CHAPTER SIXTEEN: Epic Failed

11.7K 310 14
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Epic Failed

Kakagising ko lang from my wonderful nightmare.

Nanaginip kase ako na nakasakay daw ako sa isang kotse tapos nakalock daw lahat ng pinto nito. Tapos bigla nalang sumabog. Ay ewan!

It's only a dream anyway.

Saturday na pala, at kagaya nga ng inutos ni Mama ako ang mamimili sa supermarket.

Nakakatamad! Lakad dun, lakad dito. Kuha nun kuha nito. Diba? Iniisip ko palang napapagod na ko! HAHAHAHA.

"Good Morning!" Bati ko pagkababa ko palang ng hagdan.

"Good Morning din Shin Hihihi. Ay yung mga list ng bibilhin mo pati yung pera nilagay ko sa ibabaw ng ref. Kunin mo nalang dun. Tapos dun ka na din kumain sa Mall, inubos na kase nung mga bata yung almusal natin eh. Hehehe." Sabi ni Mama at pinagpatuloy na ang paglilinis.

"Hay nako Ma! Sanay na po ako."

Sanayan na nga lang yun. Palagi naman akong hindi natitirahan ng pagkain dito sa bahay.

Pumunta na ako sa kusina at naabutan ko si Xiu-Xiu na naghahalungkat sa ref. Yung ulo nga nya nasa loob na ng ref, lokong bata.

"Hoy kutong lups! Anong hinahanap mo dyan aber?" Sabi ko ng nakapamewang pa.

"WAHUHUHUHU!" Luuh? Bat bigla namang umiyak to?

"Hoy Xiu! Tinatanong lang kita! Bat bigla ka namang umiyak?" Sabi ko at nilapitan na sya.

"WAHUHUHUHU! Eh kathi yethtelday melon pa kong nakitang cake dito, eh bat ngayon wala na! WAHUHUHUHU!"

Yan ang hirap kay Xiu eh. Sinabi ko na ngang hindi para sakanila yun, kinalimutan nanaman. Masyadong matakaw tong isang to kung alam nyo lang!

"Hay nako! Lika nga dito." Sabi ko sabay kalong sakanya. Kahit masama akong Ate, mabait parin naman pag ganto na inaakto ng kapatid ko.

"Mamimili ako sa Mall, anong gusto mong pasalubong?"

Nagningning naman ang mata nya dahil sa tanong ko.

"Talaga? Yippee! Gutho ko ng Doughnut! Damihan mo nalang po pala may kainin din thila Baekcon, Channie and Dee Oh. HEHEHEHE!"

"OKAY!" Sabi ko sabay yakap sa mataba at malambot na si Xiu. Kyeopta.

Tapos binaba ko na sya, ang taba talaga! Namumula pa ang cheeks! Kyot Kyot!

Tumakbo na sya kung saan at ako naman kinuha ko na yung listahan tapos yung pera. Nilagay ko yung mga yun sa daladala kong sling bag na vintage color.

Ganito ayos ko, Naka ponytail ako tapos naka Off Shoulder na mixed ang color—baby pink & light blue— then Short Pants na tama lang ang iksi at naka white rubbershoes.

Walang kahit na anong accessories, mahirap na baka maholdap pa ako eh sakto lang naman ang pera ko! Sapat na para mabili ko lahat ng pinabibili ni Mama at sapat na para makauwi ako, may sobra lang palang bente pesos. HAHAHA.

"Mama alis na ko!"

Naglakad na ako papunta sa terminal ng jeep. Otso pesos lang kase pag jeep, ang tricycle naman solo mo nga eh sampung piso naman! O diba? Sayang ang dalawang piso.

Nakarating na ako sa S.M. Mamimili muna ako bago kumain, mas maganda yun para ebrebadihapi!

Kase diba? Sayang ang kinain ko kung maglalakad lang din ako, tunaw agad yun.

Kumuha na ako ng hindi gaano kalaking cart. Buti nga hindi ganun karami yung pinabibili ng baliw kong nanay eh!

Dati kase nagkulang ng piso yung perang pinadala nya sakin eh nahihiya naman akong ibalik yung iba sa mga pinamili ko tsaka na record na yun nung cashier kaya ang ginawa ko, nangutang ako ng piso dun sa cashier! NAKAKAHIYA TALAGA! Kaya never na akong pumila dun sa cashier na yun!

