Chapter 16

12.1K 192 5
                                    


Dahil sa nangyari ay mas napaaga ang uwi namin. Hindi na namin hinintay pang mas lumalim ang gabi, dali dali akong nagayos dahil ayoko ng dagdagan pa ang galit ni Luke dahil baka ano pang mangyari.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa baba at nakitang nagaantay na si Luk habang hindi parin umiimik. Nang nasa ikahuling palapag na ako ay inangat lang nito ang mukha at tinignan ako. Tumayo na ito at dumiretso na sa kung saan nakapark ang kotse niya. Tahimik ang buong mansyon dahil tapos na ang pagdiriwang sa pagkapanalo ni Luke. Simula bukas ay isa na siyang ganap na gobernador ng Santa Monica.

Simula bukas ay magbabago na ang tingin at turing sa kanya ng mga taga dito dahil may katungkulan na siya. Mas lalo akong magpupursige na layuan na siya dahil ayokong madamay pa sa gulo ng pulitika. At natatakot akong malaman ng lahat ang kung anong meron samin lalo na't may girlfriend pala ito.

Nasa loob na kami ng kotse at papalabas na ng subdivision kung saan nakatira ang pamilya niya. Buti nalang walang nakakita samin kundi malalagot ako.

Wala kang maririnig na ingay sa pagitan namin dalawa kundi ang malalim na paghinga lamang ni Luke na mukhang hanggang ngayon ay galit parin ito. Hindi maipinta ang mukha nito at seryoso lang ang tingin sa daraanan namin, habang ako naman ay pasulyap sulyap sa kanya at tinatantsa kung kailan pwedeng magsalita ngunit wala atang pagkakataon na makakapagsalita ako dahil iba ang sitwasyon namin ngayon.

"I wanted you to transfer school" Napatingin ako kay Luke nang magsalita ito.

"Huh?" Tanong ko. Bakit kailangan ko pang lumipat ng paaralan gayong graduating student na ako.

"I don't want to repeat myself, Mia. You'll not be attending that school anymore."

"Pero bakit? Luke, graduating na ako. Ayoko ng mahirapan pang magayos ng papel. Anim na buwan nalang naman na. Tsaka ayoko. Ayoko, Luke."

Tumingin lamang ito sakin at hinigpitan ang hawak ang manibela. Dahil sa higpit ng hawak niya ay makikitang namumuti na ang kamao nito.

"Hindi ako mapakali habang iniisip kong andun yung gagong 'yon. Nangangati yung kamay kong pumatay" Walang prenong sabi niya.

"Lalayuan ko si Matt. Gagawin ko lahat ng gusto mo 'wag lang yan. Please, Luke. Nakikiusap ako. Hindi ako makikipagusap sa kanya. Kahit tingin hindi ko gagawin." Nakatingin na sabi ko sakanya.

Hindi na lamang ito nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho pauwi. Maya-maya lang ay nakauwi na kami at binuksan naman ng bodyguard ang gate nito. Andito na pala ang mga tauhan ni Luke na nakita ko sa party kanina.

Hindi man lang ako pinansin nito at dire-diretso sa pagpasok sa bahay. Wala nang mga katulong ang gising kaya tahimik ang bahay. Umakyat na ako sa kwarto namin at sinundan siya. Pagkapasok ko ay ang hangin ng aircon ang sumalubong sakin. Malamig.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto at nakitang wala siya roon. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig kaya marahil ay nasa c.r. ito at naliligo.

Umupo nalang ako sa kama habang iniitay siyang makalabas para ako naman ang gumamit. Habang nakatulala ako sa kawalan ay nakarinig ako ng pagbasag nang kung ano sa loob ng c.r. gusto kong lumapit pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka sakin naman ibunton ang galit ni Luke.

Lumabas na ito sa c.r. na nakatapis lang ng puting twalya at may bakas ng dugo sa tela. Nakita ko rin ang kamao nito na may dugo rin.

Walang inaksayang oras si Luke at lumapit agad sakin. Sa harapan ko.Nakatayo ito habang ako ay nakaupo parin sa kama niya. Walang sabing hinalikan ako nito ng marahas habang hawak ang pisnge ko gamit ang kamay nitong walang dugo. Marahas ang paraan ng paghalik niya na parang dito niya binubuhos ang galit sakin na kanina niya pa gustong ilabas.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now