C H A P T E R 18

12K 183 27
                                    


________________________________________________________________________________

CHAPTER 18: PARENTS

[Katherine Chelsea Aguilar]

"Thank you for coming Sir. Have a nice day." ngiti kong sabi.

Tumingin ako sa suot kong relos. Malapit na ako mag-out. Pagkatapos kasi ng practice ni Zyron, dumeretso na ako sa trabaho ko. Pinauna ko na sila Zyron at Charlotte sa pag-uwi pero si Zyron hindi. Hihintayin na lang daw niya akong matapos sa trabaho ko. Sabi ko naman 'wag na.' dahil gagabihin ako. Okay lang naman daw sabi niya. Kinilig naman ako sa pagiging concern niya.

At ngayon, nando'n siya sa isang table malapit sa counter, nakatingin at nakangiti sa akin. Nginitian ko siya pabalik. Nag-iwas ako ng tingin no'ng kinindatan niya ako. Feeling ko namumula ang pisngi ko dahil do'n. Grabe talaga ang lalaking 'to. Napakagat-labi ako para pigilin ang kilig na nararamdaman ko. Bakit ang gwapo niya kahit saang angulong tignan?

~~~***~~~

Pagkatapos ng trabaho ko, hinatid ako ni Zy sa apartment. Hindi sana ako magpapahatid sa kanya dahil 10 'o clock na ako nakalabas sa trabaho ko, pero nagpumilit pa siya. Sabi niya, "I'd rather bring you home to your apartment safely than leaving you all by yourself going home in the middle of the night." No'ng sinabi niya 'yon kinilig talaga ako! Kahit nosebleed na ako sa English niya, kinilig pa rin ako! Ang sweet!

"Kath..." tawag niya sa akin. Nilingon ko siya habang naglalakad kami.

"Bakit?" nginitian niya lang ako.

"Malapit na 'yong birthday mo, right?" tumango ako. Malapit na pala birthday ko. December 29 ang birthday ko. Paano niya nalaman birthday ko? Hahaha tinanong niya ako eh.

"So, what's your plan? Are you going back to your province?" tanong niya.

"Oo, gusto ko kasi makita ang magulang ko. Miss na miss ko na silang dalawa eh." ngiti kong sabi pero sa loob-loob, nalulungkot ako.

"Oh, so you're leaving on your Christmas break?" tumango ako sabay sagot. "Oo."

"So... can I come with you?" nagulat ako sa tinanong niya. Ano?! Sasama siya sa akin?! Hala!

"Ha?! Bakit naman?!" ngumiti siya sa akin. Hindi ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng apartment.

"I want to meet your parents, and also I want to ask them permission to court you officially." o-kay? My God! Gusto niyang humingi ng permiso sa magulang ko!

"T-talaga?!" nauuta kong tanong sa kanya. Tumango siya habang nakangiti. "Yes, really."

"A-ahh s-sige." takte nauutal pa ako. Lumapit siya sa akin habang nakangiti. Unti-unti niya inilapit ang mukha niya sa akin at... hinalikan ako sa noo.

"Goodnight Chels." bulong niya. Nakatulala lang ako sa mukha niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko kay Sir Skyler noon.

"G-goodnight d-din." nasabi ko na lang. Ngumiti siya sa akin na mas lalong ikinalakas ng tibok ng puso ko.

"Goodbye my princess. Have a sweet dream." sabi niya at tumalikod na sa akin. Naglakad na siya palayo. Ako, nanatili pa ring nakatayo sa pwesto ko. Lumingon siya sa akin, kumakaway habang naglalakad kaya kumaway rin ako.

Ganitong-ganito rin ang epekto sa akin ni Sir Skyler noon.

Mahal ko na ba si Zyron?

~~~***~~~

"Talaga?! Sasama talaga siya sa'yo sa pag-uwi mo sa probinsya?!"

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kinekwento ko sa kanya ang nangyari sa'kin kagabi. Kilig na kilig siya habang kinekwento ko 'yon.

"Oo nga. Sabi niya, sasama daw siya para makilala ang magulang ko at humingi ng permiso para manligaw sa akin." napadaing ako at napahimas sa braso ko.

"Ikaw na! Haba talaga ng hair mo!" ang sakit manghampas ng babaeng 'to.

"Aray ko naman." daing ko ulit. Paano ba naman kasi kinurot ako.

"Hahaha sorry bes. I'm like, what the hell! Sagutin mo na kasi si Zyron! Perfect Match talaga kayo!" umiling ako at nginitian siya. Masyado pang mabilis.

"'Wag muna. Hindi ko pa siya mahal. Gusto ko muna masigurado ang nararamdaman ko para sa kanya. Baka kasi kapag nagdesisyon kaagad ako, magkasakitan lamang kami."

Inirapan niya lang ako.

"Kung ako sayo sasagutin ko na 'yong Kapreng 'yon." sabi niya habang nakahalumbaba.

"So you're saying yes to my proposal?" parehas kaming napalingon sa nagsalita sa may gilid namin. Si Zy lang pala. Tiningnan ko si Charlotte, nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin kay Zy.

Si Zyron seryoso ang mukha nakatingin kay Charlotte.

Ehh? Ano meron?

"H-ha?! H-hindi 'no! Nagbibigay o-opinion lang ako s-sa pinaguusapan n-namin ni K-kath." nauutal niyang sabi at nag-iwas ng tingin kay Zyron. Umupo na sa tabi ko si Zyron.

"Sure?" paniniguro pa nito.

"O-oo nga!" nilingon ko si Zyron na may pagtataka sa mukha.

"I see." Sagot nito at tumango.

"Ano meron?" tanong ko sa kanya. Ginulo lang niya ang buhok ko, napasimangot ako dahil do'n.

"It's nothing. Just continue what you're eating or do you want me to order more?" umiling ako at itinuloy ang pagkain ko.

Nagusap silang dalawa pero nagpipikon pa rin. Napailing na lang ako sa kanila.

Haay Lord. Kailan kasi sila magkakasundo?

~~~***~~~

[Someone's POV]

"Okay... Got it... Thank you." I press the end call and put my phone in my pouch.

Konting panahon na lang Skyler, you'll be mine soon. Pasasayahin at pahihirapan muna kita. I will let you be with your baby Kath, then I will crush the both of you into pieces. Hindi ko hahayaang na sumaya kayong dalawa.

Tama lang ang ginawa ko kay Kath sa aksidenteng 'yon, nakalimutan ka na niya. Ngayon, I know that you've been miserable because of that.

Hindi lang 'yan ang kaya ko Skyler. Marami pa. Kung ako sayo, iwanan mo na si Kath at hindi siya mapapahamak dahil sa'yo. 

________________________________________________________________________________

#ZyRine

#WhosThisSomeone

#AnotherRevelation

Nagbabalik ako! Mga tatlong chapter lang ma-uupdate ko. Marami kasi akong gagawing mga project at homework ngayon eh. Bawi na lang ako next week, mga 4 or 5 na i-uupdate ko. 

Enjoy reading! :)

Edited: December 3, 2017

Posted: July 23, 2016

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon