swee--"

 

 

"Nom.Nom.Nom Bleeh!"

Kala ko sakin... sakanya din pala.

"HAHAHAHA!"

"HEHEHEHE!"

"HIHIHIHI!"

"HOHOHOHO!"

Narinig ko nanaman ang tawa ng mga kutong lupa.

6:30 AM

Naihatid ko na yung mga Alien sa spaceship... I mean sa classroom nila. Haay! May School Service naman kase sakin pa sumabay.

Sakit tuloy ng balikat ko, kase nagjeep nalang kami. Eh hindi naman nila abot yun kaya isa isa ko silang isinakay, buti nga tinulungan ako ng ibang pasahero eh. Same as pagbaba. Akala pa nga nung iba anak ko yang mga yan eh. Mukha ba akong gurang?

"Wheat bread, sakit ng balikat ko." Sabi ko habang iniikot ikot yung balikat ko, hanggang sa naenjoy ko ang pagpapaikot ikot nito at napalakas.

"Ouch!"


"So-sorry..." Waaah! Di ko naman kase sinasadya eh!

Hindi ko makita yung mukha nung lalaki na nadali ko. Nakatungo kase sya eh tapos kinukusot nya yung mata na nadali ko.

"Ah...ano...ma-masakit ba? G-gusto mo samahan kita sa clinic?" Inangat nya na yung ulo nya at....

HELL NO!

"No i'm okay. I'm Shone the Student Government President. I need to go baka malate na ko eh Hehe. See you soon." Nung naka alis na sya.

"AH!" Napasigaw ako ng mahina. OMG. This can't be.

Ang gwapo nya!

"MM!" Bumalik ako sa realidad ng may tumawag sakin, si Bestfriend pala.

At may kasama syang babae.

Bakit ganun? Parang sumikip yung dibdib ko?

"Oh ikaw pala, bakit?"

"May papakilala lang ako sayo... she's Sally, my--."

"Hi! Im Sally, his girlfriend." Sabi nung Sally t-teka.

"G-girlfr-friend?"


Bakit ako naiiyak? Wala naman akong gusto sakanya ah?


"JOKE! HAHAHA! Natulaley ka na dyan! Pinsan lang nya ko! HAHAHA! Tsaka 2 years tanda ko dyan girl! Sige na, una na ko! Bata! Alagaan mo si girl ha!" Sabi ni Sally ata yun, sabay tulak kay Spruce sakin.

Magkalapit na tuloy mukha namin.

"Oo na! Umalis ka na tanda..." Sabi ni Spruce habang nakatingin parin sa mga mata ko, magkalapit na magkalapit parin mga mukha namin.

PAK!

"Aray!" Binatukan ko nga.

"Masyado ka ng nabibighani sa kagandahan ko." Sabi with seducing voice at nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

"Nay? Baka ikaw ang nabibighani sa kagwapuhan ko balita ko CRUSH mo daw ako eh."

PAK!

"KAPAL!"

"HAHAHAHA! Ang pikunin mo talaga! Lika na nga! May magaganap na introduce introduce mamaya sa classroom, malamang matutuwa ka mga classmates natin sa First Class. HAHAHAHA!" Sabi ni Spruce habang naglalakad kami papunta sa building namin habang nakaakbay pa sakin.

BACK OFF SHE'S MINE!Where stories live. Discover now