C H A P T E R 49

8.9K 161 3
                                    

CHAPTER 49: REMEMBER

[Katherine Chelsea Aguilar]

Naging maayos ang pagsasama namin ni Skyler sa loob ng isang linggo. Nakatira pa rin kami sa bahay ni Joanna. Nahihiya nga ako dahil nakikitira pa kami rito. Ang sabi naman ni Joanna ay ayos lang para naman daw may kasama siya kapag umaalis si Aki para magtrabaho. Buti nga may apat silang kwarto sa bahay. Pati kasi sila Charlotte, Zyron at Jairon ay nakikitira rin. Si Lean naman umuwi na dahil may aasikasuhin pa raw siya sa Manila.

Nang makauwi kami galling sa mall noong nakaraang linggo ay ibinalita namin na kambal ang anak namin. Lahat naman sila natuwa at kaagad nag-apply bilang mga ninang at ninong. Lalong-lalo na 'to si Jairon dahil mukhang mas excited pa ito sa ibang ninang at ninong dahil kinabukasan no'n at may binili siyang mga kagamitan na pang-baby at mga laruan. Magbest friend talaga silang dalawa ni gurang.

"You want to go out of town?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Skyler sa likuran ko.

Nandito kasi ako sa may terrace ng bahay, nagpapahangin.

Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. Niyakap niya ako mula sa likuran ko at bumulong, "Then pack your things. Aalis kaagad tayo."

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang umaakyat kami patungo sa kwarto namin.

"The place where we first met." Sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

"S-saan naman 'yon?" napako ako sa kinatatayuan ko at napatitig sa kanya. Para akong nae-excite rito

Binuksan niya ang pinto ng kwarto namin, bumaling siya sa'kin. "Secret." Sagot niya sabay kindat sa'kin.

Inirapan ko siya para maitago ang kilig ko dahil sa pagkindat niya sa'kin. Pumasok na kami sa loob ng kwarto para makapaghanda na. Tinulungan niya akong maghanda ng aming dadalhin dahil ayaw niya akong mahirapan. Ang sweet ng gurang kong asawa.

Nang matapos na kami ay binitbit na niya ang maleta namin para i-hatid sa kotse niya.

"Uy, saan kayo pupunta?" bungad sa'min ni Charlotte na mukhang paakyat kasama si Zyron.

"Secret." Si Skyler na ang sumagot. Inirapan lang siya ng kanyang kapatid.

Nginitian lamang kami ni Zyron na nasa likuran ni Charlotte. "Have a safe trip to the both of you."

Tinanguan ko siya at nginitian siya pabalik. "Salamat."

"Ingat kayo ha? Hoy, kuya! Ingatan mo si Kath! Huwag mong hahayaang may mangyari sa kanya pati sa pamangkin kong kambal!" habilin niya kay Skyler na nakaalalaya sa'kin.

"I know. Hindi ko siya pababayaan." Sagot naman ni Skyler sa kanya.

"Mabuti naman. Tara na, Zyron." Sabi nito sabay hila kay Zyron paakyat. Hmm. I smell something fishy.

"Huwag kang gagawa ng kalokohan dito, Charlotte." Mapanganib na bilin ni Skyler. Pinaikutan lamang siya ng mata ni Charlotte.

"Opo, kuya."

"Zyron, ingatan mo ang best friend ko habang wala kami." Ako naman ang nagbilin kay Zyron. Tinanguan lamang niya ako. "Yeah. Akon a bahala sa manang na 'to."

"Pssh. Manang na naman?! Ikaw naman Kapre! Tara na nga!" anito at hinila na si Zyron.

Natatawa na lang ako sa kanila. May namumuo na bang kaganapan sa kanila? Mahal na kaya nila ang isa't-isa?

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon