SPECIAL CHAPTER #2

7.4K 106 5
                                    

Special Chapter #2: Parents

[Katherine Chelsea Aguilar-Andrade]

Ilang araw na ang nakalipas nong nanganak ako sa kambal namin. Grabe ang hirap ko sa panganganak. Hindi ko akalain na sobrang sakit talaga. Pasalamat talaga ako dahil nasa tabi ko lang si Skyler sa panahon na 'yon. Kung hindi, naku. Bugbog sarado sa'kin si Skyler.

"Uwaaa! Uwaaa!" napangiti ako at lumapit sa kambal ko na nasa crib. Sabay pa talaga silang umiyak. Pero itong si Kaisler ang pinakamalakas kung umiyak.

Kaagad ko naman siyang kinarga at hinele-hele ko para mapatahan. Pero mukhang hindi effective kaya umupo ako sa kalapit na upuan at tinaas ang t-shirt ko para ma-breastfeed ko siya.

"Kaya pala umiiyak si Baby Kaisler dahil gutom pala siya. Napapansin ko na nagiging matakaw ka sa gatas ngayon ah? Parang dati lang ang suplado mo, pero ngayon ang bait-bait mong tignan." Tuwang pagkausap ko sa kanya.

Hindi niya man lang ako pinansin at patuloy lang sa pag-inom ng gatas.

Bigla kong naalala ang nangyari kay Skyler no'ng nanganganak na ako.

*Flashback*

"Hinding-hindi ka na makakaulit sa'kin, Skyler! Matigang ka ng mahabang panahon!" sigaw ko sa kanya habang namimilipit sa sakit. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko kaya kung anu-ano na ang mga sinasabi ko.

"Shhh, don't say that, baby. Just focus your attention on me, okay?" malambing niyang sabi sa'kin.

"Aarrgh!! Hindi pa ba ako manganganak doktora?! Ang sakit na po!" grabe lang ang sakit! Ganito pala kasakit ang manganak! Hinding-hindi na ako mag-aanak!

"Okay na po, misis! 'Pag sinabi ko pong ire, umire po kayo." Tumango ako at mas hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Skyler.

"Okay, ire!"

"Hmmmm!! Arrgh! Skyler puputulin ko 'yang kayamanan mo sa oras na matapos ako rito!"

"Push, baby! You can do it! Ganito lang gawin mo oh!" Tapos nakisabay siya sa pag-ire ko. Muntik na akong matawa dahil parang natatae ang itsura niya pero hindi ko ginawa.

"'Wag mo nga akong sabayan, Skyler at baka matamaan ka sa'kin!" Sabi ko.

"Ire pa, misis. I can see the head of the baby. Push pa, misis!" utos sa'kin ng doktora.

"Ahhhhh!"

"Fuck. You're almost there, baby! Malapit na." sabi sa'kin ni Skyler. Pfft. Mukha siyang natatae at namimilipit sa sakit dahil sa higpit ng kapit ko sa kamay niya.

Dahil malapit lang mukha niya sa'kin sinabunutan ko siya.

"Ouch! Bakit mo ko sinasabunutan! Aray!"

"Ang bastos kasi ng bibig mong Gurang ka! Talagang hindi ka makakaulit sa'kin!"

"Aray! It hurts, baby! Sorry na!"

*End of Flashback*

H

inding-hindi ko makakalimutan ang eksena na 'yon na nangyari sa'kin. Naging epic 'yon dahil kay Skyler. Trip ko siguro siya ng mga panahon na 'yon.


Matapos kong mapa-breastfeed si Kaisler ay si Keith naman ang binreastfeed ko. Tinitignan ko lang ang mukha niya, talagang kamukha ko siya at si Kaisler naman si Skyler ang kamukha. Sila ang carbon copy naming dalawa.

"How's being a mom?"

Lumingon ako sa pinto ng kwarto at nakitang nakatayo roon si Skyler, nakahalukipkip at tinititigan kami.

Nginitian ko siya at binalik ang atensyon kay Keith bago sumagot. "Masaya syempre. Minsan napapagod pero napapawi naman 'yon tuwing tinitignan ko ang kambal natin."

Naramdaman kong naglakad siya kaya sinulyapan ko siya. Kinuha niya si Kaisler sa crib at binuhat 'yon.

Naku, magigising na naman si Kaisler at magsusuplado. "Ibalik mo nga si Kaisler, Skyler at baka magising pa 'yan. Kakapatulog ko lang d'yan eh."

Hindi niya ako pinansin. Nakatayo lang siya sa may gilid ng crib at hinehele si Kaisler.

Nang matapos ko nang i-breastfeed si Keith ay binalik ko na siya sa kanyang crib. Humikab ako, grabe parang kulang ang tulog ko. Paano ba naman kasi lagi nagigising ang kambal sa gabi. Eto namang si Skyler minsan tulog mantika, hindi nagigising dahil sa iyak ng kambal kaya sinasapak ko minsan para magising. Hindi naman siya nagagalit kapag ginagawa ko 'yon. Takot niya lang sa'kin hahaha.

Aba, dapat lang na magising siya. Ako 'yong naghirap manganak tapos siya sitting pretty lang? Saan ang hustisya roon? Hahaha de joke lang.

"Uwaaaa! Uwaaaa!"

Nako, ayan na nga sinasabi ko eh.

"Hala, baby. Nagising si Kaisler! Anong gagawin ko!" Natatarantang sabi ni Skyler na hindi mapakali sa kinatatayuan niya.

Natatawang napailing na lang ako. Para naman hindi sanay 'tong gurang na 'to.

Kinuha ko si Kaisler kay Skyler na wala pa rin tigil sa pag-iyak.

"Sabi ko sayo 'wag mo na siyang kunin eh. Ayan tuloy nagising siya. Alam mo namang mahirap patulugin 'tong supladong batang 'to eh." Sermon ko sa kanya.

Ngumuso lang siya at umupo sa kama namin.

"Lagi na lang ganyan si Kaisler tuwing binubuhat ko siya. Buti pa si Keith mabait kapg binubuhat ko siya."

Nagtampo na ang baby damulag hahaha. Pinatulog ko muna si Kaisler, buti na lamang tumigil siya sa kakaiyak. Hindi ako nahirapan patulugin siya. Nilagay ko na si Kaisler sa tabi ng kambal niya bago lumapit kay Skyler na nakahiga na pala.

"Nagtampo ang gurang. Kanino ba nagmana si Kaisler?" Tanong ko sa kanya.

"Sa akin." Mahina niyang sabi. Nakaunan ang ulo niya sa braso niya tapos nakatingin siya sa kisame.

Niyakap ko siya at umunan sa dibdib.

"Ganon talaga, iiyak talaga 'yon. Pero wag mong isipin na ayaw sayo ni Kaisler. Anak mo 'yon. Tingnan mo, paglaki niya mas close pa 'yon kaysa sa'kin."

Bumuntong hininga siya bago patagilid na humiga at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry. Nagtatampo lang naman kasi ako."

Mahina akong tumawa bago sumagot. "Kalalaki mong tao nagtatampo ka. Gumaganon ka na pala." Sumimangot siya sa'kin.

"Ginaganyan mo na ako ah?" Pagkasabi niya sa'kin no'n nagulat ako nang bigla siyang umibabaw sa'kin at hinalikan ako ng mariin.

Ay loko talaga 'tong si Skyler!

Tumigil naman siya at tinitigan ako sa mata. "I love you, baby. Thank you for giving me this wonderful life."

Nginitian ko siya. "I love you too, Skyler. Always and forever."

______________________________________________________________________________

Pasensya na po ngayon lang ako nakapag-update ng SC nila hehehe. Ngayon lang ako sinipag eh XD.

So, ano masasabi niyo sa kanila?? Namiss niyo ba sila?? Ako kasi sobra ko silang namiss eh hehehe.

Don't forget to vote and comment!! :D

Posted: May 4, 2018

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon