Prologue

27.9K 368 15
                                    


Ano nga ba ako sa buhay niya?

Bakit niya ba ako pilit na ikinukulong sa buhay na ayaw ko o sa madaling salita, inayawan ko?

Hindi ba siya napapagod sa araw-araw namin na pag aaway? Sabagay, bakit nga ba siya mapapagod eh, lagi naman siyang panalo.

Sa araw-araw na buhay namin bilang ko lang ata sa mga daliri ko na sumaya ako, siguro dati masasabi kong masaya talaga ako sa piling niya pero pagkatapos nang pangyayari na 'yon, nagbago siya.

Kelan nga ba niya ako pakakawalan?

Sa panahon na durog na durog na ako? Sa panahong walang wala na ako?

Sige, maghihintay pa ako ng kaunting panahon baka sakali, BAKA SAKALI na magbago siya.

Pero alam ko lahat  ng tao may hangganan, may mga panahong hindi ko na kaya pero sinusubukan ko parin na kayanin. 

Maraming beses na akong nasaktan pero bakit ganoon? Hindi ko parin siya kayang iwan? Sa mga araw na ginawa ng Diyos ni hindi man lang sumagi sa isip ko na iwan siya. Takbuhan siya kahit na pagod na ako. Wala naman akong magagawa, kahit naman saan ako magpunta, mahahanap at mahahanap niya rin ako. 

Ilang beses ko na rin naman na sinubukan takasan siya, gusto ko lang naman magpahinga sa labas ng bahay sa loob ng ilang oras  pero sa mga pagkakataong iyon lagi niya akong nauunahan sa mga plano ko o di kaya naman nahuhuli niya ako. Kaya ang bagsak ko ayon, pagod sa kama at pagod sa pag-iisip. 

Hindi na malusog ang paraan ng pagmamahal niya sa akin pero wala akong magawa, mahal ko rin siya, higit pa nga sa pagmamahal niya. 

  Mahirap iwan ang taong alam mong naibigay mo na ang lahat sa kanya, kumbaga bumigay ka ng todo sa larangan ng pag-ibig.   

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now