Narealize ko din kung gaano kahalaga ang lintik na piso.

Una ko munang binili yung mga can goods, fruits, vegetables. Next yung mga biscuits, snacks, drinks. Last yung mga soap, Detergents.

Dumeretcho na ako sa cashier at Thank God! Saktong sakto lang! Gumagaling na ang nanay ko sa pagtatantsa ah!

Nagulantang naman ang buong pagkatao ko nung ang pinaglalagyan pala ng mga pinamili ko ay paper bag na walang hawakan.

Seriously? Apat na malalaking paper bag pano ko yun dadalhin? Yung dalawa hawak hawak ko tapos yung isa kagat kagat ko kaso hindi rin pwede kase pag nabasa yun ng laway ko edi mapupunit.

Pano na to?!

"Ah, Miss wala ba kayong plastic bag dyan? Kahit isa lang?"

"Sorry Ma'am pero wala po eh. Ipinagbabawal na po kase ang plastic sa Pinas. Hindi nyo ho ba alam yun?"

Nyek? Siniraan pa ako ha! Pansin ko lang, bat ang bibitter palagi sakin ng mga tao sa kahit na anong mall? Nakakaloka!

"Watch your word Miss, hindi mo ata alam na nagaaral ako sa Royal Academy."

Minsan ko lang mabanggit ito kaya banggitin ko na din. Lahat kase ng tao nirerespeto ang mga Royalties. Kase nga mataas ang pinagaralan ng mga ito at galing sa mayayamang pamilya.

Kaya kung ayaw mong malugi o mabangcrupt ang negosyo mo o kung ayaw mong matanggal sa trabaho eh Wag mong kalabanin ang Royalties.

"Weh?"

Aba't sinusubukan ako nito ah!

"Gusto mo bang mawalan ng trabaho? Hah? Miss? I can call the owner of this Mall anytime, You know...connectionssss." Talagang hinabaan ko pa yung 'S'. Wahahahaha.

Hindi ko naman kaya gawin ang sinasabi ko, hanggang salita lang ako nuh! Patay konsensya ko nyan pag nangyare! Tsaka Average Royalty lang naman ako. Di tulad nila Seraige, Spruce, Casey at Patty na galing talaga sa isang High Class Family, kumbaga sila ang High Royalty.

"Ma'am naman, parang binibiro lang Hehehe. Wala po kase talaga kaming plastic bag. Alam po NATING DALAWA na bawal ang plastic sa pinas kaya ganun. Pwede nyo naman pong ilagay yan sa cart muna." Sabi ng nagbabait baitang cashier girl.

"Alam ko." Sabi ko in mataray tone. HAHAHA. Ang sarap mang asar!

"Ay Ma'am! Alam po NATING DALAWA na pwede po yang ilagay sa cart para po hindi na kayo mahirapan. Hehehehe."

"Psssh."

At dun na nag fly away ang acting ko. WAHAHAHAHA! Laughtrip si Ate Cashier Girl! Takot na takot kala mo namang kaya kong gawin yun noh!

Yun na nga dahil sa nagaalburuto na ang magagandang anaconda sa tyan ko naisipan kong kumain muna sa Country Light. Brownies lang bibilhin ko dun, allergic ako sa kape eh, connect?

Habang pinupush ko yung cart, bigla nalang may lumitaw na magandang babae sa harapan ko.

"Hi! Natatandaan mo pa ba ko?"

"H-huh?"

Familiar nga sya pero hindi ko matandaan kung san ko sya nakita.

"Nako naman girl nalimutan mo na agad ako? I'm Sally Swardson ring a bell?"

SALLY SWARDSON? Kaapelyido ni Spruce?

"Ah! Ikaw yung pinsan ni Sprikitek! Na akala ko g-girlfriend nya."

Tama! Sya nga yung nasa Chapter Seven!

"Sprikitek? Anyway, HAHAHA. Ako nga yun! So yayain sana kita for breakfast, gutom na ako eh! Tapos after nun may pupuntahan tayo."

Aangal pa sana ako, pero bigla nalang nya ako hinila. Magpinsan nga sila.

BACK OFF SHE'S MINE!Where stories live. Discover now