C H A P T E R 34

12.3K 211 26
                                    

CHAPTER 34: SHE'S BACK

[Third Person's POV]

Three years. After 3 years, nakabalik na rin siya sa wakas sa Pilipinas. Namiss niya ang Pilipinas. Tiyak magugulat ang kapatid niya 'pag nalamang nakauwi na siya. Matagal na niya itong pinagplanuhan ang pag-uwi. Lalo na at konti na lang magtatagumpay na ang planong matagal na niyang inaasam.

I'm back now. Soon, you will be mine, Skyler. Makaka-alis na ako sa pagiging bestfriend zone na ito. -anang sa kanyang isip.

Naglakad siya palabas ng airport at hinanap ang taong susundo sa kanya. Nang makita niya ay lumapit siya, agad namang kumilos ang magsusundo sa kanya at kinuha ang bagahe nito at bumati.

"Magandang umaga ho, Miss Gonzales." ani nito.

Hindi niya ito pinansin. Pinagbuksan siya nito ng pinto at agad siyang pumasok.

Makaraan ang ilang sandali ay pumasok na ang driver at nagmaneho.

~~~***~~~

[Katherine Chelsea Aguilar]

Manghang-mangha ako habang naglilibot sa buong mansyon. Halos nalibot ko na ito. Natutuwa ako dahil meron itong library na pwede kong pagtambayan. Meron din itong hardin. Meron pa itong swimming pool. Grabe lang ang laki nito. Parang pang-pamilya na itong bahay na 'to. Ang nakakapagtaka lang, bakit si Skyler lang ang nakatira dito? Bakit hindi nakatira dito ang kapatid niyang si Charlotte?

"How's the house? Do you like it?" napapitlag ako ng marinig ko ang boses niya sa may likuran ko.

Hindi ako lumingon sa kanya. Tumango lamang ako. "Oo. Ang ganda." sagot ko sa kanya.

Mahina siyang tumawa. Tumabi siya sa akin at pinagmasdan ang hardin na animo'y nagpapahangin at nag-iisip.

Napatingin ako sa kanya. Nakatitig din ito sa kawalan. Hindi ko akalain na asawa ko na siya. Parang isang panaginip lang ang nangyari ngayon. Isang panaginip na ayokong magising. Itong lalaking 'to, itong pinakasalanan ko, mahal na mahal ko pa rin.

Mapait akong napangiti. Kailangan kong pigilin ang nararamdamang ito. Kaya lang naman niya akong pinakasalan ay dahil nangangailangan ako ng tulong.

Napaiwas akong ng tingin ng biglang tumunog ang kanyang phone.

"I'll just take this phone call." aniya at medyo lumayo.

Pinagmasdan ko siya sa malayo. Nakangiti niyang sinagot ang tawag.

"Hello?... Lean?... You're in the Philippines now?... How come?... Yeah, hope to see you soon... I miss you too... Bye."

Nanikip ang dibdib ko sa narinig ko. Siguro girlfriend niya iyon na ngayon ay magbabalik. Bakit ba siya pumayag na pakasalan ako gayong may girlfriend pala ito?

Pumasok na lamang ako sa loob at dumeretso sa sala. Umupo ako at hinintay siya makapasok.

"Hey. Let's go. I'll show you to your room." sinenyasan niya akong sumama. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng mansyon. Di naman gaano kalayo ang tinahak naming daan patungo sa isang kwarto. Binuksan niya iyon at napanganga na naman ako sa nakita ko. Ang ayos-ayos ng kwarto. Para bang pinaghandaan ito.

Pumasok ako sa loob at inilibot ang tingin sa paligid. Ang cute lang ng kulay ng kwarto. Kulay pink siya pero may shade of white. May veranda rin ito. May walk-in closet pa.

"You like it?" tanong niya sa'kin.

Nakangiti akong tumango. Oo, nagustuhan ko. Hindi ko aakalain na aabot ako sa ganito.

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon