Chapter 20

10.5K 205 33
                                    


Nakatitig ng madalim sakin si Luke habang pinipigilan ang magwala sa labas ng bar. Hindi siya pwede magwala dito, governor siya at baka mabalita pa siya bukas.

"Mia, tangina. Nanggigigil ako. Gusto kong magwala, saktan ka para matuto ka. Tangina." Habang sinasabi niya ito ay pilit niya akong inihihilig sa kotse niya kahit wala ng paguusugan ay idinidiin niya parin ako.

"Teka, luke. Masakit... naiipit ako" Pagmamakaawa ko.

"Tangina talaga." Hindi parin tumitigil ang pangangatog ng katawan niya dahil sa galit at inis na nararamdaman para sakin.

"Clam down, Luke please. Inaamin ko na, sorry kasalanan ko. Please calm down, natatakot na ako, Luke."

Naramdaman niya na takot nga ako kaya naman lumuwag ng kaunti ang hawak niya at humilig sa leeg ko. Naramdaman kong binibigyan niya ito ng maliliit na halik.

"Luke, nasa parking lot tayo..." hini parin ito tumitigil at mas lalong tumitindi ang halik. Wala na akong nagawa kung hindi ang itulak siya dahil sa takot na baka may makakita samin.

Natigil ni Luke ang paghalik at yumuko lang. Ilang segundo na nakayuko lang siya kaya mas lalo akong natakot dahil hindi ko alam ang takbo ng utak niya, baka anong mangyari sakin.

Nakita kong tumataas baba ang balikat ni Luke. Nagangat ito ng tingin sakin at nakangisi.

"Nakakailan ka na sakin, Mia. TANDAAN MO AKO ANG BUMUBUHAY SAYO!!" Sigaw niya sakin sabay talikod at labas ng yosi at lighter sa bulsa.

Tama siya, siya ang dahilan kung bakit ako nakakapagaral ngayon at kung bakit ako nakakaranas ng marangyang buhay ngayon. Lahat 'yon siya ang nagbigay sakin. Pero ayoko na, nasasaktan na ako.

"Kaya nga pakawalan mo na ako, Luke. Ayoko na." Mahinang sabi ko. Sana hindi niya narinig pero nagkamali ako.

Bumaling si Luke sakin. Sobrang nagdidilim ang paraan ng pagtingin niya sakin ngayon. Alam kong may mangyayari sakin na masama.

Lumapit siya sakin at initsa sa tabi ang yosi na hawak at tinapakan.

"ANO MIA? ANO SABI MO?" Sabi niya na sumisigaw.

"Huwag kang sumigaw, Luke. Tayong dalawa ang tao rito hindi mo kailangan sumigaw"

"Hindi Mia, hinding hindi kita papakawalan. Kahit anong mangyari, hindi."

"Bakit pa, Luke? May mahal ka naman ng iba 'diba?"

"Ano? Anong sinasabi mo?" Humihigpit ang hawak niya sakin ngayon sa palapulsuhan.

"Wala... gusto ko ng bumalik don sa loob, nandoon si Anne baka hinahanap na niya ako." Sinubukan kong umalis sa harap niya pero ayaw niya akong paalisin.

"Luke..." Pilit kong inaalis ang kamay ko sa hawak niya pero ayaw niya.

"Sasama ako sayo sa loob. Ayokong may katabi kang lalaki o kausap man lang... nangigigil talaga ako Mia. Huwag mo ng dagdagan pa ang galit ko sayo."

Tumalikod na si Luke sakin at nauna sa paglalakad.

Sumunod na ako sa kanya hanggang sa makatapat kami sa pintuan ng bar kung saan maraming lalaki ang nagyoyosi sa labas.

Napansin kong nakatingin ang ibang lalaki sa gawi ko kaya naman medyo binilisan ko ang lakad ko. Maya maya lang ay nakita ko si Luke na bumabalik sa harapan ko. Walang sabi sabi na hinawakan ang bewang ko at ginaya papasok sa bar. Hanggang ngayon ay ang higpit parin ng hawak niya sakin.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now