C H A P T E R 17

13K 230 31
                                    

________________________________________________________________________________

CHAPTER 17: CHANGES

[Katherine Chelsea Aguilar]

3 months passed.

"Okay class, don't forget to answer your textbook on pg. 56-60. Goodbye now class." pagkalabas na pagkalabas ng Prof namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko.

Haaaay Lord. Buti na lang medyo konti lang ang assignment namin ngayon. Kailangan ko pa kasi manood ng practice ni Zyron. Nagmadali akong maglakad patungo sa classroom ni Charlotte. Mukhang sabay lang ang labas namin ngayon. Minsan kasi mas nauuna kaming palabasin kaysa sa kanila.

"Hi Bes! Buti maaga kayong pinalabas ngayon?" bungad ko sa kanya. Nagbeso-beso kami.

"Hahaha oo nga eh, may urgent meeting kasi ang last Prof namin kaya maaga kaming pinalabas." nagsimula na kaming maglakad dalawa.

"Ahhh... buti naman kung ganoon, mapapanood din natin ang practice ni Zyron!" excited kong sabi sa kanya. Napairap siya dahil do'n kaya natawa ako.

"Dapat hindi na ako manonood eh. Baka maengkanto lang ako ng Kapreng 'yon." sabi niya.

"Grabe talaga kayo. Inis na inis ka talaga sa kanya 'no?"

"Eh paano ba naman kasi tawag pa rin niya sa'kin ay Manang! Sa ganda kong ito?! Mukha akong Manang?! Bulag lang siya! Bulag!" tinawanan ko na lang siya. Lagi na lang siya ganyan. Hindi makamove-on sa Manang thingy na 'yan.

Nakarating na kaming dalawa sa Gym ng University.

Ayon, nakita namin si Zyron na nakasuot ng Blue Jersey at shorts, nagshoshoot sa may three point liner. Napahanga ako sa kanya. Walang palya ang pagshoot niya sa ring. Ang astig talaga ni Zy!

Hinila ko si Charlotte sa kamay at umupo sa may bleachers malapit sa kanya. Hindi pa nga niya kami napapansin eh. 'Yong katabi ko naman ay nakatitig lang kay Marco, ka-team mate ni Zyron sa varsity. Crush kasi ni Charlotte si Marco hahaha. Lumalove-life na kasi.

Pagkatapos magshoot ni Zyron ay tsaka pa lang niya kami napansin. Lakad-takbo siyang pumunta sa gawi namin habang nakangiti.

"Hey Chelsea, how's your day?" bungad niya sa'kin nang makarating sa pwesto namin. Iniabot ko sa kanya ang bote niya na nasa tabi ko lang. Agad naman niya itong kinuha at ininom.

"Okay lang naman, buti na lang mga apat lang ang homework namin. Hindi tulad kahapon na mga lima. Jusko ayoko na ng madaming homework." kwento ko sa kanya. Tumalon siya patawid sa railings at umupo sa tabi ko.

"That's okay. It's part of being a student. If you're having a hard time with your homework, I could lend you a hand." bait talaga ni Zy sa'kin.

"Hahaha kaya ko naman talaga eh. Nagbibiro lang ako." bigla niyang piningot ang ilong ko! "Awww!" binitawan naman niya ito agad. Nginitian niya ako.

"I know you can." napabaling ang tingin niya kay Charlotte na ngayon ay nakatitig pa rin kay Marco.

"Hey Manang. You might wanna give your attention to me now, instead of Ramos. I'm way more handsome and hotter than him." ngisi niyang sabi. Natawa ako sa sinabi niya. Likas na mahangin talaga 'tong lalaking 'to. Magsisimula na naman ang panibagong gulo. Pustahan tayo.

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon