SPECIAL CHAPTER #1

7.5K 97 1
                                    


Special Chapter #1: Hormones

[Katherine Chelsea Aguilar-Andrade]

Before the wedding.

"Pangit ba ako?" Naluluhang sabi ko. Kaagad naman siyang umiling.

"No, baby. Your beautiful, why do you say that?" malumanay niyang sabi.

"Kapalit-palit ba ako?" tuluyan ng tumulo ang luha ko na ikinalaki ng mata niya.

"What are you saying, baby?! Of course not!"

"They why?! Bakit mo ko niloko?!"

Napahilamos siya ng mukha at tiningnan ako ng di makapaniwala.

"Kailan kita niloko, baby? Wala akong matandaan na niloko kita. I'm being faithful to you eversince we've met."

Kumunot ang noo ko at napanguso. Hindi pa niya yata napapanood 'yong 'My ex and why's' kaya hindi niya ma-gets.

"Joke lang 'yon, Gurang. Akala ko kasi napanood mo na 'yong movie nila Liza at Enrique kaya napagaya ako." sabi ko sa kanya at kumapit sa braso niya.

Napabuga siya ng hangin na para bang nakahinga siya ng maayos. Napasubsob ako sa dibdib niya ng yakapin niya ako.

"I thought something happened to you that's why you said those words. I thought I made a mistake without me knowing it."

Gumanti ako ng yakap sa kanya. "Sorry, Gurang. Trending kasi 'yong gano'ng linyahan na 'yon eh. Pero maayos ba ang pag-acting ko?" malambing na sabi ko sa kanya.

Tumango siya. "Yeah. Muntik na akong maniwala do'n. But don't ever think of doing that again, baby."

"Opo, Gurang. I love you."

"I love you too, baby." tugon niya. Napahigpit lalo ang yakap ko sa kanya.

Napakaswerte ko talaga kay Skyler. Kaya mahal na mahal ko siya. Siya lang at wala ng iba.

Pagkatapos niyang magpropose ay naging ganito ang eksena namin. Kung anu-ano mga ginagaya kong line sa napapanood ko sa tv tapos sinasabi ko sa kanya. Pero hindi ko akalain na magseseryoso siya rito. Hindi ko naman sinasadya. Siguro naalala na naman niya ang nangyari noon.

Pagkatapos namin maglambingan ay nagpaalam siya na magluluto ng tanghalian namin. Late na pala kami nagising. Napuyat kami pareho dahil sumipa ang kambal. Ayon, tuwang-tuwa si Skyler at kinausap ang kambal na akala mo maririnig nila 'yon.

7 months na ang kambal. Mukha siyang 9 months kung titignan mo dahil sa laki nito. Medyo nabibigatan na nga ako sa kanila tuwing tumatayo ako pero nakakaya ko naman dahil lagi nandyan si Skyler para alalayan ako.

Kinuha ko 'yong maliit na spongebob na stuff toy na niregalo sa'kin dati ni Skyler at dinala 'yon. Lagi ko 'to dala kung saan ako magpunta dito sa loob ng bahay. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko tuwing dinadala ko 'to.

Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Skyler sa kusina pero bago 'yon iniwan ko muna si Spongebob sa sala.

Hinihimas ko ang tyan ko habang papunta sa kusina.

"Ano kaya lulutuin ng daddy mo para sa'tin?" kausap ko sa anak ko. Natatakam talaga ako kapag siya ang magluluto ng pagkain para sa'kin.

Nang makarating ako naabutan ko siya nagsasangag ng kanin. Para nga siyang eksperto kung kumilos sa pagluluto.

Napakagat-labi ako ng makita ko siyang topless at nakasuot ng pink na apron. Ang hot ng fiancé ko. Ang yummy pa hihihi.

Dahan-dahan ako lumakad papunta sa kanya. Buti hindi niya ako napansin kaya medyo binilisan ko ng konti pero may halong pag-iingat. Ng nasa likuran na niya ako, dahan-dahan kong pinaglandas ang kamay ko sa may tyan niya. Hihihi ang tigas ng abs niya. 'Yon kaagad kasi ang nakapa ko.

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon