Chapter 27

8.5K 201 39
                                    


Dumating ang madaling araw pero walang Luke na umuwi sa bahay kaya naman dali-dali akong nagimpake ng kakaunting gamit na dadalhin sa bahay ng tita ko. Pansamantala muna akong tutuloy sa kanila hanggang sa lumamig na ang ulo ni Luke.

Nagpunta ako sa drawer at inuna ko ang mga gamit ko sa school at sinunod ang mga kakaunting damit. Tutal may damit naman ako sa tiyahin ko kaya hindi ko na kailangang pang magdala nang marami. Ang importante ay dala ko ang school uniform ko.

Buti nalang at walang tao sa bahay ni Luke ngayon, wala ang mga katulong at bodyguards niya kaya makakalabas ako ng tahimik.

Lahat ng daanan na may CCTV ay iniwasan ko para lang makalabas sa impyernong 'to. Nagsuot narin ako ng cap at mask para hindi gaanong makilala ng mga tao sa labas kahit na madilim na.

Alam kong nasa bahay ng magulang niya kapag wala siya sa bahay. Doon ito nagpapalipas ng gabi at umaga na ito umuuwi.

Naglakad na ako palabas ng subdivision at pumara ng jeep papunta sa kabilang bayan; sa bahay ng tita ko. Palinga-linga ako sa paligid dahil baka may sumusunod sakin na tauhan ni Luke pero mukhang wala naman kaya medyo naging kampante na ako.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa bahay ng tiyahin ko. Magisa lang siyang nakatira rito kaya naman may espasyo pa para sa akin. Isa si Tita Sela sa mga nagalaga sakin noong bata pa ako kaya naman malaki ang utang na loob ko sa tiyahin ko.

Tumapat na ako sa harapan ng pintuan at dahan-dahan na kumatok. Hindi na ako nahiya dahil gustong-gusto ko nang makatakas sa kamay ni Luke pero alam kong baka pagkasikat ng araw ay may dumating ng mga lalaki rito at kunin ako o ang tiyahin ko.

Maya-maya lang ay lumabas na ang tita ko na mukhang kakagising lang mula sa mahimbing na tulog.

"Mia! Anong ginagawa mo rito? Anong oras palang iha. May nangyari ba sayo?"

Hindi ko na napigilan at yumakap na ako nang mahigpit sa tita ko. Feeling ko safe ako sa piling niya na kahit bukas ay baka may mangyaring masama.

"Iha, pumasok ka. Ano bang nangyayari sayo? Bakit ganyan ka? Bakit parang pagod na pagod ka?"

Pumasok na kami sa bahay at umupo sa sala niya. Humihikbi parin ako habang hinahanda ang sarili sa pagkwento sa tita ko.

"Auntie, 'wag po kayong magagalit sakin."

"Ano ba 'yun Mia? Kinakabahan ako sayo, bata ka."

"S-si L-Luke po yung g-governor natin..."

"O, anong meron kay Gov?" Nagaalalang tanong niya.

"Maniwala po kayo sakin..."

"Oo iha, ano ba 'yun?"

"Si Luke po kasi... may namamagitan po samin."

"Diyos kong bata ka! Totoo ba 'yang sinasabi mo? Mia, governor 'yon..."

"Auntie, maniwala po kayo sakin please... Ayaw niya po akong pakawalan. Tumakas lang po ako sa bahay niya dahil ayaw niya po akong palabasin..." Umiiyak kong paliwanag sa kanya.

"Anong ayaw palabasin sa bahay? Sa kanya ka nakatira?" Gulat na sabi ng tita ko.

"Mia, may nangyari na ba sainyo?"

Hindi ako sumagot at mas lalong lumakas lang ang iyak ko sa tiyahan ko. Sinuklian naman niya nang mahigpit na yakap ang paghagulgol ko. Nagpapasalamat ako dahil may kamag-anak akong nakakaintindi sakin.

"Auntie natatakot po ako. Baka idamay ka niya..."

"Hindi ka niya magagalaw, Mia. Hindi kana babalik doon, simula bukas dito kana titira sakin. Hindi na kita ibabalik doon." Niyakap ko nang mahigpit ang tiyahin ko dahil sa sobrang pasasalamat.

Governor's Girl [DISCONTINUED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें