1

1.5K 23 0
                                    

A typical day for a fresh student like me. I'm still on the process na nandito na ako sa Maynila at wala na sa Batangas, my parents decided na dito ako pag aralin since I'm gonna take up a Med Course kaya kailangan ng magandang school. I'm a only child kaya lahat ng luho ko ay binibigay agad sakin, may condo at kotse ako agad dito sa Maynila. But living alone was both disaster and somehow a blessing.

I woke up through my alarm. It's already 5:30 in the morning and my first class starts at 7. I'm a night person so definitely waking up this early is not my style. Kumain muna ako ng donut at uminom ng kape tsaka dumiretso ng C.R para magbihis. My outfit was always a lazy one, I have my La Sallian shirt paired with my ripped jeans and my white converse. I put on light make up to match my outfit, ayoko naman ding makaagaw ng atensyon dahil hindi pa ako sanay sa mga tao dito sa Maynila. And knowing the people in DLSU.
Nag ring ang phone ko at sinagot ang tawag ni Kuya Andrei,

Good morning!! Where kana?

I'm on my way na Kuya. Palabas na ng elevator. You?

Nandito na ako. Kakatapos lang ng training. I'll wait for you, text me pag nasa gate kana.

Okay okay.

Take care.

Nag ayos na ako ng bag ko tsaka isinuot ang I.D ko. Marunong akong mag drive nung nasa Batangas palang ako. After all na pag gasgas ng Ford ni Daddy ay natuto rin ako. Inabot ako ng 15 minutes dahil nag drive thru pa ako para bumili ng Iced Coffee, I'm craving again for Coffee. Jusko.

Pagkapark ko ay natanaw ko na agad si Kuya Andrei na may dalawang kasama. Dalawang chinito at yung isa may braces, I've seen them sa mga posts ni Kuya Drei sa IG pero hindi ko matandaan ang mga pangalan nila,

"Patricia!" Sinalubong ko ng yakap si Kuya Drei, "Kelan ka pa nandito?" pagtatanong ni Kuya Drei sakin pero hindi ko na nasagot dahil nakatingin lang ako sa dalawa niyang kasama. "They look familiar. Sa IG posts mo." wala sa sariling banggit ko kaya natawa silang tatlo.

"Aljun & Kib." pag sabi ni Drei tsaka nakipag kamay ang dalawa sa akin. "Patricia. Nice to meet you, kuya's!" ngumiti ang dalawa sakin tsaka kami sabay sabay na nagpunta na sa loob. Naghiwalay na kami dahil iba ang klase ko sa kanila. Isang taon ang tanda ko kay Aljun, Dalawa naman kay Kib at Kuya Andrei.

"I'm Patricia Eunice Caracut. 18 years old." pag papakilala ko at nagtaka ang Prof namin dahil sa surname ko, "Any relation kay Joshua Andrei Caracut?"

"Pinsan ko po siya." sagot ko at naupo na sa upuan ko. Naging maganda ang first day ko. May mga nakilala din ako at naging close ko, "Pat! May try-outs ata ang Tankers. You want to join?" pang aaya sakin ni Roch na isa sa mga naging ka close ko agad dahil parehas kaming Swimmer. "Sabihan mo 'ko, sige. Uy guys, una nako ha? Thank you sa inyo, bukas ulit! Bye!" kumaway ako kila Roch at pumunta ng Razon's, madali ko itong nahanap dahil naituro ito ni Kuya Drei kanina. Rinig na rinig ko na agad ang mga sapatos at bola na nandidito sa court,

"BRO!! PASS!!"

"HOY RAMIL! YUNG SHORTS KO NAMAN!!"

"HOY ARCHERS ANO BA!!"

"SHORTS KO? GUYS NAMAN!"

Ang weird ng mga 'to. Naririnig ko ang boses ni Kuya Andrei na natatawa kaya napailing nalang ako. Etong Caracut na 'to kahit kelan,

"Pat! Hoy! Bigay niyo na nga shorts ni Baltazar!!" gulat niyang saad tsaka tinakpan ang mga mata ko, "Kuya Drei!! Ang pawis mo!!" Jusko sino ba naman ang gusto na madikit sa pawis neto eh sobrang init na nga! "Kuya Drei, isa!!" hindi nya parin inaalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mata ko at mukhang hinihintay na mag shorts yung Baltazar na yon, "Bilis bro!!" natatawang saad niya. Maya maya lang tinanggal na ni Kuya Drei ang mga kamay nya sa mata ko tsaka binato ako ng towel niya. "What are you doing here?" nagtataka niyang saad at lahat ng team mates nya ay nakatingin sakin. "Bro, may kambal ba si Vince?" rinig kong saad nung lalaking matangkad na naka braces din. Natawa nalang ako dahil nga marami na ring nakakapansin noon pa na babaeng version ako ni Vince Caracut.

"Kuya, I texted you." seryosong saad ko at tinuro ang phone niya, "Ano? Tapos na ba training niyo? Samahan mo na 'ko." pangungulit ko kay Kuya Drei tsaka siya tumango. Hinintay ko siya dahil maliligo pala siya. Sakto ang dating ko dahil tapos na din pala sila, pinag tr-triphan lang yung isa nilang team mate na naunang naligo kanina.

"Uy, Hi!" bati ni Aljun sa akin kaya ngumiti ako, "Guys! Si Pat pala," pag papakilala naman ni Kib sakin at isa isa silang nagsilapitan, "Hi, Prince Rivero & Ricci Rivero." ngumiti ang dalawang Rivero sa akin kaya ngumiti ako pabalik. "Yung napagtriphan kanina, ayun si Baltazar yon." natatawang saad ni Kib sa akin.

"Tapos eto, Mark Alcala. Gabe Capacio, Ramil Tero, Ben Mbala, Abu Tratter at si Brent Paraiso," isa isa silang nag silapitan sa akin para makipag shake hands. "Nice meeting you all," Napagalaman kong may iba pa akong hindi nakilala sa kanila at mukhang makakaclose ko naman 'tong mga 'to dahil I grow up with boys. Yeah, I have cousins sa side ni Mommy na halos puro mga lalaki. While on the Caracut side, I only have Ate Yna, Vince, Ylac and Kuya Drei na mga naging kaclose ko.

Saglit kaming nagpunta ni Kuya Drei sa Glorietta dahil may gusto akong bilhin na sapatos, si Kuya Drei ang nag d-drive ngayon habang ako ay nagp-phone lang.

"They followed me on IG at Twitter. Mga stalker 'tong team mates mo." natatawa kong saad habang finofollow back isa isa sila Aljun. "Ay weh? Baka nakita ka nila sa mga posts ko before. Remember nung nag Palawan tayo," Habang papalapit kami sa parking lot ay inistalk ko sila isa-isa. Aljun is their ROY way back while Ricci is the Famous Sophomore slash Archer among them. Bunso rin siya ng Archers at halos magkaedad lang kami. While si Brent, teka.. two days lang ang tanda ko sa kaniya!? Woah.

Nagpunta kami ni Kuya Drei sa isang Vans store dito sa Glorietta dahil dito lang meron nung style na gusto ko. Pagkatapos namin iyon bilhin ay nilibre ko si Kuya Drei sa Peri peri to eat early dinner na rin at pa thank you sa pag sama sa 'kin,

"Vince has a girl friend na ba, Kuya?" tumango siya at tsaka natawa, "Naunahan pa nga ako 'non!" Oh Well, mabilis ka sa court Kuya Drei pero ang bagal mo sa girls hay. "Eh? What about that Number 15 in the Lady Spikers?" asar ko sa kaniya agad siyang namula tsaka binato ako ng tissue, "What? I've seen your ganaps nung game nila! Cheesy ha!" sinamaan ako ng tingin ni Kuya Drei at nag ayang umuwi na.

Pagkarating ko ng condo ko ay nakatanggap ako ng message mula kay Roch,

Hey chabs. Try-outs on Monday ;) See you!

This is it. Hi tankers, I'm your new lucky charm.


-----end of chapter 1

LaroWhere stories live. Discover now