CHAPTER FOURTEEN: Tough Guy

12.2K 396 32
                                    

CHAPTER FOURTEEN: Tough Guy

"Dream, you are part of me. I'm hurting when you are hurting, I'm happy when you are happy. You are already my other half without you knowing."

"Dream, you are part of me. I'm hurting when you are hurting, I'm happy when you are happy. You are already my other half without you knowing."

"Dream, you are part of me. I'm hurting when you are hurting, I'm happy when you are happy. You are already my other half without you knowing."

Parang sirang plaka yan na paulit ulit sa utak ko.

Kyaaaaaaah!!! I swear! Kinilig talaga ako dun!

Pumasok na pala kaming dalawa sa iba pang shop. Super classy nga ng dress shop na ito.

Nung tumingin tingin na ako kung saan ko uunahing mamili ng damit, sinusundan na ako ni Seraige, baka daw kase may mangaway nanaman daw sakin.

May nakita akong Blue floral dress na maikli yung manggas nya. Ang ganda.

Tinignan ko ang presyo...

₱349,987.50

Grabe! Sobrang mahal para sa isang dress! Trumiple pa ang presyo. Pansin ko lang, ang hilig nila mag lagay ng centavo sa mga presyo huh, ikayayaman ba nila yung kakapiranggot na bantsingko.

"You want that?" Nagulat naman ako ng bigla akong tanungin ni Seraige.

"H-hah? H-hindi! Hindi talaga! Uhmm Seraige? S-sobrang mamahal naman ng presyo ng mga damit dito, wala bang tig iisang daan?" Sabi ko na halos pabulong na.

Ginamit ko pa yung right hand ko na parang nagbubulong ako, yung left hand ko kase hawak hawak parin yung ginintuang bistida.

"Pfft. Are you kidding me? Hahaha! That dress only cost 300 thousand pesos, that price is too cheap for me Dream."

BURGER!

Edi sya na mayaman!

"Ang yabang mo naman."

Minsan talaga hindi ko matikom tikom tong mahadera kong bibig! Nako baka magalit sakin to!

"Of course not! I'm just stating the truth. Anyway, I want you to sit there and I'll choose many dress and shoes that suits you."

"O-okey."

Tignan mo to! Napaokey pa tuloy ako! Grabe lang! MANY Dress daw! Alam kong mayaman sya pero grabe ang presyo! Parang kakapirasong tela lang ang nagamit nasa kalahating milyon na!

At CHEAP pa daw ang 300 thousand pesos. Eh ano pa kaya ang isang milyon sakanya? Baribariya lang?

WOW.

Umupo nalang ako sa lugar kung saan sinabi nyang umupo ako. Few minutes later.

"What the?! Seriously Seraige? Ipapasuot mo sakin lahat lahat lahat lahat ng mga yan?! Are you out of your mind?!"

Okey nanguna nanaman ang mahadera kong bunganga. Sana hindi talaga sya magalit sakin.

Eh kase naman! sampung bundok ng mga damit ang nasa harapan ko ngayon. Sino bang hindi magugulat dun?!

Nagulat ako ng lumapit sya sakin

akala ko babarilin or susuntukin nya ko pero ang loko, ngumiti pa sakin!

"Hahahaha! I told you, I'm going to buy MANY Dress. But I think I only bought few."

FEW? FEW PA YAN SA LAGAY NA YAN?!

BACK OFF SHE'S MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon