Chapter XXX: Church of Five Gods

Start from the beginning
                                    

Ang ikinagulat nila anton ay hindi mismo ang kuweba kundi ang mga nilalang na nasa bukana ng kuweba. Nakita nila ang limang tao na nakaitim na kapote (cape) na nakatalukbong sa kanilang ulo na natatakpan naman ang kanilang mga mukha.

Sa likod ng kanilang kapote ay may simbolo ng limang tatsulok na hugis bituin at may mata sa gitna.

Ang mas nakakagulat ay ang mga goblin na bumalik sa kuweba na may dalang mga bagong bihag ay lumuluhod sa limang taong ito na tila ba ay nagbibigay pugay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang mas nakakagulat ay ang mga goblin na bumalik sa kuweba na may dalang mga bagong bihag ay lumuluhod sa limang taong ito na tila ba ay nagbibigay pugay.

"A-ano to?" Wika ni anton at di makapaniwala sa kaniyang mga nakita.

"A-ang church of Five Gods.. ano ginagawa nila dito? Ang simbolo na nasa likod ng kanilang kapote ay simbolo ng church of five gods.. pero ano ginagawa nila dito? At yung mga goblin.." di makapaniwala si arthur sa senaryo na nasa kaniyang harapan.

"Ayon sa kasaysayan ng Verssila ang Five Gods ang nagsugo ng Limang bayani upang iligtas ang sankatauhan at sila din ang nagtayo ng pader ng Verssila.. pero ano to?" Wika naman ni ellen na hindi din maka paniwala.

"Di ko alam kung ano ang kasaysayan na yan.. pero isa lang ang sigurado.. kalaban natin sila.." wika ni anton at hinugot niya ang kaniyang espada.

Dahan dahan silang lumapit sa kuweba, ilang sandali pa ay wala ng dumadating na goblin. May naiwang 8 goblin upang magbantay at ang 4 namang lalake ay pumasok na din sa kuweba at naiwan ang isa upang magbantay.

"Magic eye!" Ginamit ni anton ang magic eye upang malaman kung gumagamit din ang lalakeng ito ng mahika, at tama naman ang hinala ni anton. Ang grupo ng mga lalakeng ito ay grupo ng mga necromancer.

"Ang limang lalake ay nocromancer.. kaya may chance na magagaling ang mga ito sa larangan ng mahika.. kayong tatlo na ang bahala sa goblin at ako na ang bahala sa lalakeng iyon" wika ni anton.

Sinugod ni anton ang lalake na naka itim na kapote at binato ni anton ng kutsilyo pang distract sa lalake.

Naramdaman na naman ng lalake ang pag-ataki ni anton.

"Diyos ng kadiliman ipagkaloob mo sakin ang kapangyarihan na iwasan ang kahit na anumang panganib sa aking harapan! [Shadow Mist]"

Kitang kita ni anton ang kaniyang kutsilyo na tumama sa lalake subalit tumagos lang ito sa lalake na tila ba'y tumama lang hangin.

Sa harap ni anton ay may lumabas na screen.
______________________________________

[Shadow Mist]
- An ability to turn your body into a Shadow. You can pass to any wall and fly and receive an immunity to any physical attack.

Weaknesses:
- Magic attack
______________________________________

Salamat sa magic eye ni anton at agad niyang nalaman ang kahinaan ng skill ng kalaban.

Upang di maka halata ang kalaban ay binato uli ito ni anton ng kutsilyo subalit tumagos lang uli ito, at tumawa naman ang lalake.

Sumagod si anton sa lalake at ang lalake naman na nasa kapote ay itinaas ang kaniya dalawang braso na sinyales na tinatanggap niya ang kahit na ano mang pag-ataki mula kay anton.

Ang akala ng lalake na may kapote ay gagamit si anton ng espada subalit nagulat siya ng itapat mismo ni anton ang kaniyang palad sa kaniyang sikmura.

"[Water Jet]" nagbago ang mukha ng lakake dahil sa tindi ng mana na kaniyang naramdaman mula sa palad ni anton. Nanlaki at namilog ang mga mata nito habang nakanganga ang bibig sa sobrang gulat. Ang inakala niya'y isang swordsman si anton.

Tumagos sa sikmura ng lalake ang isang matinding agos ng tubig at tumalsik pa ang lalake ng ilang metro.

Nilapitan ito ni anton at nag-aagaw buhay na ang lalake, sa paligid ay nagkalat ang piraso ng mga bituka nito at sa sikmura ay makikita ang malaking butas na halos maghiwalay na ang kaniyang katawan.

"Huuuf huuuf... buuulgya.. cough* cough*.. a-a-anong klaseng nilalang ka?" Hinga ng malalim ng lalake, sumuka pa ito ng dugo at umubo bago magsalita.

"Isang simpleng tao..?" Wika ni anton na tila di sigurado sa kaniyang isasagot.

"Ang mahika na ginamit mo.. ay chantless.. pinag-aaralan palang ng mga sages yan at scholars bat nagtataglay ka nito?" Wika ng lalake.

"Ipinagkaloob sa akin ito ni atlas.." sagot ni anton.

Nagulat ang lalake sa kaniyang narinig at di na nakapagsalit pa at binawian na ng buhay.

Kinapkapan ni anton ang lalake para sa mga ibang importanteng bagay, may nakuha si anton na Magic Book at isang amulet na nagtataglay ng magic. At dahil sa mundong ito ang lahat ng nilalang ay nagtataglay ng magic stone kaya naman kihuna din ni anton ang magic stone sa katawan ng lalake.

Tumungo siya sa direksyon nila arthur at sakto naman na tapos na din sila.

At silang apat ay pumasok na sa loob ng kuweba.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now